SECURING HIS FUTURE. As early as now, sine-secure na nga ni JC ang kanyang future. May mga investment na raw siya ngayon.
Aniya, "Nag-i-start na akong magpagawa ng house. Nakakuha na ako ng lot. Sa may QC, sa may Commonwealth area lang. So, yun nga, kailangan kong maging secured financially rin kasi. Yun ang importante.
"Nakuha ko sa TV5. Yung three-years guaranteed contract na hindi basta-basta puwedeng ibigay kahit kanino. Pero sa akin, hindi pumapasok sa utak ko na, oo, may kontrata ko, ako ang bida rito. Mas secured ako kasi, in a way, nagsusuporta ka sa family mo. Malaking percentage sa money ko na kino-contribute ko.
"Important sa akin ang future. So, yung pasok ng projects sa akin ngayon, very fast. In terms of movies din and TV shows, ang bilis ng pasok. So, very happy ako sa mga nangyari. Kung anuman ang label sa akin sa TV5, parang wala naman akong ano ro'n, hindi naman pumapasok sa ulo ko yun."
RHIAN RAMOS. Kung sa career ay fully loaded siya dahil sa sunud-sunod na projects, sa lovelife naman ay "zero" raw siya.
"Wala, e. Hindi na siya maisingit," sabi ni JC.
Biro naman namin sa kanya, parang hindi kapani-paniwala na hindi niya kayang magsingit ng lovelife.
Paliwanag naman ng 24-year-old actor, "Ngayon, ngayon lang talaga na mas naging important ang work ko. Kasi nga, mas lumaki 'yung mga responsibilities ko. Hindi lang para sa sarili ko kung hindi pati sa family. Maraming nangyayari rin kasi sa family. So, siyempre, medyo crisis ka. Ang daming nangyayari, so medyo nagso-shoulder ako ng malaking percentage sa kanila."
Tuluyan na nga bang "na-erase" ang chapter ng buhay niya with former leading lady Rhian Ramos?
"Oo," sagot ni JC. "Naka-focus ako ngayon sa trabaho talaga at kung paano ko hahasain ang sarili ko para mag-improve pa lalo."
Never ba talagang nag-cross ang path nila?
"Wala...wala..."
Kung magkikita sila, magpapansinan naman ba sila?
"Siguro... Kapag sinabi ng isip ko na mag-hi ka, e, di magha-hi ako. Kapag hindi ko feel talagang mamansin, bakit naman hindi rin? Parang tao ka lang din. Hindi naman ako plastic, di ba?" sabi niya.
Sa naging past relationships niya, yung sa kanila ba ni Rhian ang "pangit" ang kinalabasan?






2mahimik ka nlng sna, di ung kung anu2 pnagsasasabi mo. prince ng tv5? i don't care.. laos ka prn
yumabang ka na rin tsong.feeling mo sikat ka ah?lol! la ka nang appeal.
malas ng tv5, nagbabayad sila ng malaki kay jc, naisahan sila. hehe.
siguro akala niya sasaluhin siya ni RR sa palpak niyang ginawa. siyempre mas inisip nun isa ang sarili at baka magalit si tita din noh.
hehehe may 3 year guaranteed siyang kita sa TV5 so hindi pwede punta sa ABS unless gawa uli siya ng drama para bitawan siya ng kusa.
Doon ka lang secured, pero tanggapin mo wala namang nanonood sa iyo. WHAT A BIG TURN-OFF. Good thing GMA dropped you, bagay ka talagng alaga ni Annabel, pareho kayong mukhang pera.
I don't even like Rhian Ramos but I guess she does not deserve someone like you, she deserves a better guy, not a bitter guy.
AMININ!
you are a good actor.