PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rayver Cruz clarifies latest issues about him and Sarah Geronimo

Rayver dispels rumors that Sarah gave him a car and that she is his business partner.
by Melba R. Llanera
Published Jun 21, 2010
"Wala tayong magagawa sa mga lumalabas na ganung balita. Ang importante, alam mo ang totoo at totoo lang ang sinasabi mo," says Rayver Cruz who is struggling anew to disprove the latest issues involving him and rumored ex-girlfriend Sarah Geronimo.

Sa kabila ng mga pagtanggi, di pa rin namamatay ang isyu sa pagitan nina Sarah Geronimo at Rayver Cruz. Matatandaang pumutok ang mga usap-usapan noon na naging mag-on talaga ang dalawa at nag-break na nga raw ang mga ito.

Ang latest na intriga sa 2009 Box-Office Queen at sa Supah Dance Crew member—bigay diumano ni Sarah ang kotseng Honda Civic na ginagamit ngayon ni Rayver at kasosyo pa raw ang dalaga sa bagong tayong negosyo ni Rayver na Kabooze Bar sa Parañaque.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rayver sa backstage ASAP XV, nitong Linggo lang at nagbigay ng kanyang paglilinaw ang binata tungkol sa mga isyung kinasasangkutan niya at ng naging rumored girlfriend niyang si Sarah.

"Regarding sa sinasabi nilang may sosyo raw si Sarah si Kabooze, di totoo yun. Natawa na lang ako nung nalaman ko yun. Actually, pati nga raw si Diane [Medina], girlfriend ni Rodjun [brother ni Rayver], kasosyo rin daw. Natawa na nga lang si Diane tungkol dito," simula ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaming tatlong magkakapatid ang magkakasosyo dito. Ako, si Rodjun saka yung panganay namin, si Omar. Pinag-ipun-ipunan namin yun, share-share kami," paliwanag pa ni Rayver.

Pinasinungalingan din ni Rayver ang tsismis na diumano'y bigay ni Sarah ang bagong kotse niya na Honda Civic.

"Di rin totoo yan. Actually, di ko nga alam kung paano lumalabas ang mga ganyang issues. Nakakahiya di lang sa part ko, kundi maging sa part ni Sarah, di rin maganda sa side nila. Kung anuman ang nakukuha ko, nabibili ko, pinaghihirapan ko yun.

"Honda Civic na 2.0 yun, galing yun sa suweldo ko. Pinag-ipunan ko dahil gusto ko pag ako mag-isa, hindi ako nagda-driver, mayroon akong sariling auto, hindi van," paglilinaw pa ni Rayver.

Para kay Rayver, pinagkikibit-balikat at tinatanggap na lang niya na wala na siyang magagawa kung may lumalabas mang ganitong mga issues tungkol sa kanila ni Sarah.

"Wala tayong magagawa sa mga lumalabas na ganung balita. Ang importante, alam mo ang totoo at totoo lang ang sinasabi mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, isa naman si Rayver sa mga artistang kasama sa horror movie ng Star Cinema, na Cinco. Muli silang magkakasama sa pelikulang ito ng dating ka-love team na si Maja Salvador.

"Limang stories ito na puro horror under Star Cinema. Kasama ko sa episode ko si Maja. Masaya naman, at kumportable akong katrabaho si Maja. Lagi naman kaming may trabaho together ni Maja. Once a year, lagi kaming may project na magkasama na okey naman kasi masarap katrabaho si Maja," nasabi pa ni Rayver tungkol sa dalaga.

Read Next
Read More Stories About
Rayver Cruz, Sarah Geronimo
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala tayong magagawa sa mga lumalabas na ganung balita. Ang importante, alam mo ang totoo at totoo lang ang sinasabi mo," says Rayver Cruz who is struggling anew to disprove the latest issues involving him and rumored ex-girlfriend Sarah Geronimo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results