Matapos ang revelation ni John Lloyd Cruz sa The Buzz last June 20 na girlfriend na nga niya si Shaina Magdayao, kahapon, June 27, ay ipinalabas naman ng naturang programa ang paglalahad ng saloobin ng ex-boyfriend ni Shaina na si John Prats tungkol sa naging pag-amin ni John Lloyd. (CLICK HERE to read related story.)
Narito ang interview ng The Buzz host na si Boy Abunda kay John Prats:
Boy: Habang nasa abroad ka, you're part of the tour of Sarah (Geronimo's Record Breaker U.S. concert) dahil ikaw ay panauhin. Nasaan ka noong kasalukuyang ipinapalabas sa Buzz ang aking exclusive interview kay John Llloyd?
John: Well, ang naka-receive ng text is yung taga-Viva. Actually, nasa L.A. (Los Angeles) kami...pa-last show na namin. Yun nga, nagsalita na si John Lloyd at yun nga inamin na niya na sila na (ni Shaina).
Boy: Ano ang reaksyon mo?
John: Nung nalaman ko yung balita, wala naman akong naging reaksyon. Parang okay. Hindi ako na-hurt or hindi ako nalungkot. Parang wala lang, parang wala lang sa akin.
Boy: Do you expect your fans... do you expect me... do you expect the public to believe you?
John: Well, hindi.
Boy: Because the public, we expect you to be hurt. And why are you not?
John: To begin with, natutunan ko na pag nagmahal ka all-out. That's why lahat ginawa ko.
Boy: Officially, kailan kayo naghiwalay ni Shaina?
John: That was November last year... last week of November.
Boy: How did it happen?
John: We had a fight. And then yun, nag-start lang naman kami as cool-off, ganyan. But we never saw each other after that.
Boy: Gaano katagal ang iyong relasyon kay Shaina?
John: Matagal din...my longest.
Boy: Your longest? Which is, two years?
John: Almost three.
Boy: In my interview with John Lloyd Cruz, sinabi ni John Lloyd na kayong dalawa pala ay nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap. What is your side of the story?
John: Yes, oo totoo. He called me, nag-usap kami. But he explained lang na hindi siya pumasok sa relasyon namin during nung kami. At yun ang gusto kong paniwalaan pa rin hanggang ngayon. Ang gusto ko lang linawin, yung sinasabi na baka nagsalita ako ng masama against them. I never talked. Never akong nagsalita. Never akong nagpa-interview.
Boy: It was mentioned in the interview. Bakit umalis ka sa dressing room sa ASAP kung saan magkasama kayo ni John Lloyd? Were you uncomfortable? You were together for years.
John: Of course, Tito Boy. At saka magkaibigan kami, e.
CLEARING THE RUMORS BEHIND TWO INCIDENTS. Hindi pa man umaamin sina Shaina at John na nagkakaproblema sila sa kanilang relasyon, sunud-sunod naman ang mga tsismis na nagkakalabuan na nga raw sila at ang itinuturo ngang dahilan ay ang panghihimasok umano ni John Lloyd. Kaya tinanong ni Boy si John tungkol sa dalawang insindenteng naging kontrobersiyal at naging laman ng tabloids.
Boy: Dalawang insidente ang nais ko lang itanong at iklaro sa iyo. May mga usap-usapan na niyayaya mo raw si Shaina na umuwi na. Ayon sa mga usap-usapan, sabi raw ni Shaina, ayaw pa niya. Pinipilit mo and then you left. And then allegedly, Shaina stayed behind because John Lloyd was there. You left crying. Gaano katotoo?
John: Hindi naman crying. Sad lang.






Ewan ko lang, parang di sila bagay as lovers JLC and Shaina. Mas bagay pa si Bea at JLC. Pero hayaan ninyo na. Ewan nga ba taste ni JLC sa mga babae, unpredictable.
bigyan natin ng isang taon iba naman ang
maging syota o boyfriend itong dalawang ito lalo na itong lalake kasi playboy siya sana whag na tayong manood ng pelikulang itong lalake kasi bad influence boykot po naten ang pelikula nya whag na naten pababayaan na gagagohin ng mga kababaihan sana matakot
sa ating panginoon diyos may karma ka din balang araw, hindi lahat ng araw sa iyo, God knows Amen
Hanga kami sa pagkatao mo. God bless you and your family.