Dumating si Melissa Ricks sa Crowne Plaza Hotel kahapon, June 22, bilang isa sa mga stars na nakasama sa YES! "100 Most Beautiful Stars" sa ika-apat na taon nito. Si Melissa at ang ka-love team niyang si Matt Evans ay kabilang sa "The Tandem" category ng YES! special issue. Para sa young actress, isang magandang pagkilala nga naman ito.
"I'm very honored na mapasama sa '100 Most Beautiful Stars,' kasi, siyempre, hindi ko naman inaasahan na makakasama kaming dalawa rito, so, masaya, masaya," simula ng young actress sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagkakasama nga niya sa taunang listahan ng YES! Magazine.
May humirit kay Melissa na baka kaya siya napasama sa listahan ng YES! ngayon ay dahil napansin sigurong blooming siya at may guy na nagpapasaya sa kanya.
"Ewan ko, hindi natin alam," natatawang sabi niya.
So, may nagpapasaya nga ba sa kanya ngayon?
"Maraming nagpapasaya sa akin, siyempre. Meron akong bagong show. Marami akong kaibigan," pa-safe na sagot ni Melissa.
"O.A." NEWS ABOUT JOLO. Very open sa paghanga sa kanya si Jolo Revilla. May mga balita pa ngang nanliligaw raw ito sa kanya. So, ano na ang estado sa pagitan nila?
"Jolo is just a friend. He's a good friend of mine. We'll be working together in Noah. I think, yun... 'tapos, yung mga pictures na lumalabas, marami naman akong pictures with Enchong [Dee], marami naman akong pictures sa iba, pero, yung picture namin ni Jolo talaga ang inilalabas. So, wala, dedma na lang."
May lumabas pang balita na bumibisita raw siya sa set ng taping ni Jolo at dinalhan pa niya ito ng Starbucks cake?
"That's for MMK [Maalaala Mo Kaya?], binisita ko si Erich [Gonzalez]. Dinalhan ko ng Starbucks cake si Erich. Kami ni Kim [Chiu]," paglilinaw ni Melissa.
Pero noong last taping day daw ng Tanging Yaman, may lumabas na balitang si Jolo raw ang parang nagpa-last day party dahil sa rami ng ipinadala nitong pagkain para sa kanya?
"Yun talaga, O.A. na balita talaga yan! Kahit noong napanood ko sa TV na si Jolo raw ang nagpa-cater, may dalang palabok, may pansit, may cake... Kaya sabi ko, 'Ay, O.A. naman!' May kanya-kanya kaming dala nung last day na yun. Hindi siya nagpa-cater. Nagdapala siya ng food pero, hindi ganun karaming food," paliwanag ni Melissa tungkol sa aniya'y O.A. o eksaheradong balita tungkol kay Jolo.
NOT BREAK WITH JAKE. Pero bago si Jolo, puwedeng sabihin na hindi pa rin tahasang nasasagot ni Melissa ang anumang meron sa kanila ni Jake Cuenca. Bago pumutok ang balitang nagkakasama sila ni Jolo, ang breakup news muna sa pagitan nila ni Jake ang lumabas.
So, once and for all, wala na nga bang kahit na ano pa sa kanilang dalawa ni Jake?
"Hindi naman siya nag-end, e. So, hindi ko alam kung bakit at saan nanggagaling ang mga tsismis. Bakit nasasabi yun? Jake is special to me. We're okay. We're fine. Hindi ko alam kung bakit ang dami-daming lumalabas na isyu na magkaaway kami, na hindi kami okey."
Nang direktang tanungin ng PEP kung ibig sabihin ba, hindi sila nag-break ni Jake, wala itong anumang naisagot kundi isang smile lang. After that, tinawag na siya ng handler at pinaupo sa kanyang table, kasama ang iba pang Kapamilya stars.
