PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jhake Vargas's camp and director Andoy Ranay settle their issue

Direk Andoy explains and apologizes; Jhake and company accept.
Published Jun 4, 2010
Director Andoy Ranay (left) and young actor Jhake Vargas (right) met in a meeting yesterday, June 3, to settle their issue which erupted on the set of their defunct primetime series, First Time .

Nagkaayos na ang kampo ng young actor na si Jhake Vargas at ng direktor na si Andoy Ranay.

Ito ay ayon sa statement na ipinadala ng Corporate Communications department ng GMA Network Inc. sa pamamagitan ng e-mail ngayong gabi, June 4.

Nakasaad sa statement na nagkausap na kahapon, June 3, si Jhake kasama ang ama nitong si Mr. Miguel Vargas, ang tumatayo nitong manager na si German "Kuya Germs" Moreno, at si Direk Andoy. Nagpaliwanag na raw ang direktor sa kampo ni Jhake tungkol sa insidenteng naganap sa taping ng katatapos lang na primetime series na First Time. Pagkatapos nito ay humingi ng paumanhin ang direktor at maluwag naman itong tinanggap nina Jhake.

Ngayong nagkaayos na sila, nagpahayag ang magkabilang kampo ng kagustuhang makipagtrabahong muli sa isa't isa sa mga susunod na projects ng GMA-7.

Narito ang kabuuang statement ng GMA Network tungkol sa pagkakaayos ng kampo ni Jhake at ni Direk Andoy:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"All's well that ends well.

"Nag-usap na kahapon sina Kuya Germs, Jhake Vargas, ang ama niyang si Mr. Miguel Vargas at Direk Andoy Ranay. Maayos na ang lahat sa kanila. Nag-explain at nag-apologize ang director sa batang actor, sa ama nito at kay Kuya Germs at maluwag naman nila itong tinanggap.

"Nais ng parehong panig na tapusin na ang isyung namamagitan sa kanila lalo na at iisa lamang ang kanilang tahanang pinagtatrabahuhan, kaya't agad itong pinag-usapan at naresolba naman ng matiwasay kahapon. Kung may pagkakataon, nais din daw nilang magkasamang muli at makapagtrabaho sa future projects ng Kapuso Network.

"Wala ring katotohanan ang mga balita na tinanggal si Jhake sa programang Pilyang Kerubin, kung saan si Direk Andoy ang director, dahil sa nangyari. Sa simula pa lang ay talagang hindi na siya kasama dito dahil may ibang project na nakalinya ang GMA para sa batang actor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Andoy Ranay (left) and young actor Jhake Vargas (right) met in a meeting yesterday, June 3, to settle their issue which erupted on the set of their defunct primetime series, First Time .
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results