The actor-model didn't know that director Cathy Garcia-Molina initially didn't want him for the lead role, but he eventually won her over. "Noong last taping namin, sinabi niya, 'Raf, may aaminin ako sa 'yo.' Sabi ko, 'Sige, game, Direk.'  Sinabi niya, 'You proved yourself to me and you're a wonderful person and I respect you as an actor. Mali lang ang first impression ko sa 'yo.'"

 

Photo: Noel Orsal

"We've been hanging out," ang sagot ng aktor. "Kapag nilagyan mo ng date kasi, may pressure na 'yan. May agenda na. Kapag sinabi mong date... para sa amin, when you mean date, no hidden agenda."

Parang may napansin kaming ilangang namamagitan sa dalawa, kaya diretsahan na naming tinanong kung nagliligawan na ba sila, tutal pareho naman silang single.

Pero hindi raw, sabi Rafael. "It's natural na magkaroon ng solid na bonding and deeper understanding for each other."

Sabay dugtong ng, "Of course, I like her. I like her... oo naman."

Hindi itinanggi ni Rafael na naging masakit para sa kanya ang last relationship niya with Malaya Lewandowski, another Star Magic talent, more than a year ago. Pero nagawa na raw niyang makapag-move on.

"I'm not hurrying into a relationship. Actually, hindi ko alam kung kaya ko pa ang responsibilidad ng isang relationship. I'm just living life, hanging out with friends, mostly [guys from] Bud Brothers."

Nanggagaling ba ang stance niyang iyan sa naging breakup nila ni Malaya?

"Ah, hindi naman. No, it's not. It's been one year and a half. It's the past. I learned to forgive and forget and I've told my friends naman na I have to say thank you. Kung hindi nangyari yun, hindi ako ang taong makikita niyo ngayon, so, sobrang thankful ako sa nangyari. 

"Pero siyempre, back then, hindi ko nakikita yung side na yun. I was deep into it and heartbroken. But now that I have moved on, parang oo nga, 'no, it really has to happen for me to realize things and find myself properly."

Hindi naman niya itinatanggi na meron siyang dine-date ngayon na di taga-showbiz. Pero, paliwanag niya, "She's not my girlfriend. She's date/best friend... Wala akong babae na I have a romantic side at the moment."

Between his best friend and Denise, sino ang most likely na magiging special talaga?

"50-50, e... Kapag kasama ko si Denise, trabaho naman. And those days na hindi ako nagte-taping, yung mga kaibigan ko, yung best friend ko."

DIRECTOR'S NOD. Sa presscon, may inamin si Direk Cathy Garcia-Molina noong kina-cast pa lang ang Midnight Phantom. Ayaw raw niya si Rafael para sa series. Hindi raw siya naguwapuhan at hindi nagalingan dito. Pero binawi niya ang kanyang mga salita nang makatrabaho na niya ang actor-model.

Anong naramdaman ni Rafael nang marinig niya ito?

"Actually, noong unang dumating ako sa set na parang ang bigat na ng feeling.  Sinabi ko sa associate director na hindi na ako darating for breakfast. Magbi-breakfast na lang ako sa bahay. Pagdating sa set, costume na lang and ready to take na 'ko. At that time, wala akong alam na hindi niya ako gusto.