PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao spotted together in Singapore

Their picture was allegedly taken at a hawkers center in the Lion City.
by Nerisa Almo
Published Jun 20, 2010
After the sighting at a bike shop in Makati, John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao were pictured together again, this time in Singapore. Both have chosen to stay mum on the rumor that they're already in a relationship. People are still waiting for their confirmation.

Natanggap kanina ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isang litrato na nagpapakitang magkasama sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. Ang litratong ito'y una nang natanggap ng entertainment program ng Q-11, ang Tweetbiz.

Ayon sa aming source, ang larawan ay kuha sa isang hawkers center sa Singapore noong Linggo, June 13. Isang fan ang humiling na makasama sa naturang picture ng dalawang aktor.

Napag-alaman din ng PEP na nag-stay ang dalawang Kapamilya stars sa isang hotel malapit sa Orchard Road sa Singapore. Kamakailan lamang ay nalubog sa baha ang Orchard Road dahil sa matinding ulan. Maaaring ito ang isa sa mga dahilan kung bakit na-stranded sina John Lloyd at Shaina sa bansang binansagang Lion City.

Ang celebrity sighting na ito ay hindi unang pagkakataon na nakitang magkasama sina John Lloyd at Shaina. Matatandaan na unang lumabas sa PEP noong Pebrero na magkasama silang namimili ng bicycle parts sa isang bike store sa Makati. (CLICK HERE to read related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinubukang hingan ng PEP ng pahayag tungkol sa bagong litrato ang parehong talent ng ABS-CBN. Ngunit sa pamamagitan ng talent arm ng network, ang Star Magic, napag-alaman namin na hindi magbibigay ng anumang statement ang dalawang artista.

WHAT'S THE REAL SCORE? Matagal-tagal na ring pinag-uusapan kung ano talaga ang namamagitan kina John Lloyd at Shaina subalit parehong mailap ang dalawa sa paglilinaw ng isyu.

Sa dating panayam sa 26-year-old actor, humiling ang three-time Box Office King na bigyan pa silang dalawa ni Shaina ng kaunting panahon bago sila magbigay ng pahayag.

Sinabi pa niya sa PEP, "Basta 'yon talaga sa akin, given the right timing, the right moment, mutual sa aming dalawa, nagkakaintindihan kami, I'm sure we'll get there. Ayaw ko kasi ng, unang-una, I feel obliged na you have to come up with an answer now para matigil na, matahimik na para once and for all meron nang sagot." (CLICK HERE to read related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinegundahan naman ito ng 20-year-old actress sa hiwalay na panayam sa PEP.

Aniya, "Kung ano ang sinabi niya [John Lloyd], yun na yun. Kumbaga, right timing lang naman. Basta okay naman, we're happy and let's all be happy. Lahat naman 'yan masasagot namin sa tamang panahon. Sa ngayon, heto lang ang masasabi namin, sana maging masaya tayong lahat." (CLICK HERE to read related article.)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After the sighting at a bike shop in Makati, John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao were pictured together again, this time in Singapore. Both have chosen to stay mum on the rumor that they're already in a relationship. People are still waiting for their confirmation.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results