Mula sa pagiging matinee idol hanggang sa pagganap sa mga character roles, tanggap nang maluwag ni Pip ang kasalukuyang estado ng pagiging artista niya.
"Ako kasi, ang tingin ko, like anything in life, it's a cycle, e. It's a circle. You go around, di ba? Sometimes you're up, sometimes you're down," paliwanag niya. "Sometimes you look for your niche under the sun, and stay there as long as you can. And, yun nga, never really give up. Never stop studying and learning, and picking up things from other people, from other performers. Madami kang matututunan, e. Ang dami pa."
ON NORA AUNOR AND ENDLESS LOVE. Binanggit din ni Pip sa PEP ang tungkol sa kasalukuyan niyang kaabalahan sa telebisyon.
"Well, right now, ongoing pa rin yung Endless Love [GMA-7 teleserye starring Dingdong Dantes, Marian Rivera, and Dennis Trillo]. Hopefully, may bagong projects na pumasok, may bagong movie offers na dumating. If not, tuloy lang sa TV, kung anumang projects.
"Hindi naman ako mapili. Basta't may offer, basta't maganda lang yung role, something substantial na alam mo kahit papa'no makakapagbigay ka ng entertainment sa moviegoing public. Huwag naman yung just for the sake of doing a movie, gagawin ko na lang.
"Kasi, para bang sa tanda ko na rin siguro dito, parang nakakahiya naman sa mga tao. I mean, ang audience natin, may worth na rin, very intelligent na rin ang audience natin. So, hindi na puwede yung basta't sige-sige na lang," paliwanag ni Pip.
Tungkol naman sa inaasam pa rin ng Guy & Pip fans na posibilidad ng pagtatambal nilang muli ni Nora Aunor, ani Tirso: "The possibility will always be there. Yun nga lang, I guess, depende rin sa project. Titingnan ko yung istorya, kasi marami na ring experience na ganun. Sometimes maganda sa umpisa, tapos hindi natutuloy. So, depende kung anong project. Trabaho lang 'yan."
Kailan sila huling nagkausap ni Nora?
"A couple of years," sagot ni Tirso. "The last time, nakita ko siya sa States, nag-show kami. Yun lang. Gano'n naman lagi. Nagkikita kami [for] a couple of days, tapos uuwi na ako."
Tungkol naman sa napabalitang naapektuhan ang boses ni Nora ng pagpapa-beauty enhancement nito, sabi ni Pip: "Wala akong alam doon. Wala akong feedback."
FAMILY LIFE. Kinumusta rin ng PEP ang pamilya ni Tirso.
"My family life is always good," pagmamalaki rin ni Pip. "I mean, my wife [Erlinda "Lyn" Ynchausti-Cruz] has always been there to support me. Yung mga anak namin [TJ, Bodie, Janine], okey din naman.
"They're starting. Two of them [Bodie and Janine] want to try out the industry. Of age na din naman sila. Sabi ko nga, 'I'm just here to guide you. If you want my two-cents worth of advice, I'll give it to you.' Pero final decision, nasa kanila.
"Si Bodie yung sa PBB [Pinoy Big Brother]. Nag-uumpisa na sa showbiz. Yung bunso [Janine, 21 years old], nag-uumpisa na rin. She's going to venture...trying to get into the business. We'll see."
Ang panganay lang nina Pip at Lyn, si TJ Jeremiah, ang hindi nahilig sa showbiz. "Si TJ, he's working na at St. Luke's [hospital] right now. May bagong department na binuksan ang St. Luke's, he's working there," banggit ni Pip.






korek kayo na kay nora ata ang mali kung bakit walang nakatapos sa mga anak nya.Naalala ko tuloy ng gawin ni boyet ng wanted perfect mother.Tinanong sya kun sino sa mga actress ang sa palagay nya perferct mother, binanggit nya sina sandy,vilma,sharon,maricel soriano,pero si nora wala hahaha.
Si Ian lumaki sa poder ni Nora kaya hwag na kayong magtaka kundi man ito nagtapos ng pag aaral. Not unlike sa mga anak ni Boyet kay Sandy... nasa tamang landas sila.
Korek ka diyan! bakit nga ba hindi nagtapos sila Lotlot and Ian? parang ang problema talaga e si Nora no? mga anak ni Boyet sa New Zealand pa nga nag aaral...
Gaya ni ate Vi... mababait din ang anak. Look Luis Manzano? Ang layo na ng narating?
CONGRATS PIPO!!!!