PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Lapus reveals his "Don't Lie To Me" questions to dream celebrity guests Gretchen Barretto and Coco Martin

Sweet wants to know if Gretchen had a cosmetic surgery and if Coco really has a child with a sexy actress.
Published Jun 28, 2010
Showbiz Central co-host John "Sweet" Lapus reveals to PEP his dream guests on his "Don't Lie To Me" segment and his questions to them. Sweet picked Gretchen Barretto and Coco Martin, both ABS-CBN stars, since most of the Kapuso stars have already guested on his segment.

Si John "Sweet" Lapus ang host ng "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central. Sa naturang segment na ito, kapag nag-lie ang celebrity guest sa kanyang mga tanong ay nagsasayaw at tuma-tumbling-tumbling si Sweet kasama ng kanyang dancers.

Sa tsikahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Sweet sa kinabibilangan niyang primetime series na Pilyang Kerubin ay nakatuwaan namin siyang tanungin kung sino pang mga celebrity ang gusto niyang i-guest at tanungin ng mga kontrobersyal niyang tanong sa "Don't Lie To Me." At ano ang mga itatanong niya rito.

"A, si Gretchen Barretto!" mabilis na sagot ni Sweet. "Oo, gusto ko si Gretchen Barretto. Ang una kong itatanong, 'Bakit ka...nagparetoke ka ba?'

"Pag sinabi niyang 'No,' feeling ko sasayaw ako! Korek, di ba? Aminin niya 'yan! Tapos ang follow-up ko dun, na not answerable by yes or no, kung bakit pa siya nagparetoke, e, ang ganda-ganda na niya?

"Curious na curious ako. Sa mga taong may mali sa mukha o may kulang, o prangkahan na hindi kagandahan, intinding-intindi ko kung bakit nagpaparetoke, kung bakit gumagastos, nag-iipon para magparetoke. Si Gretchen, hindi ko naiintindihan kung bakit napakagandang mukha, kailangan pa niyang ipagalaw."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Sweet, "Pangatlong tanong ko sa kanya: 'Pera lang ba ang habol mo kay Tonyboy Cojuangco? Don't lie to me, yes or no?'"

Feeling ba niya ay sasayaw siya o hindi sa isasagot ni Gretchen sa question No. 3?

"A, hindi pa ako sure. So, hayaan natin yung lie-detector test na maghusga."

THREE QUESTIONS FOR COCO. Among the male celebrities, sino naman ang gusto niyang i-guest?

"Lalake? Oh, my God, sino ang gusto kong lalake na mag-guest sa 'Don't Lie To Me'? Most likely taga-kabila [ABS-CBN] 'yon kasi sa GMA, halos lahat naman ng lalake, nasalang na, e."

Si Piolo Pascual?

"Hindi, wala na. Kilala ko naman siya, close naman kami ni Piolo, so wala na akong puwedeng itanong sa kanya," sabi ni Sweet.

"A, gusto ko si Coco Martin!" bulalas niya. "Kasi gusto ko siya, fan ako ng pag-arte niyang batang 'yan, e. 'Tsaka nasubaybayan ko yung mga indie movies niya, bilang bakla ako at puro bakla ang theme ng kanyang mga pelikula."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano ang una niyang itatanong kay Coco?

"Ang first question ko... Yung mga indie movies mo, ang galing-galing mo ng role na bakla...pumapatol sa bakla. Pumatol ka ba sa bakla? Don't lie to me, yes or no!'" sabi ni Sweet.

Feeling ba niya sasayaw siya sa magiging sagot dito ni Coco?

"Depende sa sagot niya, depende sa sagot niya. Period na lang tayo doon," sabi niya.

Patuloy ni Sweet, "Ang next question: 'Once and for all, anak mo ba yung anak ni Katherine Luna?' Kasi parang hindi sinasabi kung anak ba niya o hindi, naguguluhan ako. Si Katherine sinasabi, 'Anak mo, sustentuhan mo!'

"Ang gulo-gulo nung...nabe-vague-an ako sa sagot ni Coco, parang, 'Ha?' Parang sa panahon ngayon, uso pa ba yung vague-vague o mga 'no comment,' or ibang topic na lang? 'Sandali, prangkahan, yes or no, anak mo ba 'yan o hindi?' Ganun lang naman 'yun!"

Feeling niya ba sasayaw siya sa isasagot dito ni Coco?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko kasi nakita yung bata. But I'm pretty sure na nung araw, talaga namang naging sila. At saka naalala ko nung promo-promo ng mga indie-indie movies nila, parang I remember... Di ba, parang inamin naman niya na anak niya yun noong araw, di ba? Di ba, nag- away pa sila, iyak-iyak pa sila tungkol dun?


"Nagtataka ako ngayon bakit parang...hindi naman sa itinatanggi, but parang hindi na pinag-uusapan, parang binubura. Dapat 'yon, 'Anak ko yun, nagsusustento ako.' E, di tapos!"

Ano ang pangatlong question niya kay Coco?

"Ang No. 3 na tanong ko siguro, tatanungin ko, 'Ngayong sikat na sikat ka na, I hope, I assume, marami ka nang ipon...' Whether yes or no ang sagot niya sa question No. 1, ha, ang tanong ko sa question No. 3, 'Ngayong sikat na sikat ka na, if ever, papatol ka ba sa isang bading? Don't lie to me, yes or no?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Feeling ba ni Sweet, sasayaw siya this time?

"Depende sa sagot niya."

Sa tatlong tanong niya kay Coco, saan siya mapapasayaw, palagay niya?

"Feeling ko, sasayaw ako kapag sinabi niyang hindi niya anak yung anak ni Katherine Luna," sabi ni Sweet. "Kasi naaalala ko talaga, alam ko, anak niya 'yon, e. Ay, sasayaw ako nang bonggang-bongga dun! Kasi alam ko anak niya... Nung bagu-baguhan sila ni Katherine, nung may pino-promote silang movie, alam ko inamin niyang anak niya yun. E, bakit ngayon parang dine-dedma na, 'no!

"Kasi nakakalungkot lang, kasi bata at saka simpleng-simple, ang isyu lang naman... I have nothing against Coco, ha, sabi ko nga, fan ako ni Coco. Kaya lang, parang ang isyu lang naman is, 'May anak...anak mo ba siya o hindi? Nagbibigay ka ba ng sustento o hindi?' E, di sabihin niya, 'Anak ko, nagbibibigay ako ng sustento!' E, di tapos!

"Parang binabasa ko yung mga interviews niya lately, parang dine-deny ba o parang basta ang vague nung sagot. Parang...2010 na, malapit na ang 2012, magugunaw na daw ang mundo sa 2012, hindi na uso ang 'no comment' at paliguy-ligoy na sagot. Prangkahan na ang labanan, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung anak mo, anak mo. Kung nagbibigay ka ng sustento, sabihin mo oo. Pag hindi, hindi, sorry. Tapos!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Showbiz Central co-host John "Sweet" Lapus reveals to PEP his dream guests on his "Don't Lie To Me" segment and his questions to them. Sweet picked Gretchen Barretto and Coco Martin, both ABS-CBN stars, since most of the Kapuso stars have already guested on his segment.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results