Councilor-elect Alfred Vargas will return to TV work in July

William R. Reyes
Tuesday, June 01, 2010 @ 07:15PM  |  34218 views

 

"For me it's an eye-opening experience. Mas nakilala ko yung mga tao, tapos nakita ko kung ano talaga yung kailangan nila, kung paano ako makakatulong," says Alfred Vargas about running in the last elections.

Photo By: JR Espejo













Tatlong linggo na ang nakalilipas mula nang maproklamang konsehal ng Quezon City, pero tila wala pa ring pagsidlan ng tuwa si Alfred Vargas sa natamong tagumpay.

"Super saya and I'm very excited to take oath!" bulalas ng actor turned politician sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "For me it's an eye-opening experience. Mas nakilala ko yung mga tao, tapos nakita ko kung ano talaga yung kailangan nila, kung paano ako makakatulong.

"I gave up my showbiz projects para lang makapasok sa pulitika at tumakbo bilang konsehal. Yun ang malaking sacrifice ko. Hindi ko na alam, baka iba na pagbalik ko. But I had to make a choice," sabi rin ni Alfred, bilang pagtukoy sa Comelec rule na hindi na muna puwedeng lumabas sa TV o pelikula ang isang artista until after elections.

At hindi nagkamali si Alfred. Matapos manalo sa eleksiyon, mayroon naman siyang tinapos i-shoot na indie movie, Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio, para sa Cinemalaya 2010 ngayong Hulyo 9-18.

"Ito yung major comeback movie ko, na maganda. Directed by Mario O'Hara," banggit pa ni Alfred.

TV COMEBACK. Nabanggit din ni Alfred na puwede na rin uli siyang lumabas sa telebisyon any time, before and after his oath-taking. 

"'Yan ang source of income natin, di ba?" aniya.

Sa July nakatakdang bumalik sa trabahong pang-TV si Alfred, kasabay ng kanyang panunungkulan sa Quezon City bilang councilor.

"Kinausap na ako nina Ma'am Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7]," sabi ng actor-politician, na aminadong nag-gain ng weight mula nang magbakasyon sa pagiging artista at mag-concentrate sa kampanya.

"Hiyang, e," nangiti si Alfred. "Dala ng elections. Puyat 'tsaka kain. Basta mag-lose lang ako ng ilang pounds, babalik na ako [sa TV]. That's by July."

Ngayong tapos na siyang mag-shoot ng mga eksena niya para sa nabanggit na indie project, "Mag-o-official training na ako," wika niya.

DANIELLE CASTAÑO AND YASMINE ESPIRITU. Bilang Andres Bonifacio, ang Supremo ng Katipunan, sa Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio, si Alfred ay mayroong "lakambini" sa katauhan ng newcomer at beauty queen na si Danielle Castaño, Bb. Pilipinas-World 2008.

"Mabait siya. Very warm. Ang warm na nga ng panahon, warm pa siya. Pinapawisan ako palagi!" biro ni Alfred.

Asked about his real-life girlfriend, mabilis din itong tinukoy ni Alfred

"Meron...warm din siya," biro pa niya. "Her name is Yasmine Espiritu. She's half-Italian, a painter."

1  2  Next »

Related Articles

13 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name