Magkasama sa bagong primetime series ng GMA-7 na Pilyang Kerubin sina Ritchie Paul Gutierrez at Jewel Mische. Si Ritchie Paul ang bunso sa mga magkakapatid na Gutierrez, samantalang si Jewel naman ang matagal nang napapabalitang girlfriend ng kapatid ni Ritchie Paul na si Richard Gutierrez.
Sa presscon ng Pilyang Kerubin last Monday, May 31, sa Studio 5 ng GMA Network Center, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ritchie Paul. Nang mapadako kasi ang usapan tungkol sa mga girlfriend nilang magkakapatid ay tila nadulas si Ritchie Paul at kinumpirma niya ang relasyon ng Kuya Richard niya at ni Jewel.
Napag-uusapan ba nilang magkakapatid ang tungkol sa lovelife nila?
"A, recently hindi, hindi na kami masyadong nag-uusap, hindi masyado," sagot ni Ritchie Paul. "I mean, kasi si Elvis, may GF siya for ilang years na. Si Chard, alam mo na, si Jewel, di ba? Tapos, 'yon. Kumbaga, matagal na kasi mga girlfriends namin kaya hindi na namin pinag-uusapan."
Pero ayon kay Ritchie Paul, kabi-break lang daw nila ng non-showbiz girlfriend niya.
"Mga siguro six months ago lang yata," banggit niya.
So, open na ba si Jewel sa kanila? Tanggap na tanggap na ng family nila?
"Okay naman. Okay naman sa mom ko [Annabelle Rama]. Okay siya sa akin, okay siya," sagot ni Ritchie Paul.
Ano ang pagkakakilala niya kay Jewel?
"She's really nice, pretty and smart, and she's faithful. She's really a faithful person, she's a nice person. I've got nothing against her whatsoever," sagot ng 23-year-old rapper turned actor.
Ano ang pinakahinahangaan niyang ugali ni Jewel?
"Siguro yung sobrang religious niya, si Jewel. Nagbabasa siya ng Bible every day. Pag kinakausap mo siya, tungkol parati sa mga ganun, mga kay God, and stuff."
Kaya ba nagustuhan na rin ng mommy niya si Jewel?
"Siguro, siguro... Siguro tanungin ninyo mom ko kung bakit niya nagustuhan," iwas nito.
Sa mga naging girlfriends ni Richard, kanino siya pinakaboto?






Kalyedo 2005
alam ba ng amo mo na gumagamit ka ng computer nila na walang pahintulot? hala bumalik ka sa labada mo baka umuwing bigla si AnaEvil. Kawawa ka naman pag nawalan ka ng trabaho.
tili_2death
D ka ba marunong bumasa at umintindi, tipong nadulas nga sa pagsaalita, maraming weird na nagko-commnent dito, mga taong judgmental na akala mo mga perfecto, tumingin kaya kayo sa salamin at tanungin nyo sarili nyo kung gaano kayo KALILINIS!!!
hindi lang kasi sila PDA, which is mas gusto ko para may mystery naman. kapag inamin naman nilang dalawa yan sasabihin ng mga tao ginagamit nila ang relasyon nila para sa career...damn if they do damn if they don't.