"Trabaho, tulog, trabaho, tulog, bangko, bangko! Ha ha ha! Ah, hindi, trabaho, tulog, pautang—ah, hindi, pamigay!" the much in-demand comedienne outlines her daily routine.

 

Photo: Noel Orsal

Sa press conference ng bagong game show ni Eugene Domingo, ang Wachamakulit, naging kapansin-pansin ang pagpayat ng komedyana. 

"Dahil na rin siguro sa sunod-sunod na trabaho," sabi ng aktres na mukhang binabagayan naman ng kanyang bagong weight. "Awa ng Diyos, nanatili namang malakas ang aking katawan.

"At saka, naka-focus, e.  Excited ako. Excited ako sa lahat ng projects na ibinigay sa akin ng GMA ngayon.  Meron akong pambata, itong Wachamakulit.  Pumasok din ako sa First Time, para sa mga teenagers. At saka, siyempre, para naman sa akin, Comedy Bar, of all ages, di ba?" natatawa niyang sabi.

STRIKE WHILE THE IRON IS HOT. Bukod sa mga GMA-7 shows na binanggit niya, meron pa siya sa TV5 at may mga movies din siyang sinu-shoot, tulad ng Working Girls.

"Trabaho, tulog, trabaho, tulog, bangko, bangko! Ha ha ha! Ah, hindi, trabaho, tulog, pautang—ah, hindi, pamigay!" natatawa niyang biro.

Naniniwala rin kasi si Uge sa kasabihang "strike while the iron is hot."

"Tama! Kasi, alam naman natin ang katotohanan na hindi naman sa lahat ng panahon, ikaw ay hot. Lahat naman ay nagpi-fade. So, ako, habang binibigyan ng pagkakataon, talagang ibibigay ko rin ang lahat ng lakas ko. Kasi, ayokong dumating ang panahon na nagkaroon na ako ng pagkakataon, hindi ko pa sinamantala.  Ayokong pagsisihan ito.  Gusto ko itong samantalahin, pagbutihan at ibalik ang tiwalang ibinibigay nila sa akin dahil isa itong karangalan."

GAME SHOW FOR KIDS. First time raw ni Uge na gumawa ng isang game show na pambata.

"Yes, ito naman  fresh na fresh kasi ang exciting dito, mga bata ang nagbibigay ng games para sa mga adult players.  So, you'll be surprised, kasi they are very spontaneous. Hindi mo alam kung ano ang lalabas sa description nila. Hindi mo alam kung gaano kataas ang energy nila kaya imagine mo na lang ang challenge sa akin, yung lengguwahe, yung pagpipigil, ganyan... but most of all, tumataba ang puso ko. Kasi yung mga bata, kapag nakikita ako, parang nakakakita ng Santa Claus, yung ganun."

Hindi ba mahirap to deal with kids?

"Yes, totoo 'yan. May sari-sarili silang mundo. Di ba, minsan, may drama sila.  Ang span of attention maigsi lang. Pero siguro, dahil may edad na rin ako kahit hindi ako ina, yung puso ko, parang natural na rin na nakakaunawa ng bata.

"In fact, ang importante nga rito kapag sumali ka sa Wachamakulit, hindi importanteng matalino ka or marami kang alam.  Ang importante, naiintindihan mo ang isip ng bagets, kung nakakakonek ka sa bagets at dahil dun, nakakaba-gets!" nakangiti niyang sabi.

TOO BUSY FOR LOVE. May mga nag-aakalang may boyfriend na siya, may iba namang nagtatanong kung may asawa na ba ang magaling na aktres.  Pero open naman si Eugene na she's very much single.

Kailan naman plano ng bising aktres na harapin ang usaping puso?