Chynna Ortaleza misses doing live performances

Rose Garcia
Thursday, April 15, 2010 @ 02:01PM  |  13716 views

 

"Kailangan ba hindi ka homegrown para mabigyan ka ng tamang break? Or kailangan pa bang umabot sa punto na hahanap ka ng independent manager para mabigyan ng tamang treatment? Yun yung mga naisip ko, at the same time, naging eye-opener din sa akin noong mangyari yun," says Chynna Ortaleza about not being included in Party Pilipinas.

 

Photo By: Noel Orsal













Kontrabida na naman ang ginagampanan ni Chynna Ortaleza sa season-ender episode ng Dear Friend na "Tisay." Bilang Danielle, isa siya sa magpapagulo lalo ng mundo ng bida ritong si Jackie Rice.

Kaya biro ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Chynna, may challenge pa ba sa kanya ang pagganap ng kontrabida role?

"Meron naman!" natatawa niyang sagot sa press conference ng "Tisay" kahapon, April 14, sa Zirkoh Tomas Morato. "Actually, ang pinaka-challenge sa akin, kasi nga ginagawa ko pa ang Lourdes character ko sa The Last Prince. At si Lourdes, parang lahat ng mga tao, naa-identify siya. Kasi parang ang tawag nila sa akin, Lourdes. So, parang, 'Paano 'yan, may Dear Friend ako.' So, kailangan maiba.

"Mayaman naman ang character ko dito. Pero siyempre, kailangan kong mabigyan ng ibang dimension kasi marami naman akong mayaman na kontrabida. This time, inatake ko naman siya na kakaiba. May mga lines din na pinasok ko at yung iba dun, mga adlib na talaga," paliwanag niya.

Second time nang gumawa ng episode ni Chynna para sa Dear Friend at natutuwa siya na pang-season-ender pa ang huling nagawa niya.

MISSING LIVE PERFORMANCE. Bagamat visible naman siya sa kanyang acting projects sa TV, hindi itinatanggi ni Chynna na nami-miss niya ang pag-perform nang live, like dancing and singing. Nang magtapos kasi ang SOP ay hindi na nakasama si Chynna sa pumalit ditong show na Party Pilipinas.

"Siyempre, I've been doing it for a long time, pero mga first few Sundays that I was not doing it, parang nag-a-adjust ako. Tapos, recently, nag-[Eat] Bulaga kami ni Ryza Cenon, parang iba yung high na nakukuha ko from that. Kaya yung mga Twit ko after, 'I miss singing and dancing.' Ibang high talaga ang nakukuha," saad ni Chynna.

Totoo bang may offer na guesting sa Party Pilipinas, pero tinanggihan daw nila?

"Meron yatang mga ganun, may inquiries yata. It's just that sometimes, hindi lang yata tumutugma sa sked na gine-guest kami. Sabi ko nga, kasi marami rin ang nagtatanong na paano raw kung offer na regular. Ako, sabi ko nga, why not? But I have to fix some things first before, di ba, I decide na magpa-Party Pilipinas ako. Ayoko naman din na walang napag-usapan. Masakit naman talaga na biglang matanggal na walang pag-uusap.

"Pero after sometime din na naiisip ko rin yung mga pangyayari, alam ko naman na walang kinalaman yung mga staff dun. Siguro, may mga ibang bagay lang din na kailangan kong i-address."

Being one of the most loyal Kapuso stars, pumapasok din ba sa isipan niya yung lumipat ng network, lalo't ang daming artists na naglilipatan ngayon?

"Siyempre, sumasagi rin sa isip mo yun, hindi ako magpapakaipokrito," sabi ni Chynna. "Siyempre, sumama ang loob mo. So, siguro kahit naman sigurong tao will think of ways on how you're going to improve your career.

"But siyempre, as of now, I'm always thinking of utang na loob. That GMA-7 really made me. So, I'm still happy with my dramas. In fairness to the drama department of GMA-7, they are always giving me work sa whole time na nandito ako sa GMA."

Noon pa man, very vocal din si Chynna na hosting ang isa sa gustung-gusto niyang gawin. Hindi ba siya nadi-disappoint na tila hindi siya nabibigyan ng opportunity sa larangang ito?

"Oo, gusto ko talagang mag-host. Kasi, yun talaga ang una kong talent. In fact, hindi ko nga alam noon na marunong akong umarte o ni puwede akong sumayaw. Ang alam ko talaga, kaya kong mag-host.

1  2  Next »

Related Articles

37 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name