PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gretchen Barretto explains why she walked out on interview last Wednesday

"Sometimes you have to be sensitive of me," requested the actress.
by Rommel R. Llanes
Published Apr 10, 2010
"It was a very happy mood. And siyempre, gusto ko lahat ng tao na kasama ko masaya, di ba? Bigla akong binugbog ng mga tanong na hindi ako aware talaga sa mga nangyayari. Wala rin namang nag-warn sa akin na yun ang mga itatanong," said Gretchen, whose appearance on Maalaala Mo Kaya tonight airs simultaneously with kid sister Claudine's anthology premiere.

Sa exclusive interview ng SNN: Showbiz News Ngayon ng ABS-CBN kay Gretchen Barretto, ibinahagi ng aktres ang dahilan kung bakit nag-walk out siya sa kalagitnaan ng interview sa kanya ng entertainment press noong Miyerkoles, April 7.

Bigla na lang nilisan ni Gretchen ang panayam noong tanungin siya tungkol sa nakababatang kapatid na si Claudine Barretto at ang pagtatapat ng shows nila mamayang gabi, April 10—ang Maalaala Mo Kaya ni Gretchen sa ABS-CBN at ang pilot episode ng drama anthology ni Claudine sa GMA-7.

"It was a very happy mood. And siyempre, gusto ko lahat ng tao na kasama ko masaya, di ba? Bigla akong binugbog ng mga tanong na hindi ako aware talaga sa mga nangyayari. Wala rin namang nag-warn sa akin na yun ang mga itatanong," simula ni Gretchen

TOO PERSONAL. Hindi rin daw inaasahan ni Gretchen na parang mas may alam pa ang press tungkol sa problema ng kanilang pamilya kaysa sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya ako nagulat kasi may reporters asking me questions na I really didn't know how to deal with it. Na pamilyar yung mga sinasabi nila pero nagulat ako na umabot sa press...

"May mga tinanong sa akin na sensitive topic na nakakasakit. Siyempre ayokong palakihin yung mga accusations. So, minabuti ko na lang na tumayo.

"Kasi yung mga sinasabi nila sa akin, hindi ko naman talaga narinig. So paano kong sasagutin ang isang tanong na wala naman ako talagang alam?"

May humingi ba sa kanya ng sorry pagkatapos ng nangyari?

"Wala! Wala namang nag-sorry," sagot niya.

"I guess ini-expect din nila na kasi sanay sila na, 'Oy, si Gretchen, sumasagot yun!' E, nagulat talaga ako dahil hindi ko nga in-expect na lumabas yung mga lumabas...

"Ang hinihingi ko sa mga tao, sometimes you have to be sensitive to me."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"It was a very happy mood. And siyempre, gusto ko lahat ng tao na kasama ko masaya, di ba? Bigla akong binugbog ng mga tanong na hindi ako aware talaga sa mga nangyayari. Wala rin namang nag-warn sa akin na yun ang mga itatanong," said Gretchen, whose appearance on Maalaala Mo Kaya tonight airs simultaneously with kid sister Claudine's anthology premiere.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results