Carl Guevara cannot believe that Aljur Abrenica has only "sisterly love" for Kris Bernal

Rose Garcia
Friday, June 18, 2010 @ 02:12PM  |  11421 views

 

"Kasi kapag nasa set siya, sweet sila, biru-biruan. Nagulat lang ako. Hindi ko lang din siguro ine-expect na kapatid lang ang turing. Kasi, mas ine-expect ko siguro na sila pa. Kasi kapag nakikita ko naman sila, sweet naman sila, di ba?" says Carl Guevara (in photo) about his The Last Prince co-stars Aljur Abrenica and Kris Bernal.

Photo By: Noel Orsal













Isa si Carl Guevara sa dumating sa thanksgiving presscon for The Last Prince last Wednesday evening, June 16, sa 17th floor of GMA Network Center. Huling linggo na kasi ng fantaseryeng ito next week.

Si Carl ang isa sa mga huling character na pumasok sa The Last Prince, pero significant ang naging role niya dahil siya rin ang huling naging ka-love triangle ng mga bidang sina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

"Masaya talaga ako at thankful na naging part ako ng The Last Prince," sabi ni Carl sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Lalo na yung maging ka-triangle ako ng dalawa. Sobrang hindi ko alam, parang sobrang ano...masaya, e, kasi nabigyan ako ng ganitong role.

"At alam ko na paglipat ko ng GMA, parang inaalagaan nila ako. Magandang experience sa akin na nakapasok ako sa The Last Prince na nakilala ko silang lahat. Marami rin akong natutunan at naka-bonding ko rin ang ibang cast."

KAPATID O KAIBIGAN? During the press conference, nasabi ni Aljur na "parang kapatid" ang turing niya kay Kris. Ano ang reaction ni Carl sa sinabing yun ni Aljur?

"Gano'n ba? Kasi ako, iba ang turing ko kay Kris, e. Siyempre, ang turing ko kay Kris, kaibigan!" natatawa niyang sabi.

But on a serious note, Carl told us na medyo nagulat din siya sa naging sagot ni Aljur.

Aniya, "Kasi kapag nasa set siya, sweet sila, biru-biruan. Nagulat lang ako. Hindi ko lang din siguro ine-expect na kapatid lang ang turing. Kasi, mas ine-expect ko siguro na sila pa. Kasi kapag nakikita ko naman sila, sweet naman sila, di ba?"

Pero dahil din sa tugon ni Aljur na yun, tinanong namin si Carl kung pumasok sa isip niya na puwede pala niyang ligawan ang young actress.

"Puwede, puwede, di ba?" sagot niya. "Kumbaga, wala palang boundary. Pero hindi ko masabi. Tingnan natin kung ano ang mangyayari. Siguro kung makakatrabaho ko pa siya sa show, puwede. 

"Si Kris naman kasi, kung titingnan mo, isa siyang typical na babae. Masayahin. Marami siyang joke. Parang bata. Sweet. So, hindi ko rin masabi kasi hindi ko pa rin naman siya ganoon kalalim na kakilala. Unlike silang dalawa [Kris and Aljur], ever since, magkakilala na sila. So, tingnan din natin, hindi ko pa talaga masasagot."

Pero hindi dine-deny ni Carl na attracted siya kay Kris.

Dagdag niya, "At saka siyempre, kung ako yung pamimiliin kung sino ang gusto kong maka-partner, siyempre gusto kong maka-partner pa rin si Kris. Masaya rin kasi siyang katrabaho."

BENCH FASHION SHOW. Kung may isa mang pinaghahandaan ngayon si Carl, ito ay ang Bench Uncut: A Bold Look At The Future na gaganapin sa July 2 sa Araneta Coliseum. Noong huli naming makausap si Carl, parang dinadaga pa ang dibdib nito at aminadong napi-pressure. Pero during The Last Prince thanksgiving presscon, sinabi niyang ready na siya.

"Oo, double time ako sa gym," sambit niya. "Kapag may oras, talagang babad sa gym. Cardio-boxing, weight... Talagang ayokong mapahiya sa Bench fashion fhow."

1  2  Next »

Related Articles

15 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name