Sa pilot episode pa lang ng Endless Love sa Lunes, June 28, ay mapapanood na si Janice de Belen bilang si Suzy, ang tunay na ina ni Marian Rivera.
Sa tingin namin, hindi ito ang mga karaniwang roles na na-stereotype na kay Janice. May pagkabungangera kasi ang character niya dito. Pero ipinaliwanag ng aktres sa press conference ng Endless Love sa Barrio Fiesta last Wednesday, June 23, hindi naman daw masasabing kontrabida siya, lalo na sa buhay ni Marian sa serye.
Sabi niya, "Kasi, konti lang ang nakita niyo. Yun ang tingin niyo, masama ako, pero hindi naman ako masama. Given the situation na economic. Isipan mo ng back story, yun ang buhay namin, e. Kung ano lang ang alam mo na pagbibigay na pagmamahal. Hindi naman ako masama and in the weeks to come, maiintindihan niyo ang sinasabi ko. Pero kung ito lang talaga ang alam mong ways na magmahal sa tao, e, yun lang ang ibibigay ko. Pero sabi nga nila, kung ano ang kinalakihan mo, yun ka. Totoo yun."
BACK TO ACTING. Mukhang dirediretso na ang pagbabalik niya sa pag-arte, unlike before na parang ayaw pa niya.
"Ina-avoid ko naman siya dati kasi natatakot ako baka hindi ko na kayang magpuyat. Nakakatakot ang schedule. Noon nga, yung Darna, patapos pa lang kami, kakagising ko lang, Darna na naman bukas," natatawa niyang kuwento.
"Siyempre, medyo takot ako sa oras. At saka, hindi ko alam kung marunong pa akong umarte or kung marunong pa akong mag-memorize ng line. Totoo yun, ha! Totoo for me ang fear na yun. Hindi ko alam kung marunong pa akong mag-blocking, yung mga ganoong worries."
Pero nang subukan daw niya uli, "okey naman pala. Na-miss ko."
Sumikat nang husto si Janice noong bata pa siya dahil sa Flordeluna, ang soap operang pinagbidahan niya na nagtagal sa telebisyon ng mga siyam na taon. Kapag nakakapanood siya o gumagawa ng serye ngayon, may nakikita bang siyang pagkakaiba?
"Iba yung soap opera namin dati at iba na rin ngayon... mas daring, mas mabilis ang pacing kapag pinapanood mo. Dati kasi, yung isang problema puwedeng patagalin nang matagal na matagal. Ngayon, feeling ko, in one week, dapat may ma-resolve na."
FIRST-TIME GRANDMA. Isang bagong kabanata sa buhay ni Janice ngayon ay ang pagiging first-time grandma niya nang manganak noong May 16 si Patricia Petil, ang asawa ng panganay na anak na si Angelo Luigi Miguel Muhlach, better known as Igi Boy, ang lovechild nila ni Aga Muhlach.
May mga tips ba siyang ini-impart sa mga bagong magulang?
Natatawa lang siyang sumagot, "Well, as much as possible, I tried to minimize the giving of my tips. Kasi, alam mo, ayokong maging stereotype na pakialamerang lola or pakialamerang mother-in-law because when I was in that situation, I wanted a little freedom... kasi, paano mo malalaman kung ang dami-rami mong naririnig. So, I give yung konti lang kapag nagtanong... ayokong maging pakialamera, promise!" Kahit na raw, dugtong niya, "effort yung hindi ka masyadong magsalita."
Madalas naririnig na iba raw kapag apo na. Mas iba raw ang excitement at kasiyahan sa isang lola. Ganoon din ba ang pakiramdam niya?
"Iba kapag lola. Pero, it's the same thing. The same anticipation you have for your children. It's just the same thing. I think, yung sinasabi nilang double anticipation is because, partly, there's worry kung sinuman doon yung anak mo. Kung lalaki or kung babae ang anak mo. Partly, there's worry. There's always this, gusto mong makita ang reaction ng anak mo."
Nandoon daw sila noong gabing nag-umpisa na ang contractions ni Patricia, pero dahil nagtagal daw ang labor, umuwi muna sina Janice. Pagbalik nila, nakapanganak na ang manugang niya.






meilei
Sige na po ateng hindi na kita aawayin, syangapala baka typo error ka lang reiteraring kase sinabi mo, baka reiterating siguro. hehehe peace na tayo, masamang mag away ang isang magandang katulad mo sa isang pangit na lalaking tulad ko.
Naiintindihan mo pala, so wag mo ng punahin kung mali man ang grammar, wag ka ng gumaya sa mga PINOY dito sa Saudi. Salamat po.
MEILEI
Hayaan mo na sya kung ganon man physical appearance nya, importante kung ano na-iicontribute mo dito sa mundo. Tulad mo, pansinin mo tinanggal comment mo diba pang number two ka?
im sure typing error lang yan...matalino si janice at articulate...that we can not question... isa sya sa pinakamatalinong celebrity, then and until now...
i didnt mean matronang nanlalalaki, i meant mukha na syang matrona para magpapila pa ng manliligaw...feeling...ilusyon...haler...ang sinaabi ko, bkit di nya inalagaan sarili nya eh dati syang kagandaha...celebrity sya, obligado syang palaging pleasing ang personality...sobrang idol ko sya during her teens, nakita ko sya in person lately many times, grabe ang liit na ang taba. walang leeg, sama ng shape ng legs, eh celebrity sya...in her late twenties pa lang nya ganun na katawan nya, talagang nagpabaya, sayang sya...ang layo layo nya na sana ng naabot ng career nya pero napagiwanan bacause of her looks...dati lahat ng sought after leading man sa showbiz eh di pwedeng di sya crush...hay naku...bkit naman si gelli kaganda ng katawan upto now, paano maalaga...hwag idamay ang itsura ng mga anak...lets spare the kidss sa balitaktakan natin dito...
sweetum
June 26, 2010
16:03 PM
Movie with Sharon and Gabby, with Janice de belen!
--------
That would be a blockbuster movie.
Sharon and Janice would need to lose weight first though.
Love them both :