Late na dumating si Cogie Domingo sa press conference ng Inday Wanda—ang bagong comedy series ng TV5 na pinagbibidahan ni Eugene Domingo at ipalalabas itong darating na Setyembre.
Ginanap ang nasabing presscon sa Rembrandt Hotel sa Quezon City kahapon ng tanghali, July 21.
Bagama't hindi na umabot ang aktor sa pormal na Q&A kasama ang iba pang cast members ay nagpaunlak naman ito ng interview sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment reporters na naiwan sa Stoffels Function Room.
Tinanong agad namin si Cogie kung ano nga ba ang dahilan at nawala siya ng halos apat na taon.
"Parang nagpahinga lang ako tapos ngayon ito balik na ulit. At least 'yon nga sabi ko pagbalik ko mas maganda 'yong bago na 'yong mga ginagawa ko," matipid na sagot ng mestisong actor.
This time nga raw ay seryoso at determinado na si Cogie na ituloy ang kanyang natenggang showbiz career. Marami rin kasi ang nanghihinayang sa aktor dahil may ibubuga rin naman ito pagdating sa pag-arte. Napatunayan ito ni Cogie nang makipagsabayan siya sa beteranong aktor na si Eddie Garcia sa pelikulang Deathrow noong 2000.
Nagsilbing comeback vehicle ni Cogie ang Father's Day episode ng Maalaala Mo Kaya na ipinalabas noong nakaraang buwan. Marami rin ang nagulat nang pumayag ang batang aktor na gumanap bilang isang closet gay lawyer sa independent film na Muli.
Sa kanyang pagbabalik ay nais ni Cogie na gumawa ng mga challenging at mature roles, kahit maaaring pag-ugatan ito ng mga intriga.
"Okay lang 'yon. Ganun talaga, good or bad publicity, publicity pa rin 'yon," nangingiting tugon ni Cogie.
FREELANCE ACTOR. Sa kasalukuyan ay freelancer si Cogie at malaya itong makakapagtrabaho kahit saang network o film company.
Kilala si Cogie bilang isang dating talent ng GMA-7. Inamin naman niya na nakausap niya ang pamunuan ng Kapuso network tungkol sa posibilidad na muling makapag-trabaho sa estasyon na itinuring niyang pangalawang tahanan.
"Nag-usap na rin kami ni Tita Wilma [Galvante, GMA-7 senior vice president for entertainment] and sabi niya sa akin kung meron kang work sa TV5 ba't di mo kunin 'yon? Kasi sabi niya rin na naka-lineup na 'yong programa nila para sa buong taon."
Positibo naman si Cogie na makakatulong para sa kanyang career ang pagiging freelancer at plano raw talaga niya ngayon at ng kanyang manager na si Noel Ferrer na maging isang non-exclusive talent para makapili sila ng tamang proyekto.
KEEPING MUM. Bagama't pansamantalang tumigil sa showbiz si Cogie ay hindi naman ito tinantanan ng mga intriga.
Nadawit ang pangalan ni Cogie sa alitan na namagitan sa pulitikong si Chavit Singson at ang live-in partner nito na si Che Tiongson noong nakaraang taon.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
29 chocomucho
28 sakanalovelife
27 kapusong220
26 sakanalovelife
25 sakanalovelife
24 sakanalovelife
23 juliusa
nasabi lng ni fremin. un lng, shinare q lng. kung di ka niniwala be it. db?!
22 fiatotz
21 mindfreak79
at sana nga iwasan na nya ung bisyo kc alam ko ng drugs din to dati eh..
nun late 90's to early 2000's sya ang pinakamagaling na young actor in showbiz..
sayang lang at nasabit kay chavit hehe!
20 buldit1111
19 gorgeous_aleck
18 virgoboy10
17 modelboy
16 lorenzod8
15 joanncabale
sya ang 1st crush ko before dennis trillo
kapuso ako sana sa GMA na lang sya
napakagalng na actor eh.
dami pwede sa kanya ipares sa GMA..bagay sya kay carla
14 lollipop1
13 lotuss
12 anzmane
11 tylersebastian
10 tylersebastian
more comments