"Hindi si Mikey. Hindi rin yung tatay niya," giit niya.
Nagkakausap ba sila ni Mikey tungkol sa isyu sa kanila?
"Nagkausap kami dati. Kailan pa yun, a week ago. Kasi yung tungkol sa name niya, lumabas-labas, di ba?"
Tumawag si Mikey sa kanya?
"Hindi ko na alam kung sino ang tumawag kanino... A, tumawag pala siya noong nag-happy birthday ako sa daddy niya. Pero, hindi... Ayoko na pala siyang pag-usapan. Alam mo yun, move on...move on naman. Baka hindi pa matuloy ang kasal ko dahil diyan. Nahihiya ako actually sa kanya, sa kanila, dahil okey naman noong umpisa. Pero, parang hindi na nawala ang names nila sa picture."
Kung makakasal siya, sa U.S. na ba siya maninirahan?
"Dito rin, e. Pero sa probinsiya. Malapit lang naman, sa Pampanga. Yun pa ang isa, papagawa muna kami ng bahay," sabi ni Rufa Mae.
NEW CODENAME. Ayaw ba ng boyfriend niya na once and for all ay magpakilala na para mawala na rin ang haka-haka kung sino ba talaga siya?
"Kalimutan n'yo na si Mr. M," sagot ng sexy comedienne. "Hey, Dyo! Yun na lang, as in, dyowa! Nahihiya siya, e. Hindi yata siya ganoong artistahin."
Biro namin kay Rufa Mae, pangit ba ang boyfriend niya kaya ayaw magpakita?
"O, tingnan n'yo, hayan na naman, kawawa naman si Dyo!" mabilis na sabi ni Rufa Mae, na may bagong codename sa kanyang mystery boyfriend. "Lalabas naman siya kung kailan gusto namin. Hindi dahil gusto ng iba. Or if ever kaka-come out kami, ang pangit na sasagutin niya ang tanong tungkol sa ibang lalake, ang pangit!"
Kung lalabas sila, yung tipong kasalan na?
"Hindi naman, mag-a-awards night muna kami!" sabi niya. "Hindi nga, yun ang gusto ko, gown-gownan. I'm tired of going to awards night nang walang partner. Yun ang plano ko."
Ano ba ang gusto nilang ma-achieve muna bago sila lumantad?
"Ang pagiging walang sabit," sagot ni Rufa Mae, na ikinatawa ng entertainment press na nag-i-interview sa kanya dahil tila inconsistent ito sa una niyang pahayag nang tanungin kung may asawa na ang kanyang boyfriend.






Jun 30, 2010
Sabi, divorced na raw si Mikey sa kanyang wife kaya malaya na ang dalawa na pakasal.
Si Rufa Mae raw, ay halos aminin na ang truth at noong isang linggo sa isang talkshow, talaga namang diniretsana siya tungkol dito. Mr. M ang tawag sa kanya ni Ricky Lo at hayagang inamin ni Rufa Mae na talagang may relasyon na sila ng dating presidential son at kongresista.Nagsimula di umanong relasyon nina Rufa Mae at Mikey dating back sa isang pelikulang ginawa nila sa Pampanga noong vice governor palang si Mikey. Simula raw noon, nagging very close na silat kasama na rito ang ilang travel ni Rufa Mae sa America para nga makipagkita kay Mikey.
..kakausap lang nila ni Mikey last week para bumati lang ng Happy Birthday sa daddy ni Mikey....
..may sabit, aayusin daw muna....
Di ba ang sabi ang isda nahuhuli sa bibig?