Full transcript of President Noynoy Aquino's first State of the Nation Address


 
"Akin pong paniwala na Diyos at taumbayan ang nagdala sa ating kinalalagyan ngayon. Habang nakatutok tayo sa kapakanan ng ating kapwa, bendisyon at patnubay ay tiyak na maaasahan natin sa Poong Maykapal. At kapag nanalig tayo na ang kasangga natin ay ang Diyos, mayroon ba tayong hindi kakayanin?" says President Noynoy Aquino in his first State of the Nation Address.

Full transcript of President Noynoy Aquino's first State of the Nation Address

Rating

Here is the full transcript of President Benigno "Noynoy" Aquino III's first State of the Nation Address (SONA), which he delivered at the Session Hall of the House of Representatives in Batasan Pambansa Complex in Quezon City this afternoon, July 26:

 

"Mga minamahal kong kababayan:

 

"Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan.

 

"Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami, ang pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan.

 

"Sa kabilang banda ay ang pag-una sa pansariling interes. Ang pagpapaalipin sa pulitikal na konsiderasyon, at pagsasakripisyo ng kapakanan ng taumbayan. Ito po ang baluktot na daan.

 

"Matagal pong naligaw ang pamahalaan sa daang baluktot. Araw-araw po, lalong lumilinaw sa akin ang lawak ng problemang ating namana. Damang-dama ko ang bigat ng aking responsibilidad.

 

"Sa unang tatlong linggo ng aming panunungkulan, marami po kaming natuklasan. Nais ko pong ipahayag sa inyo ang iilan lamang sa mga namana nating suliranin at ang ginagawa naming hakbang para lutasin ang mga ito.

 

"Sulyap lamang po ito, hindi pa ito ang lahat ng problemang haharapin natin. Inilihim at sadyang iniligaw ang sambayanan sa totoong kalagayan ng ating bansa.

 

NATIONAL BUDGET. "Sa unang anim na buwan ng taon, mas malaki ang ginastos ng gobyerno kaysa sa pumasok na kita. Lalong lumaki ang deficit natin, na umakyat na sa 196.7 billion pesos. Sa target na kuleksyon, kinapos tayo ng 23.8 billion pesos; ang tinataya namang gastos, nalagpasan natin ng 45.1 billion pesos.

 

"Ang budget po sa 2010 ay 1.54 trillion pesos.

 

"Nasa isandaang bilyong piso o anim at kalahating porsyento na lang ng kabuuan ang malaya nating magagamit para sa nalalabing anim na buwan ng taong ito.

 

"Halos isang porsyento na lang po ng kabuuang budget ang natitira para sa bawat buwan.

 

"Saan naman po dinala ang pera?

 

"Naglaan ng dalawang bilyong piso na Calamity Fund bilang paghahanda para sa mga kalamidad na hindi pa nangyayari. Napakaliit na nga po ng pondong ito, ngunit kapapasok pa lang natin sa panahon ng baha at bagyo, 1.4 billion pesos o sitenta porsyento na ang nagastos.

 

"Sa kabuuan ng 108 million pesos para sa lalawigan ng Pampanga, 105 million pesos nito ay napunta sa iisang distrito lamang. Samantala, ang lalawigan ng Pangasinan na sinalanta ng Pepeng ay nakatanggap ng limang milyong piso lamang para sa pinsalang idinulot ng bagyong Cosme, na nangyari noong 2008 pa.

 

"Ibinigay po ang pondo ng Pampanga sa buwan ng eleksyon, pitong buwan pagkatapos ng Ondoy at Pepeng. Paano kung bumagyo bukas? Inubos na ang pondo nito para sa bagyong nangyari noong isang taon pa. Pagbabayaran ng kinabukasan ang kasakiman ng nakaraan.

 

METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM. "Ganyan din po ang nangyari sa pondo ng MWSS. Kamakailan lamang, pumipila ang mga tao para lang makakuha ng tubig. Sa kabila nito, minabuti pa ng liderato ng MWSS na magbigay ng gantimpala sa sarili kahit hindi pa nababayaran ang pensyon ng mga retiradong empleyado.

 

"Noong 2009, ang buong payroll ng MWSS ay 51.4 million pesos. Pero hindi lang naman po ito ang sahod nila; may mga additional allowances at benefits pa sila na aabot sa 160.1 million pesos. Sa madaling sabi, nakatanggap sila ng 211.5 million pesos noong nakaraang taon. Beinte-kuwatro porsyento lang nito ang normal na sahod, at sitenta'y sais porsyento ang dagdag.

 

"Ang karaniwang manggagawa hanggang 13th month pay plus cash gift lang ang nakukuha. Sa MWSS, aabot sa katumbas ng mahigit sa tatlumpung buwan ang sahod kasama na ang lahat ng mga bonuses at allowances na nakuha nila.

 

"Mas matindi po ang natuklasan natin sa pasahod ng kanilang Board of Trustees. Tingnan po natin ang mga allowances na tinatanggap nila:

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  3  4  5  6  7  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
239 Comments
page    1    2    3    4    5   
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement