Korina Sanchez says she did not hear people booing her at the Tears For Fears concert

Jojo Gabinete
Wednesday, May 05, 2010 @ 05:40PM  |  138 views

 

"Walang nakarinig ng boo. We didn't hear it. Mar [Roxas] was there, he didn't hear it. Pinagtatawanan lang niya. Kasi hindi naman niya talaga narinig," says Korina Sanchez about reports that she was allegedly booed at the Tears For Fears concert last Sunday night, May 2. (Inset photo shows Korina with a friend during the Tears For Fears concert.)

Photo By: Noel Orsal & Gilbert Tan













Naka-post na sa YouTube ang 30-second video clip (na may titulong "Korina 'Boo' Sanchez. Tears for Fears in Manila concert") ng diumano'y pag-boo ng mga tao sa broadcaster na si Korina Sanchez nang i-flash nito ang Laban sign nang ipakita siya sa wide screen monitor sa concert ng Tears for Fears ng Araneta Coliseum noong Linggo ng gabi, May 2.

Sa YouTube video clip, direktang nakatingin si Korina sa kamera habang nakangiti siya at naka-flash ng L sign ang kanyang mga daliri.

Pero bago pa na-post sa YouTube ang video clip, kumalat na sa mga social networking site—partikular na sa Twitter at Facebook—noong Linggo ang mga balita tungkol sa pag-boo sa asawa ni vice-presidentiable Mar Roxas.

Kabilang sina TJ Manotoc at Tim Yap sa mga nag-tweet sa nangyari.

"Ooooh. While TFF said bye-bye-kuno b4 da "more! more!" korina sanchez was flashed 2x on big screen.. And got "booed" 2x. Uh-oh," ang Twit ni TJ.

Ito naman ang mga Twit ni Tim:

"Spotted@ the Araneta enjoying the concert were Korina Sanchez & Rep.Darlene Antonino-Custodio (they flashed the L sign–but did I hear a boo?!)"

"Didn't even see the screen because I was just focused on watching the band onstage so I wondered why everyone was booing?"

KORINA CALLS FOR A PRESSCON. Lumabas sa mga pahayagan noong Martes, May 2, ang insidente na agad namang kinontra ni Korina sa pamamagitan ng isang presscon na ipinatawag niya kahapon, May 3, sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Ang Pilipino Star Ngayon entertainment editor na si Salve Asis ang isa sa mga entertainment editor na inimbitahan ni Korina sa presscon. Hiningi ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang permiso ni Salve para magamit ang interbyu niya kay Korina at ang mga sumusunod ang pahayag ng ABS-CBN broadcaster:

Una, hindi raw nila alam na may nakatutok na kamera dahil nagkakatuwaan sila sa pagsasayaw.

"Issue of propriety na ito. Ugali ko na ang pinag-uusapan dito. Walang nakarinig ng boo. We didn't hear it. Mar [Roxas] was there, he didn't hear it. Pinagtatawanan lang niya. Kasi hindi naman niya talaga narinig," sabi ni Korina.

Hindi rin daw magkasama na dumating sa Araneta Coliseum sina Korina at Mar dahil nanggaling pa ang Rated K host sa rally ng Liberal Party.

Ang blue campaign t-shirt ni Mar ang suot ni Korina nang panoorin nito ang concert ng Tears for Fears, pati na ang tatlumpong tao na kasama niya. Wala raw kamalay-malay si Korina na nakatutok sa kanila ang kamera.

"Ini-enjoy namin ang concert, nagsasayawan kami. Pinalalabas kasi nilang ginamit ko ang venue sa kampanya. Of course not, hindi ako ganun. Hindi ako doon nangangam­panya. Parati na akong nasa palengke, ako na nga si Mrs. Palengke," diin pa ni Korina.

1  2  Next »

Related Articles

185 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name