Jomari Yllana admits ex-wife Aiko Melendez is nearest to his heart among his exes.

Rose Garcia
Tuesday, June 22, 2010 @ 03:21PM  |  53504 views

 

"Ang pinakamalapit sa puso ko is yung nanay ng anak ko," Jomari Yllana admitted about ex-wife Aiko Melendez. Jomari was asked in Showbiz Central's "Don't Lie To Me" segment by proxy host Paolo Contis, who among his exes (Aiko, Ara Mina and Pops Fernandez) would he choose to be with again? Although he was not sure about  possible reconciliation with any of them, he admitted Aiko is nearest to his heart.

Photo By: Mark Pimentel













Nagkaroon ng special "Don't Lie To Me" edition ang Showbiz Central noong Linggo, June 20, to celebrate Father's Day. Parehong ama ang nagharap sa naturang segment na tinawag nilang "Don't Lie To Papa."

Si Paolo Contis ang guest co-host ng Showbiz Central habang isa pang daddy, ang actor na si Jomari Yllana ang umupo naman sa "hot seat."

When Paolo asked Jomari kung ready na ba ito sa mga pang-"Don't Lie" questions niya, natatawa namang ibinalik ni Jom ang tanong kay Paolo, sabay sabing kalmadong-kalmado siya. Ewan lang daw niya kay Paolo na mapapanood kung sakali ng viewers na magsasayaw kung lalabas na "Lie" ang mga sagot niya.

Biro pa ni Jomari, "Gusto ko nga 'Lie' lahat. Hindi pa kita nakikitang sumayaw."

Ang unang question ay nanggaling daw sa anak ni Jomari na si Andrei [with ex-wife Aiko Melendez]. Last year daw kasi, nangako ito na pupunta siya sa Christmas party ng anak. Nag-expect daw ang buong klase ni Andrei, pero nag-back-out siya. Ang hinala raw ni Andrei, hindi nagising si Jomari nang maaga kaya hindi ito nakarating sa party.

"Yes," ang sagot ni Jomari na tinatapatan naman ng "Truth" ng lie detector.

Paliwanag ni Jomari, "Medyo matagal na 'to, e. Inaalala ko nga. Kung hindi ako nagkakamali, yun yung time na every year, sa klase ni Andrei sa Ateneo, palagi akong nagho-host diyan. Parang tradition na ng klase niya, e.

"Nagho-host ako ng Christmas salu-salo na ginagawa every year. It so happened na nitong last year, kung hindi ako nagkakamali, nagti-taping yata ako ng Rosalinda or ginawa namin ang Celebrity Duets kaya ako na-late. Actually, parang wala yata akong tulog noon."

Sa ikalawang tanong naman ni Paolo, tinanong niya si Jomari na noong huling election daw, parehong tumakbo ang dalawang babaeng nagkaroon ng kaugnayan sa kanya—ang ex-girlfriend na si Ara Mina at ex-wife na si Aiko Melendez.

Pero, totoo raw ba na mas sinuportahan niya si Aiko kesa kay Ara?

Sagot muna ni Jomari, "Parang pareho akong talo kahit na anong sagot ko."

Pero pinili ni Jom na sumagot ng "No" na tinatapatan naman ng machine ng "Lie." Kaya no choice si Paolo kundi ang sumayaw.

Paliwanag muli ni Jomari, "Alam niyo, sinuportahan ko naman sila pareho. Bakit ba ganoon, Inspector, bakit 'Lie' ang lumabas?" Nangiti na lang ang inspector na siyang nagha-handle ng lie detector.

Sa ikatlong tanong naman ni Paolo, tinanong niya kay Jomari kung totoo bang ang third party sa nasirang relasyon nila ni Ara Mina ay si Sexbomb Mia?

"No," ang sagot ni Jomari. Sabay-hirit ng isa pang question ni Paolo.

1  2  Next »

Related Articles

18 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name