"You know, I think it's time for Hayden and I to separate, hopefully not separate as friends, but separate businesses. I think Hayden should have his own business. Para he can be proud if he has his own at hindi laging nakasandal sa akin. Kasi he's very smart and very hardworking, so kayang-kaya niya mag-isa."
Hanggang ngayon ay ipinapakita pa rin ni Dra. Belo ang suporta niya kay Hayden. Katulad na lamang ng pagdalo niya sa nakaraang court hearing nina Katrina Halili versus Hayden Kho at nanay nitong si Irene Kho.
Sa darating na July 21 ay may naka-schedule ulit na panibagong hearing, dadalo ba siya?
"Hindi na ako pupunta. Tapos na ako. I won't go anymore," sagot ni Dra. Belo.
Si Hayden na raw ang nagsabi na huwag na siyang pumunta.
"Actually, he asked me na huwag na lang akong pumunta. Kasi gusto niyang magsabi ng totoo. Ayaw niyang nandun ako kasi ayaw na niyang isipin kung masasaktan ako. Kasi, di ba, pag may tao diyan na iisipin mo pa.
"I really wanted to go dun for Katrina because she became my friend for five years. And I wanted to hear from her mouth what really happened. Of course, may version ako ni Hayden, kailangan ko ring marinig yung version ni Katrina. That's why I'm attending that part," saad niya.
Ano ang feeling na ang kaibigan din niyang si Lolit Solis ay ipinapatawag na rin sa court for questioning?
"Alam mo, naaawa na nga ako kay Manay Lolit. Anong kinalaman naman niya doon? Pero nag-enjoy naman siya, e, at least for a moment. Alam mo itong proceeding, it's so tedious, so detailed, si Manay Lolit na ang nag-add ng konting tawa. Kahit yung judge tumawa na, e."
Wish ni Dra. Belo na matapos na ang kasong ito.
"Sana matapos na kasi ang tagal na rin naman nito. Para mag-move on na rin lahat ng tao. But matagal pa, e, meron pang maraming witnesses, I think. Si Katrina, tapos si Hayden, tapos may witnesses sa part nila, so medyo matagal pa siguro."






Magkapatid ba sila??? LOLZ...
pansinin nyo nga ng maiigi yung itsura nya, halos magkamukha na sila ni Madam Auring,,,
ehehheheheheh ahahahahah hihihihi...
Hayden at Mo. magsama sama kau eewww....
Aminado naman si Vicky Belo na hindi siya mabubuhay ng walng lalaki at needy talaga siya. Bakit hindi siya magpatingin sa Psychologist? Oh well buhay nya yan, sana lang huwag nang pagkaguluhan ng press annoying na rin kasi.
he needs her...
re: hayden case sana siya ang unang makulong sa mga tao walang respeto sa mga babae...
nakakaawa talaga ung mga babae sa video...wala silang kaalam alam na kinukunan sila ng isang doctor pa nman din..
Ikaw kaya, kilalanin mo ang Diyos? Kung makapag-comment ka daig mo pa ang taong walang Diyos eh. Basahin mo ang mga salitang ginagamit mo. Sa lahat ng pepsters dito, ikaw ang pinaka-ipokritang magbigay ng comment.
I agree. Your asessment is fair enough. Classic example is the marriage of Demi Moore and Ashton Kutcher. Still going strong after all these years.