Tirso Cruz III continues to learn after more than four decades in the industry


 
"This industry has been very kind to me. Siguro naman, after four decades, siguro nga...ito na ang buhay ko," says veteran actor Tirso Cruz III.

Tirso Cruz III continues to learn after more than four decades in the industry

William R. Reyes

Rating

Tanggap ng maraming nakapanood ng Sigwa ang naging panalo ni Tirso Cruz III bilang Best Supporting Actor sa ginanap na awards night ng Cinemalaya 2010 noong Linggo, July 18, sa Tanghalang Nicanor Abelardo (Main Theater) ng Cultural Center of the Philippines.

 

Ang Sigwa, sa direksiyon ni Joel Lamangan, ay isa sa mga entry sa Directors' Showcase category, ang bagong kategoryang idinagdag sa ika-anim na taon ng Cinemalaya na kinabibilangan ng mga direktor na may nagawang higit sa tatlong pelikula. Ipalalabas muli ang Sigwa sa University of the Philippines, Diliman, ngayong linggo. (CLICK HERE to view the screening schedules)

 

Matapos ang awards ceremony ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Tirso sa Iceberg's sa munting salu-salong inihanda ng produksiyon ng Sigwa para sa cast at staff ng pelikula.

 

We first congratulated Pip (palayaw ni Tirso) and asked him kung gaano kaimportante sa kanya ang bagong napanalunang parangal mula sa Cinemalaya.

 

"Masuwerte lang," sagot ng veteran actor. "Well, every award is important. Pero ito, para sa akin, is very important because this is my first sa Cinemalaya. And Cinemalaya is a relatively new group, kahit naka-anim na sila. It's a new group, [na] different yung attack. At very wide ang playing field sa Cinemalaya since walang censorship. Na nae-express talaga ng mga direktor kung ano yung gusto nila, at wide din ang genre.

 

"So, it's an honor for me na kahit papa'no, na-recognize yung work ko rito sa Sigwa. Sabi ko nga, ako, I'm very thankful. Nagpapasalamat ako kay Direk Joel for having entrusted the character of Oliver sa akin, na kinunsider niya ako to play Oliver."

 

Ang papel ni Tirso bilang Oliver sa Sigwa, na isinulat ni Boni Ilagan, ay isang taksil na kasamahan sa kilusan ng mga kabataang aktibistang nag-rally sa panahon ng FQS (First Quarter Storm) noong early '70s. Si Tirso ang Oliver ng makabagong panahon (alter ego ni Marvin Agustin, of the early '70s), na isa nang top government official sa pamahalaang Gloria Macapagal-Arroyo.

 

Bukod kay Joel Lamangan, pinasalamatan din ni Tirso ang Sigwa excutive producers na sina Mr. Stanley T. Uy III at Ma. Pelita Peralta-Uy ng Beginnings At Twenty-Plus, Inc., Star Express & Sine Totoo Production.

 

Ayon kay Pip, "Naniwala sila kay Joel na piliin kung sino yung gustong gumanap na artista. So, I'm thankful sa kanila, very thankful dun sa group. I mean, it's another award that I will cherish and treasure. 

 

"Nakakataba ng puso," patuloy niya. "And it gives you a new lease on life. Gives you food for thought na dapat talaga ipagpatuloy mo pa rin ang pag-aaral, pagbutihin pa rin ang paglabas sa kung anumang character ang ipe-play mo because it means na there is always... Sabi nga nila, if there's one thing you'll never run out of, it's room for improvement. And then if you become lucky enough to get directors, like Joel Lamangan, who will ably guide you talaga into your character, talagang you'll be able to come up with works that you can look back to."

 

LIFE AS A CYCLE. Bagamat nagsimula sa industriya ng pelikula bilang isa sa top matinee idols noong late '60s at early '70s, na kapareha ni Nora Aunor (of the famous Guy & Pip tandem), nag-graduate si Tirso into doing character roles kung saan higit ding napansin ang kakayahan niya sa pagganap. 

 

"I've learned through the years," makahulugang banggit ni Pip. "Natuto ako sa mga direktor na nakatrabaho ko, sa mga kapwa ko artista, na nakakasama ko. Hindi naman puwedeng ikaw lang mag-isa, e. Ang laking bagay din nung natutulungan ka ng mga kaeksena mo, e. That's a big factor also, na mabigyan mo ng mas magandang portrayal ang role mo because the people you work with help you out also."

 

Dagdag niya, "Natututo ako. Talagang hindi ka magsasawang mag-aral at pagbutihin yung trabaho mo."

 

A veteran of more than a hundred films, several Best Actor and Best Supporting Actor awards, masasabi ni Pip ngayon na ang pag-arte sa pelikula at telebisyon ang siyang buhay niya.

 

"This industry has been very kind to me," sambit niya. "Siguro naman, after four decades, siguro nga...ito na ang buhay ko."

 

Mula sa pagiging matinee idol hanggang sa pagganap sa mga character roles, tanggap nang maluwag ni Pip ang kasalukuyang estado ng pagiging artista niya.

 

"Ako kasi, ang tingin ko, like anything in life, it's a cycle, e. It's a circle. You go around, di ba? Sometimes you're up, sometimes you're down," paliwanag niya. "Sometimes you look for your niche under the sun, and stay there as long as you can. And, yun nga, never really give up. Never stop studying and learning, and picking up things from other people, from other performers. Madami kang matututunan, e. Ang dami pa."

 

ON NORA AUNOR AND ENDLESS LOVE. Binanggit din ni Pip sa PEP ang tungkol sa kasalukuyan niyang kaabalahan sa telebisyon.

 

"Well, right now, ongoing pa rin yung Endless Love [GMA-7 teleserye starring Dingdong Dantes, Marian Rivera, and Dennis Trillo]. Hopefully, may bagong projects na pumasok, may bagong movie offers na dumating. If not, tuloy lang sa TV, kung anumang projects.

 

"Hindi naman ako mapili. Basta't may offer, basta't maganda lang yung role, something substantial na alam mo kahit papa'no makakapagbigay ka ng entertainment sa moviegoing public. Huwag naman yung just for the sake of doing a movie, gagawin ko na lang.

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
12 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement