"Pana-panahon lang, e. Pero magaling talaga si Mark Meily. Pangarap ko talaga siyang maging direktor," sabi niya of her director, whose past full-length features, like Crying Ladies (2003), La Visa Loca (2006) and Baler (2008), ay pinanonood daw lahat ni Meryll.
"Gustung-gusto ko yung Crying Ladies!" sambit ng aktres. "Fan na fan ako! Sabi ko nga... tinanong ko pa siya, 'Talaga bang gusto mo akong kunin?'"
Unang nagkasama sina Meryll at Direk Mark sa TV commercial shoot para sa isang disposable diaper brand, kung saan gumanap as mom and baby ang real-life mag-inang sina Meryll at Elijah, ang two-year-old son ni Meryll sa nakahiwalayang aktor na si Bernard Palanca.
AUNT MARICEL. Kinumusta rin ng PEP kay Meryll ang kanyang actress-aunt na si Maricel Soriano. Sabi niya'y si Marya ang unang bumati sa kanya upon her winning. No doubt, Maricel is very happy for her actress-niece.
"Oo, siya nga yung unang nag-congratulate!" banggit ni Meryll. "Sabi ko, 'Ang galing mo naman. Alam mo agad!' Sagot niya, 'Of course! Ako pa!'"
Hindi lang si Maricel, maging ang iba pang kaanak ni Meryll ay matamang sumusubaybay sa takbo ng kanyang propesyon ngayon. Nasa showbiz din ang isa niyang tiyuhin, si Mel Martinez. Ang mommy ni Meryll ay si Bec-Bec Soriano at ang kanyang daddy ay isang top TV host ngayon, si Willie Revillame.
"Lahat!" masayang banggit pa ni Meryll. "Kasi we're a tightly-knit family. Talagang close kami ever since."
Of Maricel, Meryll added, "Ang daming itinuro no'n sa akin bilang artista."
SON ELIJAH. Sa pagiging mommy ng two-year-old son na si Elijah ay may fulfillment din si Meryll.
"Ay, ang saya!" bulalas niya sa PEP. "Kaya masaya rin na wala akong masyadong ginagawa, kasi siyempre, may oras talaga ako. Magti-three years old na siya..."
Tutok nga raw talaga si Meryll sa kanyang anak. At wala raw muna siyang gagawing TV series o anumang show o pelikula sa ngayon.
"Wala pa akong offer sa ngayon. Hindi naman sa ayaw, wala pa lang nag-o-offer. Pahinga muna. Meron akong mga inaasikaso, outside showbiz. Ibang business naman," saad niya.
Gagawa pa rin daw siya ng indie movies.
"Napaka-natural naman sa akin na gumawa ng indie. Ito na yung buhay ko. Taun-taon, [halos] meron ako sa Cinemalaya."
Kabilang sa mga ginawa ni Meryll para sa Cinemalaya ang mga sumusunod: Room Boy (2005), In Da Red Corner (2006) by Bong Ramos; Concerto (2008) by Paul Alexander Morales, at Donor (2010).






Kung hindi magaling si Meryll baka pa. Pero magaling ang bata. Sa sunod pag tumira, lagyan ng sustansiya lol!
Kaa-announce pa lang sa TV Patrol na may kapalit na show na ang Wowowee. Ayon naman sa tweet ng ABS-CBN PR na si Eric John Salut: Ilo-launch na raw ng ABS-CBN ang bagong show na kapalit ng Wowowee na may title na Pilipinas For The Win PFTW sa Sabado, July 31. Ang game show na ito ay pangungunahan nina Robin Padilla, Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion, Pokwang at Kris Aquino.
iampukikay
July 27, 2010
17:46 PM
AkoPalagi: Ayos na ayos ang buhay ko! baka ang buhay mo ang paubos.. :D
congrats.. :D
------------------------
kaya nga, ikaw palagi. lol.
Versatile siya as an Actress parang si Maricel. Iyong nga lang..di siya pinalad ng sumikat ng husto.. but then.. as an ACTRESS.. di siya PATATALO.
congrats.. :D
congrats.. :D
desertsafari
July 27, 2010
13:38 PM no wonder magaling tlga si meryll....gusto ko yung role nya as Luna sa Marina...galing nya dun!
________________________________
yup nakakatakot yong role nya don kasi kapangyariyan syang apoy don na bigay ni Cherie Gil aka Victoria... bagay na bagay nga sya sa role na yun..
congrats.. :D
iampukikay
July 27, 2010
15:38 PM
ikaw palagi, paubos na buhay mo?