Jason Francisco says relationship with Melai Cantiveros is "growing stronger"

Rose Garcia
Thursday, May 13, 2010 @ 02:29PM  |  106 views

 

"Parang mas gusto ko nga po siya ngayon dahil nalalaman ko kung ano ang mga ugali niya at mga bagay na hindi ko pa alam sa kanya," says Jason Francisco about his girlfriend Melai Cantiveros.

Photo By: Courtesy of ABS-CBN













Suwerte.

Ito siguro ang pinaka-appropriate na word upang i-describe kung ano ang dumapo sa mag-sweetheart from Pinoy Big Brother Double Up na sina Jason Francisco at Melai Cantiveros.

Alam ng mga naging tagasubaybay ng PBB ang dating buhay ng dalawa. At sa paglabas nila sa Bahay ni Kuya, napakarami na agad opportunities na dumating sa kanila.

Sa bagong offering ng Precious Hearts Romances na Impostor, kasama sa cast sina Jason at Melai. Tampok din dito sina Sam Milby at Maja Salvador.

Dahil tungkol sa pagpapalit ng mukha ang istorya ng Impostor, tinanong si Jason kung papayag siyang makipagpalit ng mukha o katauhan, tulad kina Maja at Melai sa kanilang show?

"Ako? Kung may chance na ngayong buhay na ako? E, siguro huwag na. Siyempre, baka mag-iba na rin yung paningin sa akin ng mga tao. Baka hindi na nila ako makilala. Siguro kapag nasira ang mukha ko, magiging impostor na rin ako!" natatawa niyang sabi.

MELAI IS MELAI. Sa press conference ng Impostor nila last May 6, naging dire-diretso si Melai sa pagpapahayag ng kanyang paghanga sa co-star nilang si Sam Milby. Bagamat alam naman ng lahat ang pagiging palabiro ng komedyana, ano ang naging dating nito para kay Jason bilang boyfriend? Na kahit nando'n siya, nasasabi ni Melai na gusto nitong magkaanak kay Sam, given the chance?

"E, ako naman po, siyempre dun ko naman siya nagustuhan at alam ko naman ang ugali niya. Kilala ko siya. Alam ko kung kailan siya nagseseryoso at alam ko kung sinasabi niya, e, seryoso at hindi totoo. Kaya sa akin po, e, talagang ganyan na po siya. Siguro, e, hindi madaling mabago. At sa akin naman po, wala naman pong problema," sagot ni Jason.

May mga nakita na ba siyang pagbabago kay Melai simula nang lumabas sila sa PBB house?

"Wala naman po," sabi ni Jason. "Sinasabi ko lang sa kanya na minsan magseryoso rin lalo na yung mga tanong-tanong na ganyan. Alam n'yo naman ang ibang tao, sineseryoso rin. Pero wala naman pong nagbago. At saka parang mas gusto ko nga po siya ngayon dahil nalalaman ko kung ano ang mga ugali niya at mga bagay na hindi ko pa alam sa kanya."

Ayon kay Jason, magpu-four months na ang relasyon nila ni Melai. At para kay Jason, mas lalo raw silang nagiging matatag.

"Ang four months po namin, e, growing stronger po kami niyan. Siyempre, kailangan...kaming dalawa lang po rito sa buhay showbiz. Kailangan naming mas magkapit sa isa't isa kasi kami lang yung parang magtutulungan. At sa huli't huli, kami rin ang manghihingi ng tulong sa isa't isa, so hindi kami dapat maghihiwalay."

TIME FOR EACH OTHER. Before, ang naging problema nila ay ang kakulangan nila ng oras sa isa't isa. Ngayon ba, may time na sila para sa kanilang dalawa lang?

"Ay, ngayon, e, napakarami po naming time," sambit ni Jason. "Palagi naman kaming magkasama sa guesting, palagi kaming magkasama, siyempre gusto ng tao yun. Pero yung oras na kaming dalawa lang, yun ang parang wala pa talaga."

Hindi naman siya parang naba-bad trip na wala silang time na silang dalawa lang?

1  2  Next »

Related Articles

41 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name