One sign of being a good actor is when you always crave for something new, something different. And that's what Piolo Pascual is always aiming for.
Sa kanyang bagong primetime series sa ABS-CBN, ang Noah, isang panibagong Piolo na naman ang mapapanood dito. Malayo sa karaniwan niyang ginagampanang roles sa TV man o pelikula.
"Siguro naman po sa dami ng nagawa ko, you want to do something na iba naman. And doing something with Zaijan [Jaranilla], this is something na masasabi ko na, it's not a typical love story. It's family drama na kasama rin siyempre, hindi naman puwedeng mawala ang romance sa istorya," sabi ni Piolo.
Humarap si Piolo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa solo presscon niya para sa kanyang TV comeback kahapon, June 17, sa ABS-CBN compound.
MAY BUKAS PA GUESTING. Kasama ni Piolo sa Noah ang child sensation na si Zaijian Jaranilla, na sumikat dahil sa primetime series na May Bukas Pa. Kaugnay nito, nilinaw ni Piolo ang tungkol sa diumano'y pagtanggi niya noon na mag-guest sa May Bukas Pa.
Paliwanag niya, "To make it clear, of course, everybody was going to be part of May Bukas Pa. It was offered. Hindi tinanggihan. But Tita Linggit [Tan, ABS-CBN business unit head] decided not to preempt my tandem with Zaijan. So, they decided last year that I won't be guesting in the show para lang lumabas na fresh yung pagsasama namin dito [Noah]."
Ayon pa kay Piolo, umeere pa lang ang May Bukas Pa ay in the works na ang Noah.
"I wanted to be part of May Bukas Pa," sabi niya. "Every time I see an actor guesting, 'Sana ako yun.' But the management decided na huwag na nga lang para hindi ma-preempt. Magkasunod kasi, after May Bukas Pa, ako na ang makakasama niya."
Bago ang Noah, ang lumalabas sa balita noon ay isang pelikula sa Star Cinema ang pagsasamahan nina Piolo at Zaijian. Ayon kay Piolo, tuloy pa rin ang movie na pagsasamahan nila.
"Hopefully after the soap," sabi niya.
NOT INSPIRED BY AVATAR. Itinanggi naman ni Piolo ang obserbasyon ng ilang press na nakapanood ng trailer ng Noah na inspired ito ng Hollywood movie na Avatar.
"Nasa baul na po ito ng creative team ng ABS-CBN. But in a way, inspired by Avatar because it's about time that we come up with environmental issue," sabi ng environmentalist na si Piolo, who supports Kapit Bisig para sa Ilog Pasig.
Kasama pala si Piolo sa creative team ng Noah.
NOT COMPETING WITH OTHER ACTORS. Sinabi rin ni Piolo na wala na siya sa puntong nandito siya sa industriya just to compete with other actors. May nagtanong kasi sa kanya na bilang isa sa prime actors ng Kapamilya network, how come he seldom does TV or movie projects?
"I guess I'm at this point in my career that you wouldn't want to grab anything that comes your way," sagot niya. "There's also some sort of protection. Mas gusto ko rin po na nai-inspire ako sa ginagawa ko, not because of the quantity but because of quality.






si piolo ba naman tilian ng maraming babae... syempre maiinggit ang mga karamihan. hahaha kasi hindi sila ang tinitilian... so ayan at maninira na lang just to satisfy mga sarili nila na they are better. hahahaha keep going mga ampalaya. lols
love you papa p!
kaya sa mga nagsasabi na tigilan na paninira..sana applicable yun sa lahat ng artista..
maghu2bad if the price is right!
ang daming inggit, wag maging bitter sa kapwa. appreciate for what he is and what have.
all i know is that HE IS STRAIGHT and NOT GAY!
Congratz PAPA P. for NOAH!
pinatawa mo ako sa 2nd paragraph mo.