Masaya at relaxed na relaxed si Marian Rivera sa pagsagot sa bawat tanong ng entertainment press sa kanya sa Endless Love press conference, na ginanap right after i-premiere ang pilot sa SM Megamall noong Wednesday, June 23. Sa katunayan, isa siya sa huling umalis sa venue.
Pero bago namin siya nakausap, natanong muna ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong Dantes sa loob ng SM Cinema 1 kung gaano niya kamahal si Marian. Ang sagot ni Dingdong, from day one pa lang daw, pataas na nang pataas ang pagmamahal niya sa dalaga.
FOREVER AFTER WITH DONG. Hiningi namin ang reaksiyon ni Marian sa statement na ito ng boyfriend, at nakangiti niyang sinabi, "Sabi ko nga, ang hirap magsalita nang tapos. Pero, hindi ko nakikita ang sarili ko sa iba. Gusto ko siya talaga. Makasama habambuhay."
Seryoso ang naging sagot ni Dingdong when asked about getting married. Sinabi namin kay Marian na nakikita sa kanilang dalawa na tipong doon na talaga sila papunta, sa kasalan.
"E, siguro kung ganoon ang iniisip nila, bahala na lang sila do'n. Kasi, tulad ng sabi ni Dong, masyado kasing kumplikadong tanong 'yan, sobrang napakabigat na... hindi basta-basta.
"Ang kasal kasi panghabangbuhay 'yan. May kasulatan 'yan. Nakaharap pa sa altar. So, hindi naman puwede na, 'Ay, ikakasal kami.' E, baka mam'ya maudlot or hindi naman pala talaga. Ang hirap! Kapag siguro sure ball na, bakit hindi?"
Kung siya ang tatanungin, ready na ba siya?
"Ready? Ang hirap, e. Parang sinabi ko kanina, ang hirap magsalita nang tapos. Baka mam'ya may masaktan ako. Kapag sinabi kong ready na 'ko, kumusta naman ang career ko. Kapag sinabi kong hindi, masasaktan ko naman si Dong. So, kung anuman ang dumating na ayoko namang pangunahan ngayon, doon muna 'ko, masaya 'ko ngayon. Sobrang in love ako at masaya ako sa Endless Love. Sobrang excited ako na ipalabas siya kasi, masaya, e. Balik-tambalan."
THANKS TO DENNIS. Sabi-sabi na baka last team-up muna nila itong Endless Love.
"Ay gano'n? Ayokong isiping last! Babawiin nila 'yan," natatawang sabi niya.
Dugtong pa niya, "Mahirap din naman kasing magsalita. Management ang nagbibigay ng project. Eto na lang muna 'ko, karerin na lang muna namin ang Endless Love."
May pressure ba sa kanya dahil ipapalabas na ang Endless Love sa Monday?
"Ayoko na lang isipin ang pressure. Kung iisipin mo, talagang nakaka-pressure talaga. The way yung expectation. So, siguro, maganda na lang, huwag na lang akong magpa-pressure. Unang-una, dapat na maging masaya 'ko dahil nakasama ko na naman si Dong. Pangalawa, ibinibigay sa akin si Jenny, at pangatlo, gawin ko ang makakaya ko para yung character ni Jenny ay mabigyang-buhay ko, di ba? At siguro, gagawin na lang namin ang lahat para mabigyang buhay namin sina Johnny at Jenny."
May mga nang-iintriga kay Dennis Trillo dahil sa mga nakaraan nilang projects sa TV at movies, silang dalawa ang magka-partner. Pero dito sa Endless Love, everybody knows na ang magkakatuluyan talaga ay sina Johnny and Jenny. Anong masasabi niya?
"Ako, ang laki ng pasasalamat ko na tinanggap niyang talaga ang Endless Love. Kung tutuusin mo naman talaga at napanood mo ang totoong Koreanovela ng Endless Love, hindi naman siya extra, support. At saka, napakalaki ng role niya. Title lang talaga ng Endless Love na Johnny and Jenny. Pero kung tutuusin, hindi mabubuo ang Johnny at Jenny kung walang Andrew."
BEST LOVE TEAM. Dong feels safe daw kung si Dennis ang kapareha niya.






0210bonie
Umepal ka pa! He he he he!!! Halatang bading!! Galing sa kampo ng eb s. Ang kampong mga bading!! lol!!!
He he he he!! Ang labo!! Pa sosy epek pa eh halata namng jologs!!!
Teken from whom?? Ahh oo nga. Kaya d girl tried to hang on kahit ayaw na sa kanya!!! Wewe nemen!!! Kulang nalang sipain siyang parang tigidig tigidig!!!Daig pa alkitran sa pagkakapit!!
Sa susunod sbhin mo ke idol mo, sa ssunod na mag bf pag helmetin. Para hndi nauuntog. LOL!!!
scatterbrain, too. :-
buti na lang maganda.
give it time. pag may pagka
diperensyahan kayo....let us see kung yan pa rin ang sabihin mo.
remember, DD was taken fr K. can happen to anyone.
manood na lang kayo ng ENDLESS LOVE
bukas para mafeel nyo kung ano ang love.
congrats marian pinagpapala ang taong marunong tumanaw ng utang na loob, ikaw na yon.:-
Scentedgarden
Hndi rin matigas ang panga mo eh no!! He he he he he!! Anong petsa naaaa!!!! LOL!!!
AnniE_the_ste
eL
June 26, 2010
16:51 PM
malandi ka pa din marian!
--------------------
nag-lalagot ang lasenggang to o. lol!
alkassim
June 26, 2010
20:24 PM
IMORTAL na...ABANGAN..........NAKAW NA o WALANG PAALAM NA NAMAN ANG TEMA NG TORYA.
Scentedgarden
123
June 27, 2010
Naku po baka yung imortal ay kopya rin.
Ang Lobo ay kinuha ang concept sa movie na Blood and Chocolate.
Pareho rin na babae ang lobo. Ang binago lang ang mga characters para di halata at ang story.
Pwede ba tigilan ang pag ilusyon. I'm sure may kinopyahan din ang Imortal so wlang dapat ipagyabang.
Noon nga talo ang Lobo sa Marimar hahaha.
for your info ang TADYANG ni Marian ay tinalo overall ratings ang katapat na show sa dos. Nakailang episodes lang panalo ang sa dos pero overall TADYANG PA RIN ANG PANALO.
Endless Love na sa Monday...
Kaya todo mind conditioning ang mga kapamilya as usual nothing new puro paninira lang alam hahaha.
Scentedgarden
123
June 27, 2010
14:33 PM Ang layong layo ng endless love sa Immortal, napaka ganda ng Immortal. Kung magkasabay ang dalawa, walang duda, ilampaso ng Immortal ang copycat niyong telenovela. Sana magsabay ang dalawa.Maging another Tadyang na naman ang endless love niyo, I bet!
____________________
naliligaw ka po.... malayo pa ang daan patungong imortal na sinasabi mo.
hahahahahahahaha
ENDLESS LOVE bukas na!