"It's the first episode. You know, marami pang puwedeng i-improve. Ako, I'm very happy na binigyan kami ng bonggang set at hindi pa yata siya tapos. But hopefully by next week and coming weeks, things will be more relaxed and stable. There's a lot of room for improvement and there's a lot of room to do better," says Ruffa Gutierrez about Paparazzi, her new TV show with TV5.

Photo: Noel Orsal

Aminado si Ruffa Gutierrez na marami pang dapat i-improve sa bagong showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi, na nag-pilot episode kahapon, April 11. Kasamang hosts dito ni Ruffa sina Cristy Fermin, Dolly Anne Carvajal, at Jon Santos.

"It's the first episode. You know, marami pang puwedeng i-improve. Ako, I'm very happy na binigyan kami ng bonggang set at hindi pa yata siya tapos. But hopefully by next week and coming weeks, things will be more relaxed and stable. There's a lot of room for improvement and there's a lot of room to do better. So, you know, we're very excited," pahayag ni Ruffa sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na dumalaw sa live episode ng Paparazzi kahapon.

Bagamat nanganganay pa sila sa bagong show, halata namang kumportableng-kumportable na si Ruffa sa kanyang ginagawa na parang nasa sariling bahay lang siya. Bakit ganito na ang pakiramdam niya samantalang unang episode pa lang ng Paparazzi?

"Well, here naman kasi, I can speak my mind. Actually, ako nga ang nasa-shock sa mga pasabog nina Dolly at Tita Cristy. Pati ako tuloy, gusto kong matumba sa inuupuan ko!" natatawa niyang sabi.

Baka dahil kasi "reyna" ang feeling niyang talaga sa TV5?

"Hindi naman, hindi naman ako reyna. Huwag naman nating lagpasan si Maricel Soriano. I respect her naman. She's more senior than me. So, sabihin na lang natin na ano ako, cutey princess!" tawa niya ulit.

JOHN ESTRADA BLIND ITEM. During the show, meron silang mga pasabog na blind items at kanya-kanyang opinyon sa mga picture ng mga artista. Isa sa blind item, na tila pinangalanan na rin ni Cristy, ay ang tungkol kay John Estrada. Ito ay tungkol sa isang aktor na nag-check-in diumano sa hotel kasama ang isang aktres na may asawa.

Sa pagbibigay ni Cristy ng clue, na give na give naman, ay nag-comment si Ruffa. Pero hindi nila ito kinumpirma o itinanggi.

After that segment, nakatanggap daw ng text message si Ruffa galing kay Priscilla Meirelles, ang Brazilian girlfriend ni John.

"Sabi niya, 'Hi, can you please give me the number of Tita Cristy Fermin?' Siyempre, na-stress naman ako! So, I said, 'Are you watching? What's that all about?' And she goes, ''Yeah, I'm watching. Congratulations. Please give me Cristy's number,'" kuwento ni Ruffa.

So, walang alam si Priscilla na may gano'ng isyu?

"Ay, hindi ko rin alam, Day!" bulalas ni Ruffa. "Hindi ko rin alam. Hindi naman sinasabi sa akin ni Tita Cristy kung sino ang blind item niya."

Sa ganitong segments nila, gaano ba kaingat si Ruffa sa pagbibigay ng sarili niyang balita, especially may mga kaibigan din siyang mga artista? Hindi kaya eventually ay mangilag na rin sa kanya ang mga kaibigan niyang artista?

"Well, hindi naman. I didn't say anything wrong earlier. And if it's already in the news and it's already may malaking pasabog Tita Cristy knows, I can give opinion. We're not here naman para siraan ang mga kapwa ko artista.