Lagare man si Eugene Domingo sa kanyang TV shows (Wachamakulit at Comedy Bar sa GMA-7 at Inday Wanda sa TV5), naka-concentrate siya ngayon sa pinakabago niyang pelikula. Ito ay ang Mamarazzi na magiging 50th anniversary offering ng Regal Films.
"Timing din for Mother Lily Monteverde's birthday at 50th anniversary ng Regal. Masaya siya kasi may musical number at mag-aaral kami ni Andi Eigenmann na mag-ice skating. Napakahirap! Susmaryosep! Nag-aaral na ako, sa MOA [Mall of Asia], napakalayo! Yung pagkakasubsob ko, very versatile!
"E, si Andi pala, may background pala ng ice skating, so ang pinag-aaralan na niya ngayon, for competition na. Ako naman, yung tumayo. Yung basic na tumayo. Pero maganda siya. Maganda siyang pag-aralan, lalo na ng mga bagets," masayang kuwento ni Uge (palayaw ni Eugene) nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
INDIE FILMS. Kung may nami-miss man daw si Uge ngayon, ito ay ang makagawa ng indie film. Ayaw nga niyang maririnig kapag sinasabing hindi na siya pang-indie kung hindi pang-mainstream na siya.
"Yes, nami-miss ko na ang gumawa ng mga pelikula pang-abroad. Yung tulad ng 100. Sana next year, maalala naman ako ni Brillante [Mendoza] or kung sino man ang sasali sa international filmfest kasi miss na miss ko na, kasi napakasarap. Na-experience ko kasi kaya nami-miss ko," pahayag ng award-winning actress.
Pero may indie film daw siyang ginagawa ngayon, ang Patayin Sa Sindak si Remington na launching film ng StarStruck alumnus na si Mart Escudero.
Kasama rin siya sa launching movie ni Vice Ganda na Petrang Kabayo para naman sa Viva Films. Katibayan ito na hindi totoong "choosy" na siya sa mga ginagawang pelikula.
"Basta gusto ko or kaibigan ko, or sinusuportahan ko, or naniniwala ako, kahit support, kahit extra, bit player, two days, special participation, I don't mind," aniya.
Parang paraan na rin daw niya ito ng "pagbabalik" since sa launching film niya na Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme ay napakarami ring malalaking artista na sumuporta sa kanya.
"Exactly! Exactly!" sambit ni Uge. "Sa Kimmy Dora, si Regine Velasquez, hindi pa tapos ang sentence, 'Oo, nandiyan ako!' O, may mas lalaki pa ba kay Regine? Ako, 'eto pa lang ako, hihindi ako? Hindi na kasi uso yun. Si Kris Aquino nga, nag-special participation sa Regal. So, I think sa panahon ngayon, parang tulungan na lang 'to, huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano. If you like the project, big or small, if you like it, then do it."
NEW YORK, NEW YORK. Ang pinaka-enjoyment and at the same time ay pahinga na rin ni Uge ay kapag nakakapag-travel siya abroad na purely vacation lang. Kailan lang ay galing siya ng China at ang next trip naman daw niya ay sa New York ulit.
"Nagustuhan ko talaga [New York]. Pagod na pagod na ako noong winter dahil wala akong nakikita kung hindi kahoy. So, ita-try ko na mag-October, fall yata yun. Para makakita naman ako ng dahon," kuwento ni Uge.
Kasama pa rin daw niya ang best friend at travel buddy niya na si Direk Andoy Ranay. Pero this time, kasama rin nila ang itinuturing niyang mentor sa University of the Philippines na si Professor Tony Mabesa.
"Gift ko sa kanya [Tony Mabesa]. Ipinangako ko sa kanya. Sabi ko, 'Sir, halika, mamasyal naman tayo,'" banggit ni Uge.
Treat niya raw yun sa dating professor kaya sabi namin, it is a good gesture from her to look back.
"Gusto kong makasama si Sir Tony kasi noong college ako, sa kanya ko unang naintindihan ang theater. At saka gusto kong ma-experience na kaming dalawa, nakakanood kami ng Broadway. At saka kasi, ano niya yun, e, noong bata-bata pa siya, nakakanood siya ng Broadway play, kaso ang layo-layo niya kasi ang mahal ng ticket. Working student siya.
"Tapos, sabi niya, 'You're very lucky kasi ang ticket mo sa harapan.' So, sabi ko, 'Huwag kang mag-alala. Mag-iipon lang ako.' At saka may isa siyang paboritong estudyante na very successful sa New York, si Clint Ramos. So, gusto ko ring magkita sila. Pay it forward lang palagi," saad ni Uge.
