PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mike Tan is willing to be a godfather to ex-girlfriend LJ Reyes's child

Mike says he is friends with LJ and her boyfriend Paulo Avelino.
by Rommel R. Llanes
Published Jun 18, 2010
"Alam mo, nakakatakot magpakasal ngayon, nakakatakot mag-risk, nakakatakot magkaroon ng baby. Hindi mo alam kung saan kukunin yung perang ibubuhay mo dun sa bata. Para sa akin, kailangang maging stable ka muna. 'Tsaka marami pa akong gustong gawin sa buhay ko, marami pa akong gustong patunayan. Gusto ko pang maging successful dito sa showbiz career ko," says Mike Tan about settling down.

Dating nagkaroon ng relasyon ang StarStruck 2 graduates na sina Mike Tan at LJ Reyes. Kaya naman nang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mike sa presscon ng Trudis Liit kahapon ng tanghali, June 17, ay tungkol sa kalagayan ngayon ni LJ ang isa sa mga napag-usapan namin.

Nasa New York ngayon si LJ at hinihintay ang panganganak niya sa anak nila ng boyfriend nitong si Paulo Avelino.

LJ'S PREGNANCY. Ayon kay Mike, nagulat siya nang mabalitaan niyang buntis si LJ.

"Nagulat ako. Unexpected, e. Alam mo yun? Bata, e, bata pa 'tsaka nag-aaral pa nun si LJ. Nasa gitna siya ng career niya. At saka nagkasama pa kami nung Feb para sa fashion show for StarStruck. So, nagulat talaga ako," aniya.

Ano ang ginawa niya nang makumpirma nga niyang buntis si LJ?

"Sinubukan ko siyang tawagan, pero nagdalawang-isip ako. So, tinext ko na lang siya, 'Kumusta, okay ka lang ba?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw sumagot agad si LJ sa kanya.

"Hindi, pero the next day, sumagot siya, siguro sobrang na-confuse lang siya," sabi ni Mike. "Nag-sorry naman siya, na hindi niya agad nasagot ang text ko. Hindi ko na rin tinanong kung bakit hindi siya nakapag-reply, ganun."

Napag-usapan ba nila ang kundisyon ni LJ?

"Okay naman siya, masaya siya, e. Nag-invite pa nga siya para sa baby shower niya, e. Kaya lang hindi ako nakapunta kasi galing ako...may trabaho ako nun, e. Hindi ko maalala kung saan pero out of town."

Hindi siya nakapunta o hindi siya talaga pumunta?

"Hindi, kaibigan ko si LJ," diin ni Mike. "Kung gugustuhin kong pumunta, pupunta talaga ako kaya lang nasa trabaho talaga ako. Nag-text naman ako sa kanya, nag-sorry ako dahil hindi nga ako nakapunta."

Kailan niya huling nakausap si LJ?

"Bago siya umalis."

Close din ba si Mike kay Paulo na ama ng anak ni LJ?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Oo, lagi rin kaming nagkakasama ni Paulo," sagot ng StarStruck winner.

Was there a time na kinausap niya si Paulo at sinabihan na alagaan nito si LJ?

"Hindi, hindi!" bulalas niya. "Wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya yun. Sa tingin ko naman, inaalagaan niya nang husto si LJ, e."

Bakit wala siyang lakas ng loob?

"Nahihiya ako," sagot ni Mile. "Hindi ko... Para sa akin, bilang lalake at simula noong niligawan mo siya, dapat alam mo na yung responsibilidad mo, alam mo na dapat kung paano siya aalagaan. Alam mo rin dapat kung paano siya respetuhin, ganun."

NO REGRETS. May panghihinayang ba si Mike na hindi nagtuluy-tuloy ang relasyon nila noon ni LJ na tumagal ng 10 months?

"Wala, wala naman. Alam mo yung sa relasyon naming dalawa, marami akong natutunan, marami akong... Naging mas ano ako, naging mas mature ako sa buhay ko, yung mga goals ko mas nag-iba," saad niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Magkaibigan sila ngayon. Pero dati, after nilang mag-break, hindi agad sila nag-usap.

"Siguro sa lahat naman, alam mo yung masyado pang fresh yung memories, yung wounds, alam mo yun?" rason niya.

Pero eventually ay naging magkaibigan din nga sila ni LJ.

"Yung mga first week kasi, okay kami. Pero habang tumatagal, mas marami nang nababalita, naririnig, nagkaroon ng gap, tapos nagkahiyaan. Ako, nahiya na ako sa kanya, hindi ko na alam kung paano ide-defend yung sarili ko kasi maraming issues na lumalabas. Na ganito daw yung naging... Alam mo yung kung anu-anong sinasabi kung bakit kami nagkahiwalay, ganyan. Nung nagkabati na kami, dire-diretso na yun. Sa isang videoke bar, ano yun, kumbaga reunion ng Batch 2 [ng StarStruck]."

Kapag kinuha siyang ninong ng anak nina LJ at Paulo, papayag ba siya?

"Oo," mablis niyang sagot.

May nabanggit na ba sa kanya kung kukunin nga siyang ninong?

"Wala, wala pa. Pero kung sakali, papayag naman ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya raw si Mike na masaya ngayon si LJ.

"Oo, masaya ako para sa kanila at masaya ako na magkaibigan kami."

NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND. Si Mike, kumusta ang lovelife?

"Ako, okay naman, masaya naman ako," sagot niya.

Four years and three months na raw sila ng non-showbiz girlfriend niya, na naging girlfriend niya after his breakup with LJ. Since non-showbiz ang girl, ayaw nang sabihin ni Mike ang pangalan nito.

"I-private na lang natin yung pangalan niya. Ano siya, estudyante 'tsaka nagtatrabaho, working student," banggit niya.

Dati raw niyang kapitbahay sa Mandaluyong ang girlfriend niya. Pero sa Angono, Rizal na nakatira ngayon ang young actor.

Ano ang sikreto ng kanilang relasyon na inabot na ng mahigit apat na taon?

"Trust and respect," sagot ni Mike.

Wala pa ba silang balak magpakasal?

"Wala, wala," mabilis niyang sagot. "Alam mo, nakakatakot magpakasal ngayon, nakakatakot mag-risk, nakakatakot magkaroon ng baby. Hindi mo alam kung saan kukunin yung perang ibubuhay mo dun sa bata. Para sa akin, kailangang maging stable ka muna. 'Tsaka marami pa akong gustong gawin sa buhay ko, marami pa akong gustong patunayan. Gusto ko pang maging successful dito sa showbiz career ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod kay Mike, kasama rin sa Trudis Liit ang bidang child star na si Jillian Ward; sina Pauleen Luna, Maxene Magalona, Ian Veneracion, Cris Villanueva, Jao Mapa, Maricel Morales, Dexter Doria, Archie Adamos, Marc Acueza, Francheska Salcedo, Jamaica Olivera, at Gina Alajar.

Magsisimula nang mapanood ng Trudis Liit sa Lunes, June 21, sa Dramarama Sa Hapon ng GMA-7.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam mo, nakakatakot magpakasal ngayon, nakakatakot mag-risk, nakakatakot magkaroon ng baby. Hindi mo alam kung saan kukunin yung perang ibubuhay mo dun sa bata. Para sa akin, kailangang maging stable ka muna. 'Tsaka marami pa akong gustong gawin sa buhay ko, marami pa akong gustong patunayan. Gusto ko pang maging successful dito sa showbiz career ko," says Mike Tan about settling down.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results