Mukhang basag-kotse gang ang nakatiyempo sa kotse ni Pauleen Luna habang nasa Eat Bulaga! ito kahapon, June 26. Ipinakita sa Startalk ang kotse niya, kunsaan basag ang salamin sa driver's side.
Nasa opening number siya ng noontime show, pero saka na lang sinabi sa kanya noong tapos na siya.
"Ang ikinasuwerte lang po, yung nakuha lang yung gamit ng PA [personal assistant] at saka ng driver. Kasi, marami po akong gamit sa likod dahil diretso po ako ng taping ng Trudis Liit. So I really have valuables sa likod, pero hindi naman po yun nakuha."
May mga dumating na imbestigador sa Broadway Centrum, kung saan pinapalabas ang Eat Bulaga!, para siyasatin ang krimen. Sa Startalk naman, biniro ni host Joey de Leon si Pauleen kung totoo bang may nakuha raw na mga balat ng ampalaya?
Natawa lang si Pauleen at sinabing, "Hindi po, wala po."
Sa mga hindi nakakaalam, ang pagbibiro ni Joey ay pagtukoy sa isyung namagitan kina Pauleen at ilang mga miyembro ng Twitter group na Ampalaya Anonymous.
POSSIBLE CLUE FOUND. "Ang sabi po, limang lalaki raw po ang bumasag," kuwento pa ni Pauleen, at ayon sa kanya, may natagpuang shades sa sasakyan na di kilala kung sinong may-ari.
"Hindi po sa akin, hindi rin sa PA ko, hindi rin sa driver. Most probably, sa kanila, naiwan. I think, puwede po yun i-fingerprints, but, iniisip ko naman po, parang hayaan na lang po natin, wala na rin naman pong magagawa, sagot na rin naman po ng insurance.
"And also, alangan naman pong pagbayarin pa po natin sila. Parang mahabang proseso pa po yata yun."
Ang importante naman daw, ayon kay Pauleen, ay walang taong nasaktan or naapektuhan.
OTHER VICTIM. Sabi ni Joey, may CCTV camera daw sa lugar na pinagparadahan ni Pauleen. Kaso lang, sa palagay ni Joey, hindi ito nagwo-work.
Matatandaang noong May 1, 2010 ay inilathala dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nabiktima na rin ng basag-kotse gang ang aktres na si Nikki Valdez. (CLICK HERE for related article.)
Sa kaso ni Nikki, gabi nangyari ang insidente. Pero ang pambibiktima kay Pauleen happened in broad daylight. Sa panahon ngayon, kailangang mag-ingat na lang lahat ng tao, di lang mga artista, sa kanilang kapaligiran.






Hindi kc siya pinansin ni christine reyes....
KSP... hehehe
Uwo maswerte ka kz ung mga valuable things mo di nakuha, ung sa driver and PA mo quot;LANGquot;... malas nman ng driver and PA mo, sana lang, mapalitan ung mga nawala sa kanila, kz in line of duty nman sila nawalan...
Anyways, goodluck and ingat, kz ang taong nagtatataray lagi, mabilis nakakarma...
O di ba maliwanag? Swerte daw nakuha gamit ng alalay at driver, yung sa kanya hindi nakuha. Kumbaga, di bale na yung sa alalay at sa driver, basta yung sa kanya safe.
Tingin niya kaya eh mag-iba kung gamit nya nakuha at yung sa alalay at driver eh hindi nakuha? Ano ba ang sabi sa ingles, your guess is as good as mine.
kroatz09
SABI ko SELF EXPLANATORY YAN!
Sige na nga i-explain ko sayo ng mas maintindihan mo ang nasa UTAK OR ISIP ni Pauleen Luna nung sinabi nya yun, inuulit ko ang nasa ISIP ni pauleen, kase na gets ko sya kaagad..
Ganito yun Ineng, Kase Obvious naman yung Driver at P.A. para sa kanya pipitsugin or mumurahin gamit lang, so kaya nya agad palitan yun, whereas yung sa kanya, medyo matatagalan palitan kase nga VALUABLES, diba VALUABLES yun.,
Nung sinabi nya yung 'ikinasuwerte' natural sasabihin nya yun, kase hindi nakuha mga gamit nya, talagang suwerte sya, yung lang naman proper word diba.Nag isip ka kase ng masamang impression. PEACE!
gt;gt; so bali di mahalaga yung gamit ng PA o gamit ng driver? kasi? PA at driver lang sila?
maaawa sana ako sa yo kaso kakainis lang tong hirit mo
Here is a script from THE BUZZ earlier in which the episode was the last show-up of multimedia actress-host Kris Aquino but not Yap anymore. Kris already confirmed that her marriage with basketball player, James Yap is over. I hope she will be Happy with he decision.
BOY ABUNDA: Krissy, maraming tanong, maraming opinyon, speculations. This is your chance. We will listen. What do you have to say?
KRIS AQUINO: First, Im sorry about Tuesday [engagement in Cebu]. For so long, ilang buwan naman na nagampanan ko ang lahat ng tungkulin ko, lahat ng responsibilidad sa trabaho at sa kampanya kahit na mayroon kaming pinagdadaanan sa tahanan namin. It was a sign of weakness on my part not to show up, and Im sorry about that. Im sorry that you had to be the one to answer because you felt uncomfortable making up an excuse.
About what weve been through, I think naman Boy hindi lahat sikreto sa inyong lahat, kung ano ang mga napagdaanan nam
Btw, thats a pretty picture of her. Fresh na fresh and has successfully lost the excess weight.
PUBLICITY HUNGRY!