Matinding usapin ngayon sa Internet ang balitang nagtangkang maglaslas ng pulso ang dalagang actress na si Kim Chiu. Ito ay dulot umano ng napabalitang paghihiwalay nila ng matagal na niyang onscreen partner na si Gerald Anderson.
Ayon sa isang source mula sa ABS-CBN, ang network na nagpatanyag kina Kim at Gerald sa matagumpay na mga teleserye, kasalukuyang nasa "rough times" ang relasyon nina Kim at Gerald ngunit hindi raw maiisip ng dalaga ang paglalaslas.
LOOKING BACK. Matatandaan na walang pormal na pag-amin ang kapwa dating Pinoy Big Brother Teen housemates na sina Gerald at Kim tungkol sa matagal nang usap-usapang relasyon nilang dalawa. Ngunit inilalarawan ang dalawa ng ilang mga kasamahan sa trabaho bilang "near-perfect couple."
Ayon pa sa isang katrabaho, "They have never formally announced anything. But you can see that there is something going on. Kim is just more expressive than him. She takes care of him. Maasikaso at concerned. Kapag naaksidente sa set si Gerald, gaya ng nangyari, react na agad si Kim, sugod na siya sa set mula sa kabilang studio. The guy reciprocates, but he's not as PDA."
Ngunit sa harap ng media, kabaligtaran ang nakikita. Sa mga TV interviews at press conferences, kapag tinatanong ang dalawa, laging mas vocal si Gerald sa ganda ng samahan nila: "Sobra kaming close. Sobra ko nang kilala si Kim."
Samantala, laging paiwas si Kim: "Sa amin na lang yun. Napag-usapan na namin."
Ang nakakalito ngayon ay ang mga nagsusulputang kuwento ng hiwalayan. Hindi sila umaming sila—ngunit may hiwalayan?
Naging balita ang tungkol sa umano'y paghihiwalay nilang dalawa matapos ang annual Heartthrobs tour, kung saan kasama sila ng original heartthrobs na sina Piolo Pascual at Sam Milby sa U.S. noong nakaraang Marso at Abril. Kasama rin sa tour sina Bea Alonzo at Pokwang.
Ayon sa isa pang source na kilala ang mga nagbiyahe, totoo ang mga napabalitang pinormahan ni Gerald, 21, si Bea, 22, habang nasa Heartthrobs U.S. tour. Kahit naroon pa si Kim. Nang magbalik daw ang grupo sa Pilipinas, napansin na ang pagkakalabuan nina Kim at Gerald, na itinuturing na hottest young team ng ABS-CBN at Star Cinema. Sa ngayon nga raw ay malakas na ang usap-usapang may namamagitan na kina Gerald at Bea.
Dagdag naman ng isang taga-Kapamilya network, hindi siya magtataka kung pumorma nga si Gerald kay Bea. "Bente-uno anyos lang si Gerald. Bata pa. Mainit pa. Di pa magseseryoso. And technically, single siya. Single rin si Bea."
Pinabulaanan naman ito ni Kim sa press conference para sa bago niyang endorsement noong July 17. (CLICK HERE to read related article.)
Wala rin umano siyang ideya tungkol sa pagkaka-link nina Bea at Gerald sa isa't isa. (CLICK HERE to read related article.)
Sa katunayan, dun pa rin sa presscon, nang tanungin si Kim ng kanyang reaksiyon sa balitang Gerald-Bea, sinabi niya, "Kaibigan din naman namin si Bea." Nang tinanong naman siya kung ano ang masasabi niya sakaling maging mas close pa ang dalawa, natatawang isinagot ng dalaga, "Kung saan sila masaya! Susuportahan ko."
GOING SEPARATE WAYS? Mas tumindi pa ang usapin ng hiwalayang Gerald-Kim noong mga huling linggo ng Mayo at mga unang linggo ng Hunyo, kung kailan malapit nang matapos ang kanilang pinakahuling proyekto bilang love team, ang Kung Tayo'y Magkakalayo.
Ayon pa rin sa Kapamilya source, matagal na rin namang "cold-hot, cold-hot" ang pakikitungo nina Gerald at Kim sa isa't isa. Halimbawa na raw ay darating ang dalawa sa set na "hot," ngunit pagdating ng hapon ay "cold" na. Ganito raw malimit ang kalakaran ng kanilang relasyong away-bati, away-bati. Ngunit nang pumasok na ang Hunyo, tuluyan na raw nagkalamigan ang dalawa.






Makarma ka niyan.Pwede kang i SUE sa
IRRESPONSIBLE statement mo sa kanyang dangal!
Bago magbitiw ng salita, dapat mapanindigan mo
Pati yung nagsabi na maldita si Kim
Chiu,gawa.gawa rin.Dahil pareho kayong
inggit!
2. May relasyon yan sila ni Gerald, infact nag pa abort yan si Kim sa HKG before.
3. Si Kim mabait naman yan, naiipit lang between her family and Gerald! Si Kim kase breadwinner nagpapakain ng kanyang chinese na pamilya.
wag mo yan pagaksayahan ng tym yang mukhang tingting na yan wala kang mapapala..... sorry sa mga nasaktan
have a nice day =
Move on and Move Forward.
WHO PUSHES HER NAME ALL THE TIME, WHEN TALKS OF NEW LL FOR ANDERSON IS BEING DISCUSSED.
MANY CAPABLE LEADING LADIES ARE WAITING IN THE WINGS.
OTHER BOX OFFICE LL DID NOT EVEN MAKE IT.
IN THIS BUSINESS, YOU NEED THOUSANDS, IF NOT MILLIONS OF FANS, TO PUT YOU
UP THERE WITH THE ELITE.PEACE.
Bea Alonzo!!!
Bea Alonzo!!!
Kim isigaw mo nga ang name n yan!!1 Hahahaha!!!
Eto kaya isigaw mo:
Bea Anderson!!!!
Gerald loves Bea!!!!
Ganda pakinggan!!! diba KIM!!!! lol!!!!!