Desidido si Ogie Alcasid na muling pasiglahin ang musikang Pilipino dito sa ating bansa. Gusto niyang simulan ito sa pamamagitan ng pagpapalakas sa Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM), isang samahan ng mga local singers at performers.
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Ogie tungkol sa naturang isyu sa candidacy presscon ni Akbayan Representative Risa Hontiveros na tumatakbong senador sa May 10 elections. Ginanap ang presscon kahapon, May 5, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.
"Nagtitipun-tipon kami ngayon, we are already organizing ourselves in OPM and forming ourselves to be the new OPM. We will have a general assembly on June 15. Tentative pa po 'yan, ha, pero yun ang napag-usapan namin. So, magkakaroon kami ng eleksiyon, ng bagong eleksiyon of the new set of officers. At lahat po ito ay ipinaalam ko siyempre sa current president na si Mitch Valdes at sa lahat ng bumubuo ng OPM ngayon," pahayag ni Ogie.
PROBLEM OF THE MUSIC INDUSTRY. Ramdam ni Ogie ang malaking problema sa music industry sa bansa ngayon.
"Talagang malaki ang problema sa music industry ngayon," sabi niya. "Napakahina ng benta natin because of piracy. Why is it sa United States sina Lady Gaga and all, these people despite piracy, e, bumebenta pa rin? Bakit hindi mangyari 'yan dito? Bakit kailangan ang mga katulad ko ay kumanta pa rin ng revival para lang bumenta ang album?
"I think there are too many talented singers and songwriters in this country that need to be heard, that need for their products to be exposed dahil ang dami talagang magagaling."
Nagsimula ang adhikaing ito ni Ogie nang mag-organisa siya, along with friends and colleagues from the industry, ng isang fundraising concert titled Kaya Natin 'To para bigyan ng financial assistance ang mga naging biktima ng mga bagyong Ondoy at Pepeng noong isang taon.
Ano pang mga ibang plano nila para sa OPM?
"As of now, nag-uusap-usap pa lang kami. Pinapakinggan ko yung sinasabi ng mga mas nakakabata kasi mas alam nila yung mga issues, lalo na yung mga members ng bands na, kumbaga, dinaanan nila lahat ng hirap. At ngayon, nararamdaman nila yung mga problema ng current music industry. So yun, nag-uusap-usap pa rin kami," lahad niya.
INTRODUCING OPM TO YOUNG SINGERS. Isa sa gustong gawin ni Ogie ay ang reintroduction ng OPM sa mga batang mang-aawit ngayon na tila hindi aware sa samahang ito.
"We entice them to join OPM. Kasi when I tell them, 'Guys, please join OPM.' Sasabihin nila, 'Ano po yung OPM?' I didn't realize na a lot of younger generation of singers and performers didn't know what OPM was. So, I have to reintroduce it to them. I have dialogues with them. Marami nang nagbago, e. E, 1986 pa yata ang OPM, 2010 na ngayon, marami nang nagbago sa situation ng music industry. Siguro may mga kailangang baguhing konti. But of course, this has to be decided upon by the body."
Aminado naman si Ogie na ang usapin ng muling pagpapasigla sa musikang Pilipino ay gusto niyang ilambing kay Rep. Risa Hontiveros, lalo na kung ito ay maihalal na Senador.
"Ito kasing si Senator, e, isa rin siyang artist. At narinig ko nga na isinusulong niya...marami siyang isinusulong na panukala for the movie industry. E, kasama naman ng music industry ang movie industry. The whole entertainment industry, I'm sure bibigyan niya ng halaga. I'm sure naiintindihan niya na kultura natin actually ang at stake diyan.
"Hindi lang naman yung entertainment industry as a business or as an industry. Kultura natin yan e. It defines us as a nation, yung mga awitin natin, yung mga sayaw natin, yung mga movies natin, yung mga shows natin. Pag hindi natin binigyan ng halaga 'yan, hindi natin binigyan ng pagkakataon na mag-thrive, mag-flourish... Di ba, ngayon ang daming nakikilala abroad? Sina Charice Pempengco, Arnel [Pineda] ng Journey...
"Totoong napakagaling ng mga Pilipino. So, sayang naman dahil marami pang mga Arnel, marami pang mga Charice sa Pilipinas. Kung wala ang YouTube, hindi naman nakikilala sila. So, dapat bigyan natin sila ng proteksyon at bigyan natin sila ng pagpapahalaga dahil mga artists natin sila. Dapat maging mahalaga sa mga Pilipino yung mga artists," saad ni Ogie.






Pero I hink hindi na piracy ang problema ngayon.
Ang dapat baguhin yung mga composers, music arrangers, etc. kasi masyadong OA sila gumawa ng kanta. Yung lyrics ba eh, pang jukebox, pang 70's, masyadong ironic.
trending lang naman ang kailanagan eh. sabayan ang KPOP ang US sa tipo nila ng kanta. kasi yun ang trend ngayon di ba. tapos yung love songs, like i said di dapat OA, medyo catchy dapat.. maganda arrangement.
Unlike during the 80 or 90's talagang ang gaganda ng mga kanta satin.
pep_dropper
May 6, 2010
15:51 PM
-----------------------------------
Ay naku ang nakakainis sa post mo dati eh ang pagsisi mo kay Regine sa hindi pagsikat ng ibang singers ng GMA.Sana bumili ka ng libo libo paglabas ng album nila di ba para hindi mo sinisi kay Regine.
Isa pa,para namang napakarami ng production number ni Regine sa PaPi.Eh nung bday nga nung tao walang kwenta celebration.And if you will ask her fans,mas gusto nila na UMALIS na si Regine sa PaPi noh.
At sana pinuna mo ang napakadaming starlets at walang talent na nagkalat sa PaPi every Sunday.Hindi ko na iisa-isahin dahil sobrang dami nila.
azon642
May 6, 2010
14:52 PM
---------------------------------
Kaw naman nagtampo ka na agad...Ayan sinama na kita sa listahan ng mga MAMIMINTAS ni Regine.Pati hindi pagsipot sa concert ni Charice ginawan mo ng kwento.Sana kinuhanan mo ng video si Regine na wala talagang sakit..
Sa tagal ko na dito sa PEP, kilala ko kung paano mo NEGAhin si Reg noh....
Itanong mo pa kay badjaobabe, kami ang pioneer dito...lols..
pep_dropper
May 6, 2010
15:51 PM
mag japan k n lang kaya? try mo!
pepfanatic
May 6, 2010
13:25 PM
Mga PEPsters, wag nyo naman sana haluan ng NEGA ang article......
Uunahan ko na sina
sheramine
pep_dropper
nowelle
Ang mga nabanggit ang dakilang MAMIMINTAS ni Regine..lols.....
------------------------------
natatawa ako sa yo. Observation ko lang ang nasasabi ko tungkol kay Regine. Since SOP at ngayon PAPI, pinapanood ko. If you are keen observer, you can sense the way she talks and behave, may INSECURITY siya. And this attitude is not really good, counterproductive ito. I don;r understand why she had INSECURITY. dahil kaya she had a sense of guilt, a guilt that was developed during Ogie and Michelle Van Emmeiren' affair as a couple. I don;t know. Or may magagaling ng singers gaya nina La Diva that can really sing well, kaya na-insecure siya. She pretends to be nice and friendly, but if you are keen observer, mapapansin mo insecurity niya, which is quite dangerous.
una kulang sa batas na pumoprotekta sa kanila
2nd kulang tayo sa trend ,nahuhuli tayo sa trend, bute nakakahabol tayo sa alternative and rock band. puro tayo balladeers
3rd yung technology natin in terms of music ganun din nahuhuli, like sa mga mtv and studio recording
4th kulang sa matinong modern inspired na artist,kulang sa packaging.
azon642
ang layo na ng inabot ng imahinasyon mo...pwede kang mag apply writer ng Regal Shocker!!!
franchescarya
nne
i had to laugh. my niece who's a sarah fanatic was singing this song, i forgot the title...i thought wow, not heard that song in a while so i joined in...
sabi nya, how come you know the song? eh tagal mong wala sa pinas...
sabi ko: ano ka dian...revival na yan no...di pa ako nag mens sikat na yan! hahaha