Maituturing na "homecoming" ang pagpirma ng one-year exclusive contract ni Cesar Montano sa Kapuso network.
Bago kasi nagtrabaho si Cesar sa ABS-CBN ay nakagawa na siya ng ilang proyekto para sa GMA-7 at sa film arm nitong GMA Films. Sino nga ba naman ang makakalimot sa mga pinagbidahang pelikula ni Cesar na Jose Rizal (1998) at Muro Ami (1999)? Ang dalawang pelikulang ito na parehong idinirek ni Marilou Diaz Abaya ay umani ng papuri at awards hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
At pagkatapos nga ng sampung taon ay nagbabalik si Cesar sa bakuran ng GMA-7 upang maging isa nang ganap na Kapuso.
Ginanap ang contract signing ni Cesar sa 17th floor ng GMA Network Center kaninang hapon, July 15. Kasama sa contract signing ang top executives ng GMA Network na sina Atty. Felipe Gozon (Chairman, President and CEO), Mr. Jimmy Duavit (Executive Vice President and COO), at Ms. Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV), at ang tumatayong co-manager ni Cesar na si Shirley Pizarro.
BACK TO GMA-7. Masayang-masaya si Cesar sa kanyang pagbabalik sa GMA-7.
"I really feel glad and happy to be back again here in GMA... It's an honor again to be back and accepted again here in GMA-7, be part of Kapuso. Mahirap pong mabuhay nang walang puso kaya dapat laging may puso," pahayag ng aktor sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press pagkatapos ng contract signing.
Ayon pa kay Cesar, hindi na siya kailangang kumbinsihin na bumalik sa Kapuso network dahil nakapagtrabaho na nga siya rito noon.
"If I remember it right, yung unang-unang trabaho ko po rito was with the late brilliant director Ishmael Bernal, Maynila [a drama special]," pagbabalik-tanaw niya. "Doon nagsimula ang trabaho ko, at talagang parte na po ako dito... Isang malaking karangalan at kaligayahan po para sa akin at mase-share ko na naman ulit ang akin pong hiram na talent sa inyo, dito sa GMA."
Nagpahayag din ng kanilang kasiyahan ang mga executive ng GMA-7 sa pagbabalik ni Cesar sa kanilang network.
Atty. Gozon: "Nakita n'yo naman ang tawa ko, from ear to ear. Sabi nga nila, action speaks louder than words. Gusto ko lang sabihin na dati naman nang nandito si Buboy at nadiskubre ko kamakailan lang na masyado pala siyang napakaraming alam, e... Yung Jose Rizal, yun ang pinaka-Buboy sa lahat ng Buboy. I think it's still the movie that holds the most number of awards. Talagang pinili si Cesar do'n."
Mr. Duavit: "Kami ni Buboy, matagal na kaming magkaibigan. In fact, ikinararangal ko rin na maging ninong sa kasal nila ni Shine [Sunshine Cruz, Cesar's wife]. Isa ako sa pinakamakalaking tagahanga ni Buboy. Iba yung napapanood mo ang isang artista, iba yung nakakatrabaho mo. Well, professionalism, bukod-tangi talaga si Buboy.
"This is an opportunity I personally have been waiting for a long, long time. Sabi ko nga kanina, sampung taon na ang lumipas subalit may kasabihan nga na better late than never. So, nasisiyahan ako. Sa ngalan ng aking mga kasamahan na Kapuso, ikinagagalak namin na si Buboy ngayon, e, kabahagi muli sa Kapuso."
Ms. Galvante: "Actually, two years ago, muntik na, e, nandiyan na siya. Papunta na nga ng pictorial kaso ipinatawag [sa Malacañang] kaya hindi 'yon natuloy. Pero ngayon, nung tinanong namin kung okay ba siya, puwede ba siya. Tapos sabi ko ulit sa kanya nung nag-meeting kami, 'Matagal ka nang nawala, subukan mo kami uli.' From there, nagkaintindihan and now, he's with us."
Matatandaang noon pa sanang 2007 naging Kapuso si Cesar. Papunta na siya noon sa GMA Network Center para mag-pictorial, pero tinawagan siya ng Malacañang para maging isa sa senatorial bets ng administration party that time.
Tumakbong senador si Cesar, pero hindi siya pinalad na manalo sa kanyang unang sabak sa pulitika. Noong bumalik siya sa showbiz ay sa ABS-CBN pa rin siya lumabas.






Welcome sa Kapuso. looking forward for your new upcoming tv project.
Have a Nice one to you.
Gie_0612
July 20, 2010
16:26 PM
quot;Nung nagpaalam ako, yung sign na nakuha ko, smooth, walang violent reaction. Okay naman sila. 'Basta hihintayin ka namin ulit dito pagbalik mo.' Ganun sila. 'Pag tapos ka na dun, balik ka lang dito. You're welcome again here.'quot;
________
Yan ang ABS, hindi bitter kung may lilipat sa ibang channel unlike GMA na hindi pa rin maka move on sa pag alis ni Angel, Mo atbp...
=======================================
kasi nga ito kahit paano eh pinaalam niya na aalis na siya. sabihin na lang na kahit isang linggo man lang bago siya lumipat eh. Iba yung pinaalam mo na lilipat ka na bago ka pumirma ng contract sa kabila compared to telling ur network na ur not transferring to the rival network then the next day, the whole country was surprised that ur on the rival network na. Kahit saang network, office, organization or company mo gawin yun, magagalit yung kumpanya na yun. bakstab yung gnun.
quot;Nung nagpaalam ako, yung sign na nakuha ko, smooth, walang violent reaction. Okay naman sila. 'Basta hihintayin ka namin ulit dito pagbalik mo.' Ganun sila. 'Pag tapos ka na dun, balik ka lang dito. You're welcome again here.'quot;
________
Yan ang ABS, hindi bitter kung may lilipat sa ibang channel unlike GMA na hindi pa rin maka move on sa pag alis ni Angel, Mo atbp...
34. Bienvenido Tantoco Sr.
35. Frederick Dy
36. Eugenio Lopez III
37. Lourdes Montinola
38. Luis Virata
39. Jesus Tambunting
40. Philip Ang
elettie84
at kung talagang mas mayaman talaga si mvp eh dapat pumasok ang pangalan sa top40 ng forbes!
si gabby lopez nga na nag-no. 36 talo pa ni atty. gozon na nag-no. 27!
elettie84
mas mahina naman ang tv5 kumpara sa gma7. bakit si maricel nasa gma7 na rin?
and fyi, dati na pong taga-gma7 si cesar! bumabalik lang sa dating tahanan! sa gma po siya sumikat at nagkaroon ng awards sa movies thru Jose Rizal and Muro Ami! walang ganyang movies ang star cinema! gma lang ang gumagawa niyan sabi nga ni cesar kung nagbabasa ka!
elettie84
mas mahina naman ang tv5 kumpara sa gma7. bakit si maricel nasa gma7 na rin?
and fyi, dati na pong taga-gma7 si cesar! bumabalik lang sa sarilim tahanan! sa gma po siya sumikat at nagkaroon ng awards sa movies thru Jose Rizal and Muro Ami! walang ganyang movies ang star cinema! gma lang ang gumagawa niyan sabi nga ni cesar kung nagbabasa ka!
IT is not hard to understand why Cesar Montano jumped to the Kapuso fence and do a show which has yet to gather a following which the Singing Bee has already achieved. Ever heard of the game show If The Price is Right?
We heard that the talent fee GMA7 offered the actor is almost double whatMontanos manager, Norma J, negotiated with the other station.quot;
Kaya ngayon, stay as an actor kasi doon ka talaga mahusay.