PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PEP EXCLUSIVE: Richard Gomez admits manager's meeting with TV5 execs

...but says he's clueless about the details and developments of the supposed deal.
Text: Bong Godinez Interview: Karen A.P. Caliwara
Published Jun 8, 2010
On being the chief of staff for his wife, Representative-elect Lucy Torres, Richard Gomez says, "Tinatanong pa lang nila ako kung gusto kong gawin 'yon."

"Hindi ko pa alam ang detalye."

Ito ang sagot ni Richard Gomez nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa balitang paglipat niya sa TV5.

Nabanggit na dati sa PEP ng isang source ang tungkol sa "long-standing offer" ng istasyon sa actor-host-athlete. Naibalita na rin sa ilang pahayagan nitong makaraang buwan na kumpirmado na ang kanyang paglipat.

Pero kinumpirma ni Goma (kilalang palayaw ni Richard) sa kanyang phone interview with PEP managing editor Karen Pagsolingan kaninang hapon, June 8—na nagkaroon na ng pag-uusap sa pagitan ng kanyang manager na si Wyngard Tracy at ang mga executives ng TV5, pero "hindi sinabi sa akin ni Tito 'yong napag-usapan nila."

Hindi rin daw niya masasabi kung isa pa rin siyang Kapuso since wala pa siyang project. Simula noong pinag-file siya ng leave of absence ng GMA-7 sanhi ng pagtakbo niya bilang congressman sa fourth district ng Leyte, hindi pa nasusundan ang kanyang well-received hosting stint sa game show na Family Feud.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pagbabalik-telebisyon niya ay sa pamamagitan ng TV5 variety show na PO5, kung saanisa siya sa mga naging hosts nitong June 6. Paliwanag niya, "In-invite lang nila ako kasi kulang yata sila ng host." Pero wala pa raw promal na imbitasyon sa kanya para maging mainstay, gaya ng asawa niyang si Lucy Torres at ang kaibigang si John Estrada.

ORMOC FIESTA. Samantala, naitanong din kay Richard ang tungkol sa Twitter post nito noong June 4. May nangyaring aberya noong hindi pinayagan ang isang grupo ng Frisbee players na makasali sa selebrasyong ng fiesta sa Ormoc.

Inamin ni Richard na nagkaroon ng konting di-pagkakasundo sa pagitan niya at ng ibang organizers pero ayaw na raw niyang palakihin pa ang nangyari.

"I don't want it to be a national issue," mabilis na sagot ni Richard sa PEP. "Ang sa akin lang, si Lucy [Torres-Gomez] as Congresswoman, siyempre, dapat meron din siyang participation. But most of the organizers are from the other side."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit ayaw pasalihin ang grupo?

"Ayaw nilang pasalihin because I would play the game, and I find their reasoning very petty. Ang sabi ko, huwag na lang kayo mag-participate kung ayaw nila. Gawa na lang tayo ng sarili nating tournament," kalmadong sabi ni Richard.

FLYING BACK AND FORTH. Kahit maging aktibo ulit ang aktor sa showbiz, hindi raw ito mawawalan ng panahon para tulungan ang kanyang asawa, na naproklama bilang Representative ng 4th District ng Leyte.

Matatandaang si Lucy ang naging substitute candidate ni Richard noong hindi siya pinayagan ng Comelec na tumakbo dahil sa one-year residency rule.

Aniya, "Lucy will have my support. Siguro kapag kailangan siya sa session, ako yung nandun sa Ormoc, o kapag siya naman yung andun, dito naman ako.

"I'll be here [in Manila] pa rin siyempre when I resume work. My work is here. But every once in a while, I'll be flying to Ormoc."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero siya ba ang tatayong chief of staff ni Lucy?

"Tinatanong pa lang nila ako kung gusto kong gawin 'yon," sagot ni Richard.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On being the chief of staff for his wife, Representative-elect Lucy Torres, Richard Gomez says, "Tinatanong pa lang nila ako kung gusto kong gawin 'yon."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results