"Kasi from the very beginning ng relationship namin, nagtatapatan na kami ng tungkol sa isa't isa. So, alam ko lahat ng tungkol sa kanya. Alam niya rin lahat tungkol sa akin. And kung ano man yung naririnig ko, I can really say na hindi talaga totoo," says Precious Lara Quigaman about rumors that her boyfriend Marco Alcaraz was once involved in a gay relationship.

Photo: Allan Sancon

Kontrabida ang role ng beauty queen turned actress na si Precious Lara Quigaman sa Precious Hearts Romances Presents Impostor na pinagbibidahan ng young actress na si Maja Salvador at ang itinanghal na Big Winner sa Pinoy Big Brother Double Up na si Melai Cantiveros.

First time ni Lara na gumanap na kontrabida sa isang serye. What made her decide to accept the role?

"To be different. Plus it's with Direk Jerome [Pobocan] din na nakasama ko siya sa May Bukas Pa. So, kumportable ako. 'Tsaka parang sawa na ako yung lagi na lang ako yung umiiyak. Lagi na lang ako yung kawawa.  Parang gusto ko naman maging something different. Para rin makita ko kung ano pa yung kakayahan ko bilang aktres," sabi ni Precious nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Impostor na ginanap sa ELJ Building ng ABS-CBN kahapon, May 6.

Sa kabilang banda, may pangamba rin daw si Precious na baka magalit sa kanya ang mga tao kapag naging effective siyang kontrabida rito sa Impostor.

"Actually, naiisip ko yun," pag-amin ng dating Miss International. "Plus yung ibang mga endorsements, di ba? Nagpaalam din naman ako. Okey lang naman sa kanila. Kasi yung pagkokontrabida ko naman is not parang over na pumapatay talaga, nananakal, ganoon. Pailalim akong mag-work. So, hindi talaga siya grabeng kontrabida."

RELATIONSHIP WITH MARCO. Si Marco Alcaraz ang boyfriend ni Precious. Aware naman daw si Precious sa tsismis kay Marco na diumano'y may nakarelasyon itong bading.

"Ang dami kong naririnig even before pa. At hindi lang naman kay Marco.  Maraming-maraming artistang lalake, lagi namang nili-link sila kung kani-kanino, di ba? Kahit naman mga babae, di ba, nili-link din sila sa mga DOM [dirty old men]? So, marami talaga akong naririnig na ganoong issues," saad ni Lara.

Noong una niyang narinig ang tsismis kay Marco na nag-uugnay rito sa bading, ano ang naging reaksiyon niya?

"Honestly, wala," sagot ni Precious. "Kasi sanay na nga akong nakakarinig ng mga ganoon. So, parang wala lang sa akin."

Pero tinanong niya ba si Marco tungkol dito?

"Napapag-usapan namin," pag-amin niya. "Kasi from the very beginning ng relationship namin, nagtatapatan na kami ng tungkol sa isa't isa. So, alam ko lahat ng tungkol sa kanya. Alam niya rin lahat tungkol sa akin. And kung ano man yung naririnig ko, I can really say na hindi talaga totoo."

Sa tingin ni Precious, saan nanggagaling ang gano'ng isyu kay Marco?

"Definitely hindi from us. Definitely not from me. Definitely not from him...lalo na, di ba? So it must be coming from someone who is really unhappy," sagot niya.

Paano ba nagsimula ang relasyon nila ni Marco?