Sa inauguration ng bagong Pangulo ng Pilipinas na si President Noynoy Aquino noong June 30, marami ang nagtanong kung bakit wala si James Yap sa isa sa pinakaimportanteng okasyon sa buhay ng mga Aquino at ng bansa.
Prior to the inauguration, nakapagbitiw ng salita si James sa isang interview na darating siya. Walang makapagsabi noong araw na 'yon kung bakit "no-show" ang PBA player at mister ni Kris Aquino.
Kinabukasan, July 1, nagpadala ng official statement si James sa pamamagitan ng isa niyang manager na si Edgar Tan sa PEP (Philippine Entertainment Portal) through e-mail. Dito nakasaad na ipaglalaban daw ni James ang marriage nila ni Kris at may pangako raw siya sa namayapang biyenan na si dating Pangulong Corazon Aquino na aalagaan ang kanyang pamilya.
Right after the inauguration, nakuhanan ng Startalk ng statement si Kris hinggil sa mga naglabasang ispekulasyon na baka raw pinagbawalan niya ang estranged husband na pumunta sa okasyon. Ipinalabas ng Startalk ang taped segment na ito kahapon, July 3.
Ayon kay Kris, "Hindi ko naman siya pinagbawalan. Hindi na kami nagko-communicate. Baka naman inisip din niya, on his own, na huwag nang makadagdag sa gulo at ibigay ang araw na ito kay Noy."
Dugtong pa ni Kris, "Kahit hindi naging maganda ang ending namin, masasabi naman siguro ni James na naging mabuting bayaw sa kanya si Noy."
BALLSY STILL BELIEVES. Naniniwala naman si Kris na sa panahong ito, nandiyan ang mga kapatid niya na napagkukuhanan niya ng suporta.
"I know I can lean on them. Puwede akong sumandal sa pamilya ko, sa oras ng mga pagbabago sa pamilya namin."
Sa ngayon, wala pang sagot si Kris sa official statement ni James. Pero ang mga kapatid ni Kris katulad ni Ballsy Cruz na nakausap din ng Startalk at the inauguration sa Quirino Grandstand ay nagpahayag ng suporta at umaasang magkakaayos din ang dalawa.
Sabi ni Ballsy, "Siyempre, lahat kami sinusuportahan siya. At saka, iniintindi rin namin. As she said, dalawa naman sila, iniintindi namin silang dalawa."
Sa tanong kung sa palagay niya maaayos pa nina Kris at James ang gusot nila ngayon, mabilis ang naging tugon ni Ballsy: "Oo naman."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
108 ChristieMarie
107 liwayway
it seems like the real glue of this marriage was cory aquino, and after she passed on, kris finally gave up.
106 henryramos
105 goldenswanny
104 careermuna
103 dakilangina
Natawa naman ako sau bwahahaha pero in fairness sau tama sinabi mo. Ang gulo ng tao ano?
102 ayen88
101 sakanalovelife
100 purelife
99 jams_mom
98 purelife
97 squared
W E!!! o di ngayon part owner pa siya ng hacienda luisita. Sa pera lang talaga mautak yan.
brush up your law iha, hindi kasama sa property na paghahatian ang ESTABLISHED assets ni kris before marrying james. only those income, earnings, acquired properties during their marriage. yung properties before marriage do not automatically become CONJUGAL. mag-isip ka nga, rationally.
96 purelife
95 syetedos
I read in one article sabi ni Kris kaya daw hindi siya pumayag ilakad ang US visa ng kapatid ni james kasi daw baka makasira sa pamilya nila yon.
Yung lagay na yon, hindi pala kasiraan sa pamilya nila na nagka-anak siya sa pagka-dalaga kay Philip. Hindi rin kasiraan sa pamilya nakipag live in kay Joey na kasal pa. At hindi rin pala kasiraan sa pamilya na binroadcast niya may STD siya. At hindi ri kasiraan sa pamilya na alam nilang buntis ang GF ni James pero pinilit niya sarili niya.
Atseng Kris, ang gulo mo, ayaw mo ng kasiraan sa pamilya eh ikaw tong nagdala ng lahat ng kasiraan sa pamilya Aquino at Cojuangco.
94 aypakawanem
93 babymendoza1
92 neon_lite73
91 homemaker
not showing up at the inaguration.
alam na nya ang pwedeng mangyari so
umiwas na lang siguro yung tao.
i just hope na maayos pa nila ito.wala namang perpektong marriage dito sa mundo. ang kaibahan nga lang nasa showbiz sila kaya mas malaki ang pressure sa marriage nila.
90 pepsiko
89 Jeon202
more comments