PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ian Veneracion enjoys being around younger co-stars

Ian points his children to do other adventurous stuff.
by Paul Mata
Published Jun 24, 2010
"Hindi ko pagbabawalan. Pero kung ako, nagho-hope ako na hindi sila pumasok sa showbiz. Gusto ko mag-venture sila ng sarili nila kung ano ang talagang hilig nila," says Ian Veneracion about the possibility of his children joining showbiz.

Muling makakasama si Ian Veneracion sa isang show na para sa mga batang manonood. Ito ay ang Sine Novela na Trudis Liit, ang ikalawang sunod na drama series ng aktor kung saan tampok ang mga batang artista. Bida rito ang bagong child discovery na si Jillian Ward. Bago ito ay napanood naman si Ian sa First Time na kinatampukan nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio.

"Enjoy naman ako dito sa Trudis Liit. Kasi before First Time, may ginagawa ako before with Robin Padilla, yung Joaquin Bordado at yung Totoy Bato. Siyempre, puro action na heavy. Tapos kapag drama na, medyo heavy din.

"Dito, I enjoy working with kids kasi magaan at mas light ang treatment namin sa characters namin. Mas malaki ang room to play with our characters. Kahit ako dito, puwede ko paglaruan yung character ko," kuwento ni Ian sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa prescon ng Trudis Liit. na ginanap sa GMA Network Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado si Ian na na-miss niya din ang paggawa ng mga action-drama series.

"Whenever magkaroon ng chance, doon ako pinakakumportable talaga," sabi ng aktor. "Pero ngayon dahil walang action movies or series, wala tayong magagawa. Pero magandang pang-break itong ginagawa ko from the seriousness ng action. Enjoy talaga ako dito."

Hindi naman naitago ni Ian ang kasiyahan ng pagtrabaho kasama ang mga nakababatang co-stars dito sa Trudis Liit.

"Iba talaga dito," sambit niya. "Kasi sa First Time noon, mga 12, 13, 14 years old. Dito sa Trudis Liit, five years old. I'm sure it's gonna take a lot of patience on the part of the directors and the staff kasi sila yung magya-yaya kay Jillian. At naka-ready naman din ako sa mga eksena with her also."

Sabi ni Ian, kailangan nilang maging pasensiyoso dito sa show na ito.

"Oo, lalo sa bata. Lalo na kung nagta-tantrums siya, maghihintay kami. Kapag wala na siyang tantrums, 'saka kami magte-taping ulit," sabi ng dating child actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NO SHOWBIZ MAGIC. Masaya rin namang nagkuwento si Ian tungkol sa kanyang tatlong anak: sina Draco, 11; Deidre, 9; at Buccio na three years old.

"Ako, sanay naman mag-handle ng kids. Maski papaano, mahaba naman ang pasensiya ko sa bata," proud niya sinabi.

Para kay Ian, mas gugustuhin niya na mag-venture sa mga ibang bagay bukod sa showbiz ang kanyang mga anak. Binisto niya pa na lumalaking hindi gaanong alam ng mga anak niya ang mundong ginagalawan niya.

"Actually, hindi naman nila pinapanood ang mga shows ko!" natatawa niyang sabi. "Yung mga movies ko, hindi naman nila nakikita. Alam nila artista ako, pero hindi nila hilig yung manood ng TV. Manonood lang sila ng Cartoon Network siguro.

"Siguro, dahil sa kultura natin, dahil medyo Westernized na, ang mga pinapanood ko is mga DVD, mga Hollywood movies, yun yung mga hilig nilang panoorin. Pero yung mga ginagawa ko, hindi nila nakikita. Kunyari ako pa yung magsasabi sa kanila, 'Panoorin n'yo naman ang show ko na ito.' Manonood sila mga five minutes, tapos bibitaw na sila. Lilipat na ng ibang channel."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Para kay Ian, mas mabuti na raw ang gano'ng mindset ng mga anak niya para makita nila na normal lang ang daddy nila tulad ng ibang working daddies at hindi naaapektuhan ng magic ng showbiz.

ADVENTURE SEEKING WITH KIDS. Nitong nakaraang summer vacation, kuwento ni Ian na sinamahan niya ang mga anak niya na matuto ng scuba diving.

"Pinakiusap ko sa teacher, sabi niya puwede naman. Naka-three dives kami on the same day. Enjoy na enjoy naman sila. Nakakita sila ng pawikan. Naka-dive sila ng up to 35 feet lang. Pero para sa age na iyon, maganda na iyon," sabi ng proud daddy.

Bukod pa doon, nadala pa ni Ian ang mga kids niya para makapag-sailing sa may Taal Lake bago ito nag-alburoto.

"Dinala ko sila doon para mag-aral ng sailing. Nag-enjoy sila. Tig-iisa kami ng boat. Alam na nila yung mga angles ng hangin sa ganyan. Nagkakarera kami pero mabagal lang. Nung lumalakas ang hangin, napapabilis din. Enjoy na enjoy kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Susunod, gusto ko pasubok sa kanila yung ultralight," sabi ng certified pilot. "Mag-download muna ako ng software. Pero sa Clark magagawa namin iyon. Gusto ko mahawakan nila yung throttle at yoke at ma-feel nila yung wind. Na-feel na nila yung dagat at mukhang maa-addict sila na mag-scuba."

Para kay Ian, malaking bagay na matutunan ng mga kids niya ang ma-explore ang Pilipinas.

"Para sa akin talaga, gusto ko ma-encourage sila sa outdoor. Unang-una, we live in this beautiful country na napakaganda ng outdoors. Parang kung hindi ka nag-scuba or hindi ka nagpupunta ng bundok dito sa Pilipinas, napaka-tanga mo kasi ang ganda-ganda.

"All-year round, puwede mo gawin. Unlike sa States, na gusto mo mag-fishing, tuwing summer lang. Scuba, kalimutan mo na. Dito, all year round puwede mo gawin yung mga ganoong bagay. You just find the right location. Nakakapanghinayang doon sa mga hindi ine-enjoy yung outdoor. Kaya yung mga anak ko, ini-expose ko sa ganoon," pagtatapos niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko pagbabawalan. Pero kung ako, nagho-hope ako na hindi sila pumasok sa showbiz. Gusto ko mag-venture sila ng sarili nila kung ano ang talagang hilig nila," says Ian Veneracion about the possibility of his children joining showbiz.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results