Malaki na ang tiyan ni Judy Ann Santos nang makaharap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa shooting ng Viva Films movie niya with Sarah Geronimo na Hating Kapatid. Ginanap ang shooting sa Steaktown restaurant sa Sgt. Esguerra, Quezon City, kahapon, July 1.
"Six months na. Boy siya," sagot ni Juday nang kumustahin ng PEP ang baby niya sa sinapupunan. "Pero itatanong namin ulit sa OB. Every month naman pinapatanong namin, sinisigurado namin kung boy talaga. Para sigurado kasi siyempre yung mga gamit na bibilhin namin, di ba?"
Nag-4D ultrasound na ba siya?
"Nitong pa-checkup pa lang ngayon. Kasi before 3D lang, e. Pero nitong huli, nakita na namin yung face, e," banggit ng young superstar.
Naglilikot na ba ang baby?
"Malikot pero yung malikot na masaya. Hindi yung malikot na masakit," sagot ni Juday.
Hindi rin daw nahihirapan si Juday sa kanyang pagbubuntis.
"No, not at all. Sobrang suwerte talaga ako. Ano lang siya ngayon, e, yung nagpaparamdam-ramdam. Parang may bula lang sa loob mo. Tapos pag madaling-araw, gising din siya. Ngayon, makikita mo parang tambol yung tiyan ko. Pero hindi pa yung bumubukul-bukol at nagwe-wave pag gumagalaw siya," paglalarawan niya.
Pero so far, ano yung mahirap sa kanyang pregnancy?
"Yung ngayon, sa totoo, wala akong naramdamang pagbabago maliban sa hirap akong maghanap ng damit na susuotin. Kasi syempre, di ba, nagbabago na yung size mo? Iba na yung size ng undergarments mo. Nagbago talaga lahat."
"SI RYAN ANG NAGLIHI." Isa pa raw sa hindi niya naranasan ay ang paglilihi, bagkus ang asawa niyang si Ryan ang naglihi.
"Siya yung naghanap ng siomai. Siya yung ayaw ng pabango ko. Siya yung may slight kasungitan. Pero ako, wala, wala talaga. Yun nga ang hinahanap ko, e, yung maglihi ako. Pero spoiled pa rin ako kay Ryan. Kung ano yung hingin ko, ibinibigay naman niya," sabi ni Juday.
Mas naging maalaga ba si Ryan sa kanya ngayong buntis siya?
"Oo naman," mabilis niyang sagot. "Maalaga naman siya before, pero ngayon talagang extra concern din siya sa akin. Every now and then, he would ask me kung okay ako sa set. Sana hindi ako naiinitan. Kasi alam nga niya pag buntis, mabilis mapagod. Yung pag-akyat ko nga lang dito, parang hapung-hapo ako na parang tatalon yung puso ko."
COMPLETE FAMILY. Bagamat sinasabi ni Juday na naranasan na niyang maging ina sa pag-aalaga sa kanyang adopted daughter na si Yohan, iba pa rin daw siyempre yung sa kanya na manggagaling ang isisilang niya. Naka-mindset na ba siya para rito?






nasa history na yan ng philippine tv.
bakit ba sinasabi ng ibang artista
jan na itago natin sa pangalang claudine na ang alam niya kayong dalawa yon?!?!?!
I love Judy Ann Santos - Agoncillo!!!
I think Juday and Claudine never been and will never be a laos, may mga pangalan na yung mga yun, may panahong medyo mahina sila,, pero established na sila bilang mga artista at magagaling na artista.
so happy for juday.. pretty preggy...
manunuod ako ng HK.. kikita ito kung mapromote ng maayos...
yun yun sa showbiz eh tago ka muna para exciting tapos show ka ulit para mabentang mabenta...sa okasyon mismo magtago sa fans kasi sagabal at ayaw na may tumitili pero pag kailangan nang fans mega labas sa media at advertise kasi kailangan nang suporta lalo na sa movie.
cge dalhin nyo na ang mga pera nyo sa sinehan para magkapera sila hayzzz