Ang online networking site na Twitter ang isa sa favorite "tambayan" ng local celebrities ngayon. Marami sa kanila ang masisipag na nag-a-update ng kanilang mga status at nagkukuwentuhan sa kanilang Twitter accounts.
Isa sa pinakaprominenteng grupo ng celebrities sa Twitter ngayon ay ang Ampalaya Anonymous. Ito ay isang samahan ng ilang female celebrities na mga bitter daw sa kani-kanilang lovelife. Ang mga miyembro nito ay sina Cristine Reyes, Maxene Magalona, Glaiza de Castro, Rich Asuncion, Bianca King, Bubbles Paraiso, at Angel Locsin.
THE MEMBERS. Sa special report ng Showbiz Central last Sunday, May 9, ay inisa-isa nila ang personalidad at mga isyung kinasasangkutan ng mga miyembro ng Ampalaya Anonymous.
Si Maxene ay nagka-boyfriend na non-showbiz for eight years pero recently ay na-link sa first Survivor Philippines winner na si JC Tuseco. Nag-break daw sila kahit never na umamin.
Si Rich naman ay nali-link sa young actor na si Aljur Abrenica. Nag-break din daw sila pero never umamin. Si Bubbles naman ay kilalang mataray at spunky na aktres.
Si Glaiza ay na-link kay Patrick Garcia. Liligawan na sana, pero naudlot daw ang panliligaw sa kanya ng young actor.
Si Bianca ay nakipag-break na sa Hale vocalist na si Champ Lui-Pio at nali-link ngayon kay Aljur.
Si Angel ay natsitsismis na alcoholic, at si Cristine naman na ex-girlfriend ni Dennis Trillo ay nali-link ngayon kay Rayver Cruz.
Paano nga ba nabuo ang Ampalaya Anonymous?
Bianca: "One time during the Holidays, like December, sama-sama lang kami, usap-usap about lovelife. At meron sa aming mga bitter sa lovelife at nag-joke-joke kami na para kaming mga grupo ng ampalaya."
Bubbles: "Kumakain naman tayo ng ampalaya 'tapos, 'Bitter pala tayo, o, go! Ganun na lang, Ampalaya...Ampalaya Anonymous!'"
BITTER ABOUT PAULEEN? Pero sino ba ang mag-aakala na ang simpleng biruan na ito among friends ang magiging source of intriga na kumakalat ngayon sa Internet? Pinagtutulungan daw kasi ng mga miyembro ng grupo sa Twitter ang young actress na si Pauleen Luna. Ito ay dahil sa pagkaka-link daw ngayon ni Pauleen kay JC Tiuseco, na na-link dati kay Maxene.
Ipinagtanggol naman ng mga miyembro ng Ampalaya Anonymous ang kanilang sarili.
Bubbles: "Inaaway raw namin si Pauleen? Pinariringgan daw namin si Pauleen na parang...kailan? Kailan namin siya pinaringgan?"
Glaiza: "Minsan kasi, may mga hirit kami na sa amin lang. Kami lang ang nagkakaintindihan. May mga inside jokes kasi kami, e, na kapag nakita ng iba, baka isipin, 'Ano 'to? Anong meaning behind this Twit', di ba?"






as for AA
Medyo mga maldita lang talaga dating nyo High school ugali nyo haha
Anjan kasi si Bubbles na walang talent at Cristine na masyadong maldita, plus si Bianca pala na mukang maldita din. Kaso naman on the other side is Pauleen na gustong napapansin. Hahaha.
Napaka-ironic dahil nandun din si Angel.
Pero sa palagay ko if ever man talagang nang-away sila Bubbles, walang kinalaman si Angel. Yun lang:D
they are fighting bcoz of a BOY?
oh gallydud! before,I looked at them in high profile.. but NOW??? there's no more.. soo disappointed to them!
ANGEL - beautiful, sexy, talented, humanitarian
CHRISTINE - beautiful, sexy, talented
GLAIZA - beautiful, sexy, talented
MAXENE - beautiful, sexy
BUBBLES - sexy
RICH - .......zZZzzZZZZzz
PAULEEN - mukhang bakla
do you think pauleen is decent too? hindi ba sya bully at bratinella marami ba syang circle of friends? tanong lang anong nangyari ng umalis sya sa abs dami rin nya nakagalit at how about sa gma?? lets wait kung sino naman gagawan nya ng intriga sa tv5 sabagay walang artista doon masyado...intrigira lang talaga itong si pauleen sinasabi na sa twitter sya pinariringgan eh followers ako ng grupo at ni pauleen..in fact sa mismong twitter account ni pauleen nagsimula ang issue assuming na sya ay pinariringgan sa twitter pero kung babasahin mo at followers ka ng grupo wala kang mababasa na parinig about kung sinong atsususu feeling naman kc ni pauleen no shes not a very good actress sa ganda at seksi ni cristine reyes pati sa acting eh talbog na si pauleen...look how she dress up kahit sa eat bulaga.