"I am playing the role of a prostitute sa episode titled 'Minsan May Isang Puta.' Our movie ay tungkol sa mga babae at mga babae rin ang mga director. Ang istorya ay tungkol sa mga babae at ginawa namin ang movie para sa mga babae," describes Mercedes Cabral about her role in Ganap na Babae, an entry in the Cinemalaya Film Festival this year.

Photo: Noel Orsal

Masaya ang aktres na si Mercedes Cabral dahil tatlong pelikula niya ang kasali sa Cinemalaya Independent Film Festival na magsisimula on July 9, Friday, sa CCP Main Theater.

Bida si Mercedes sa Ganap na Babae mula sa Hubo Productions na opening film ng Cinemalaya. Ito ay isang trilogy kung saan tampok siya sa episode titled "Minsan May Isang Puta" na idinirek ng film editor turned director na si Sarah Lopez.

Kasama rin siya sa cast ng Si Tetchie, si Techno Boy at si Juana B, directed by Art Katipunan, at sa Magkakapatid directed by Kim Homer Garcia. Ang dalawang ito ay in competition while Ganap na Babae was chosen to be the opening film.

"Noong una, hindi ko rin alam na makakasali ang film namin sa Cinemalaya. Ang alam ko lang ay isasali ito sa NETPAC [Network for the Promotion of Asian Cinema] na competition. Nagulat na lang ako when I learned opening film pala ito," pahayag ni Mercedes sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Ganap na Babae noong Linggo, July 4, sa Baang Café sa Tomas Morato, QC.

Dagdag niya, "Tuwang-tuwa ako talaga. Saka nagustuhan ko itong Ganap na Babae kasi magandang role ang naibigay sa akin. I am playing the role of a prostitute sa episode titled 'Minsan May Isang Puta.' Our movie ay tungkol sa mga babae at mga babae rin ang mga director. Ang istorya ay tungkol sa mga babae at ginawa namin ang movie para sa mga babae.

"Ang role ko ay nanay na prostitute tapos ini-interview para sa isang documentary kung saan ikinukuwento niya ang buhay niya at kung paano niya binubuhay ang kanyang mga anak, at kung gaano niya kamahal ang kanyang mga anak. Hindi lang basta ito tungkol sa babae kundi may malalim na mensahe."

Bukod kina Sarah Lopez, tampok din sa pelikula ang mga women directors na sina Rica Arevalo (who did a film with Eddie Garcia, ICU Bed No. 7) at Ellen Ramos (who co-directed Selda).

PROSTI ROLES. Parang nata-typecast si Mercedes sa mga prosti roles kaya iniiwasan na niyang tumanggap ng ganitong uri ng papel. Pero dahil nagandahan siya sa role dito sa Ganap na Babae,  tinanggap niya.

"Noong una kong mabasa ang script, akala ko typical na kuwento lang about a prostitute. Pero nang mabasa ko ang ending, tinanggap ko kasi I fell in love with the script dahil na-in love ako sa ending. Malalaman ninyo talaga pag napanood ninyo kung bakit ko ito tinanggap.

"Saka wala akong nudity for a change. Puro suggestive lang ang sexy scenes ko. Malinis ang pagkakagawa ng film. Willing pa rin naman akong tumanggap ng prosti role, pero depende talaga kung maganda ang story," sabi pa ni Mercedes who played Coco Martin's wife in Kinatay and lover in Serbis.

Natutuwa rin siya dahil nagustuhan siyang katrabaho ni Direk Dante Mendoza who cast her in Serbis and Kinatay.

"Happy ako na makatrabaho ang ganoon kagaling na director at magkaroon ng chance na i-represent ang Pilipinas sa ibang bansa. Malaking bagay iyon para sa akin," sabi pa niya.

How would she differentiate the experience of working with Direk Dante at sa isang baguhan like Direk Sarah?

"Si Direk Dante kasi, iba ang style niya. Una, wala siyang script kasi  real-time acting kasi siya. Yung natutunan ko kay Direk Dante, nagagamit ko rin sa lahat ng ginagawa kong films. Si Sarah naman, kahit na baguhang director, magaling siya. Sinasabi niya kung ano ang gusto niya talaga. Kung may kulang man ako na ibinigay emotionally, sinasabi niya na mas maganda kung taasan ko pa. So, detalyado din si Direk Sarah," kuwento ni Mercedes na kabilang sa 100 Most Beautiful Stars ng YES! magazine this year.