Handang-handa na ang actor-concert producer na si Jomari Yllana, kasama ang business partner niyang si Ronald Singson at ang kanilang grupo sa Fearless Productions, upang dalhin ang R&B King ng international music scene na si Usher, at i-produce ang very first concert nito sa Pilipinas.
Ngayong Biyernes, July 9, 2010, 8 p.m., magaganap ang pinakaaabangang Philippine concert ni Usher titled Usher Live in Manila sa SM Mall of Asia Concert Grounds.
Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan kay Jomari sa Belissimo restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, inamin niyang itong Usher Live In Manila ang pinakamahal na nai-produce nilang concert, mula nang simulan ng Fearless Productions ang pagdadala ng foreign artists sa bansa upang mag-concert. Kabilang sa foreign artists na nadala na nila rito sa Pilipinas ay ang American Idol stars na sina David Cook, David Archuleta, at Kris Allen.
Hindi ba't parang biglaan ang announcement na kumpirmado na ang Usher concert dito sa atin sa July 9, kahit na nabalita ito noon at nag-circulate sa radio scene, pati na sa local music blogs?
"July 9 lang yung only time na available siya, e," sabi ni Jomari. "Kakatapos lang ng UK concert tour niya. Ngayon lang siya talaga nagkaroon ng window for him to do it. Pero last year pa namin gustong mag-Usher. Ang latest niyang tour ay yung European tour. So, UK yung tour niya. After nun, saka sila pupunta dito. Hindi ko lang nasundan yung ibang stops nila. Hindi nila dini-disclose ang iba pa nilang kasama."
Sa pagkakaalam ni Jomari, ang Pilipinas ang first Asian country na mapupuntahan ni Usher.
"Yeah, walang iba, e," aniya. "Wala akong ibang naririnig, e. After Europe, dito na... Di ko alam kung nakapag-Singapore na siya. I'm not sure lang."
Gaano kahirap kunin ang isang Usher para sa isang Manila concert for the first time?
"I think he prepared for the album. Na mai-launch ang album before he can go around... Magaling siya, magaling siya! Paborito ni Andrei [anak ni Jom kay Aiko Melendez] 'yan, e. First time niya sa Pilipinas kaya exciting. May hit song siya ngayon, 'OMG!'" banggit ni Jomari.
Para kay Jom, si Usher na ang makabagong Michael Jackson o sumusunod sa mga yapak ng namayapang music icon.
"Si Usher, ang gusto ko sa kanya, kumanta siya ng kahit anong kanta ni Michael Jackson, happy na ako doon. Kumanta siya dati ng 'Gone Too Soon.' Parang si Usher yung sumunod sa yapak ni MJ, pero nasa R&B ang genre niya. Pero idol niya talaga si Michael Jackson at ang galing nitong sumayaw talaga," opinyon ni Jomari.
MOST EXPENSIVE ARTIST. Hindi ba mahirap kausap si Usher, o ang kanyang agent, pagdating sa negosasyon ng talent fee?
"Hindi namin siya nakakausap mismo... Ang kausap namin diyan ay yung agent," banggit ni Jom. "Si Ronald ang kumausap, e. Nasa wake ako noon, namatay ang kapatid ko [Robbie Yllana], kaya si Ronald ang nagta-transact nung time na 'yon. Hindi na niya binanggit sa akin, nilalakad na pala nina Ronald. Pero last year pa nga nasimulan. Isinara niya ang deal, nalaman ko after naming naglibing. Nagte-taping ako nang malaman ko, hands-on naman si Ronald."
Dagdag niya, "Mahal siya dahil sikat siya at respetadong rapper sa U.S."
Si Usher ba ang pinakamahal sa lahat ng nai-produce nilang foreign artists dito, kabilang na ang dalawang David na kapwa galing ng American Idol?






second its not JUSTINE TIMBERLAKE, its JUSTIN..
THERE IS NO COMPARISON WHATSOEVER BETWEEN MICHAEL JACKSON and Usher...
Michael has been a Superstar and a songwriter, a genius at that since he was a kid!
Gusto mo lang may manood ng concert mo...pwede ba!? that's an insult to MJ
Front lang si Jomari, ang may pera talaga iyong Singson brothers.
Buti na rin sinali siya sa pag-produce ng concerts para di na niya perahan mga GF niya. Think Ara Mina and Pops Fernandez. May career pa yung dalawa na yun noong sila ni Jomari habang wala nang projects noon itong Jomari na 'to.
You cant even compare Usher's voice to MJ sa totoo lang hindi naman ganuon kaganda boses ni Usher pag live though he is a good dancer.