Cesar Montano on his conflict with Norma Japitana: "Nobody can force me to say anything bad against my manager."


 
"Hindi ko naman kasi siya itinuturing as my manager lang. Kung manager ko lang siya, masasaktan ako. Baka bumalik ako ng masakit na salita. But I can never do that. I know misconception lang ang nangyayaring lahat. And I need to talk to her. Magkakaayos din kaming lahat," says Cesar Montano about the recent interview of his manager, Norma Japitana, wherein she said that what Cesar did to her was a "complete deception."

Cesar Montano on his conflict with Norma Japitana: "Nobody can force me to say anything bad against my manager."

Rose Garcia

Rating

Hudyat ng pagbabalik-Kapuso ni Cesar Montano ang fantaseryeng Ilumina, na magsisimula nang mapanood sa Lunes, August 2, sa Telebabad block ng GMA-7. 

 

Si Cesar ang gumaganap sa role ni Romano, ang mabuting ama ng kambal na sina Romana (Rhian Ramos) at Krisanta (Jackie Rice). Gagawin ang lahat para sa kabutihan ng mga ank at siya ring mangangalaga sa susi ng Ilumina, ang aklat ng salamangka.

 

Ayon kay Cesar, nag-e-enjoy siya bilang isang Kapuso muli.

 

"I'm enjoying it. I love working with Kapuso. It's good to be back here in GMA-7. Enjoy katrabaho ang mga bata. Magagaling na artista. They are fine actors," sabi ng aktor sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Ilumina last Tuesday, July 27, sa Glass Garden sa may Santolan, Pasig City.

 

Matatandaang sa GMA Films ginawa ni Cesar ang historical film na Jose Rizal (1998) at ang critically acclaimed film na Muro Ami (1999).

 

ISSUE WITH HIS MANAGER. Pero kasabay ng paglipat ni Cesar sa GMA-7 ay ang isyu sa pagitan nila ng kanyang longtime manager na si Norma Japitana.

 

Ayon sa balita, masama raw ang loob ni Norma dahil hindi raw ipinaalam ni Cesar ang pagpirma niya ng kontrata sa Kapuso network. Ito rin daw ang dahilan kung bakit naghain ng pormal na reklamo si Norma sa Professional Artists Managers, Inc. (PAMI), kung saan ito kasapi, laban kay Cesar. (CLICK HERE to read related story.)

 

Nang tanungin tungkol dito, hindi pa makapagbigay ng detalye ang aktor dahil hindi pa raw sila nagkakausap ng kanyang manager.

 

"Hindi ko pa siya nakakausap. Hindi ko masasagot talaga. Hindi ko pa talaga siya nakakausap and I will be very prejudiced if I say something na iniisip ko lang na hindi naman galing sa kanya. I need to sit down with her. Kaya hindi nga ako nagre-react even do'n sa mga ano [write-ups], kaya palagi kong sinasabi, I need to talk to my manager first," diin ni Cesar.

 

Anong hadlang para hindi sila magkausap?

 

"I'm trying to reach out with her, nagte-text akong palagi," sabi ni Cesar. "So, siguro, ako, wala akong masasabi do'n. She's family. I love Ate Norma dearly. Tampo ng isang nanay 'yan, pagbigyan natin. Anong magagawa ni Buboy [palayaw ni Cesar]? E, pagbigyan ang tampo. Ta-timing na lang ako siguro kapag medyo lumamig na ang ulo ng nanay ko. Saka ako lalapit sa kanya. Pero, she's still my manager."

 

Hindi ba talaga alam ni Norma ang paglipat niya sa GMA-7 mula sa ABS-CBN?

 

"Alam niya," sagot ni Buboy.

 

Bakit hindi niya kasama sa contract signing niya with GMA-7 si Norma kung ito pa rin ang manager niya?

 

"I talked to her before I signed. Sabi ko sa kanya, 'Ate Norms, aayusin ko itong Channel 7.' Sabi niya, 'Okay," sagot ni Cesar.

 

Dagdag pa niya, "Ang situation kasi namin ni ate Norma, case to case basis na, e. Per project. Wala kaming written contract."

 

Nilinaw rin ni Cesar ang naging papel ng entertainment columnist at publicist na si Shirley Pizarro sa paglipat niya sa GMA-7.

 

"Tinulungan niya lang ako," sabi ng aktor. "Gumitna lang siya. Nami-misinterpret nila na parang nanunulot. No, Shirley is not my manager. Kaya lang, si Shirley lang ang unang tumutulong sa akin. So, sabi ko, 'Ate Norms, aayusin ko na 'to.'"

 

Sinabi rin ni Cesar na kailangan na niyang magdesisyon agad nang dumating ang offer ng GMA-7 dahil sisimulan na that time ang taping ng Ilumina.

 

"Oo, e. Tinatawagan ko si Ate Norma the day before I signed. Ang bilis nangyari yun. Meeting ako with GMA. Tawag ako kay Ate Norma, tapos the next day, signing na. The following day, pictorial then shooting."

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
48 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement