Dina Bonnevie admits ex-husband Vic Sotto still has soft spot in her heart

Rose Garcia
Monday, July 26, 2010 @ 02:57PM  |  1118 views

 

"Ang sa akin lang, I consider myself who can be a good catch. Marunong akong magluto. Marunong ako sa bahay. Matalino naman ako. Negosyante ako. Hindi naman ako pangit. I'm in shape and healthy. Ano pa ba ang hihilingin mo? It's a very hard act to follow," says Dina Bonnevie.

Photo By: Noel Orsal













Ang magaling na aktres at kilala sa pagiging prangka na si Dina Bonnevie ang special guest ni Boy Abunda sa kanyang segment na "The Abunda Challenge" sa The Buzz kahapon, July 25.

Unang kinumusta ni Boy kay Dina ang mga panahong tila nawala siya sa sirkulasyon at kung ano ang mga pinagkaabalahan ng aktres.

"Siguro mga nine months akong nawala," banggit niya. "Kasi, I got out of the soap [May Bukas Pa], siguro mga October last year. So, November-December, pumasok na ako sa Wellness and Aesthetic Center ng Medical City. Doon, ginamot na nila ako because I was in and out of the hospital when I was taping May Bukas Pa, talagang sobrang lumaki ako na manas. Because I was also taking steroid, because I was allergic to the lahar and hindi ko alam na ang steroid pala, lack of sleep and bad diet, dahil siyempre, alam mo naman shooting, ang daming pagkain. Lalo na Pampanga pa, ang sasarap ng foods. It can trigger pala, you know, high blood. Siyempre, kapag nag-high blood ka, you can have a mild stroke. 

"So, yun ang nangyari sa akin. Luckily, Medical City helped me. They were able to bring me back to health. They managed my diet. They changed my eating habit. Pati yung exercise ko, pinakialaman nila. So, no more gym-gym or anything."

During those times na hindi aktibo ang aktres sa paggawa ng pelikula at TV shows, what did she miss the most?

"Kapag wala ako sa pelikula, I missed taping, I missed filming movies, I missed talking to people like you. It's not every day that you get interviewed by smart people. Minsan, kapag may nag-i-interview, gusto mong sabihin, 'Can I be the one to make the question?'" diretsong sabi ni Dina.

NOT TERMINALLY ILL. Kumbaga sa main course, appetizer pa lang ang unang palitan ng tanong at sagot na yun nina Boy at Dina. For the "Abunda Challenge," the first question Boy threw to Dina was kung totoo ba na nagkaroon siya ng malubhang karamdaman?

"Hindi naman, Boy. Yung bukol ko rito sa likod, it was operated, so nothing really serious. It was just really getting back to health which I mentioned earlier na because of the wellness and aesthetic center ang nagtulong sa akin na bumalik sa wellness form," paglilinaw ng aktres.

Is she okay now?

"I'm healthy now," sagot ni Dina.

VIC SOTTO. Bakit hanggang ngayon ay nananatili pa rin siyang single?

"I haven't found the right one," sagot ni Dina.

May mga pagkakataon pa rin ba sa buhay na naiisip niyang, sa pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa isip niya, sa dulo nito, sila pa rin ng una niyang asawa na si Vic Sotto ang magkakatuluyan?

Biglang napatayo si Ms. D sa tanong ni Boy.

"Ano ba ito, ninerbiyos daw ako sa question!" natatawa niyang sabi. "I think naman, you know, normal lang na isipin ko yun paminsan-minsan. Lalo na kapag nakikita ko yung mga nagkahiwalay na for a long time and then nagkabalikan, na at the end of the road, sila pa rin pala. Minsan nga, di ba, sinasabi na sa pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang uwi?

1  2  3  Next »

Related Articles

82 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name