Kung dati-rati ay palaging problemado si Francine Prieto sa iba't ibang pagsubok na dumating sa buhay niya—kasama na rito ang pagkakasakit ng cancer at pagkamatay ng kanyang ina na si Mrs. Amelia Falcon—ngayon ay halatang naka-move on na ang aktres sa lahat ng pinagdaanang problema.
Nakita at nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Francine sa opening ng bagong branch ng Posh Nails sa may Pacific Building in Binondo last week.
"Sabi ko nga, kahit ang dami kong pinagdaanang problema, pagkatapos ng ulan, parang nagkaroon ng rainbow. So, ito nang lahat," sabi ng sexy actress. "Parang sa tingin ko, darating din siguro tayo sa buhay na magkakaproblema tayo, so parang pagsubok lang lahat yun. Tapos, ang naging lesson din do'n, kahit na wala si Mommy ko, parang ang dami ko rin naman naging bagong kaibigan. Parang yun ang pumalit."
Dagdag ni Francine, "Unti-unti, naayos din naman lahat. Sa family, sa mommy ko, okey na siya. May nitso na siya, may damo na. So, okey naman."
Sa bahay na binili pa rin daw niya sila nakatira, pero plano niya itong ibenta at lumipat sa mas maliit na bahay.
FROM KAPUSO TO KAPAMILYA. After mailibing ng mommy niya, nagkaroon ng opportunity si Francine na magkaroon ng show sa radyo (dzMM), ang Ka-Date, kasama si Bobby Yan.
"Sobrang enjoy ako sa radio, tapos iba-iba ang topic namin every day. Yung ibang mga tao na do'n ako nakikita sa radio, parang nagugulat lang sila. Na parang, uy, iba..." lahad ni Francine.
Kasabay nito ay sa ABS-CBN na rin napapanood ngayon si Francine via Kung Tayo'y Magkakalayo. For the longest time ay sa GMA-7 napanood ang aktres. Ang huli niyang ginawa para sa Kapuso network ay ang Christmaserye na Sana Ngayong Pasko.
"Well, sabi ko nga, malaki ang utang na loob ko sa GMA. Ilang years din ako do'n. Ang dami ko rin naging projects. Pero siyempre, dumarating ang time na sa iba ka na dinadala ng tadhana. So, dito [ABS-CBN] ako dinala. Binigyan ako ng opportunity rito, bakit hindi ko tatanggapin, di ba?"
Kumusta naman siya bilang Kapamilya ngayon?
"Okey naman. Wala namang problema," sagot ni Francine. "Ang sabi naman ng manager ko, si Ricky Gallardo, meron naman daw project na kasunod, ABS pa rin daw. Wala naman akong exclusive contract sa ABS, pero siyempre, kung ang ABS ang nagbibigay sa akin ng work, bakit hindi ko tatanggapin?"
Naging malaking factor ba ang naging isyu niya sa ilang staff ng dati niyang show sa GMA-7, ang Bubble Gang, kung kaya't hindi na siya nabigyan ng project ng network?
"Hindi, hindi siguro," tanggi niya. "Kasi after nun, meron pa akong naging project sa GMA. Pero sandali lang yun, pang-Christmas lang yun. Pero after that, wala na. Kasi nga, yun, nahirapan na raw silang bigyan ako ng project. Kasi nga, nirereklamo nilang ang laki ko na raw."
But in fairness to Francine, kapansin-pansin na malaki na rin ang ipinayat niya.
"Nagpapapayat pa ako kasi sa ABS, ang papayat ng mga artista. So, parang ikaw rin sa sarili mo, 'Ay, ang taba ko!'" natatawa niyang sabi.






apayagamin
June 29, 2010
01:20 AM
__________________________
e siguro kc nakilala sya or ung image nya as sexy like sa bubble gang...saka model sia dati e sayang nga lang kasi kapansin pansin talaga ung paglaki ng katawan niya dati..like ko pa naman sya kaso di ko na mapapanood sa kapuso..pagbalik na lang ulit...hehehe
white is contrast to black...
di nmn masamang tingnan qng nakawhite ka kesa nmn sa red...pag sumunod ka ba sa mga old pamahiin and kaugalian does it mean tagabundok ka?
come to think of it.
at least di sya katulad ng ibang sexy stars jan na hanggang sexy lang...
at sana nga makatapos sha ng pagaaral.
buti na lang binigyan sha ng break ng 2.
kewl
June 28, 2010
18:23 PM
_________
feeling nya kasi e ok naman sa gma7 ang matataba.. the likes of janice e me career naman pero sya bakit sya pinipilit?? mas marami siguro syang nakikitang matataba sa gma7 pero may career pa rin... so there .... sa abs di sya pinlit, nag kusa na lang sya ..
Sa panahon ngayon ay di na uso ang nagluluksa ng matagal. Eh bakit ngayon, uso na ung puti ang isinusuot ng mga namatyan at hindi na itim? Marami na ang gumagawa nyan ngayon, para ka naman galing sa bundok.. :0