Kris Aquino to James Yap: "Magpakatotoo na tayong dalawa. Ang tagal-tagal na nating hindi maligaya sa piling ng isa't isa."

Glen P. Sibonga
Monday, August 02, 2010 @ 10:03AM  |  177631 views

 

"I acknowledge na naubos talaga yung love April 26 of this year. May nasabi siya sa anak ko which I will forever keep between the two of us. May nasabi siya sa galit namin sa isa't isa siguro nung panahon na yun, na nasaktan talaga ako. At yun ang nagpatunay sa akin na this is not the man for me and this is not the man I want to stay with, because dinadamay na niya ang three years old na bata na dapat protektahan naming dalawa," says Kris Aquino about her husband James Yap.

Photo By: Noel Orsal













Sa pagbabalik ni Kris Aquino sa Pilipinas noong Biyernes, July 30, mula sa tatlong linggong pagbabakasyon sa U.S. kasama ang mga anak na sina Joshua at Baby James, inabangan ng marami ang gagawin niyang pagsasalita tungkol sa iba't ibang intrigang naiwan niyang walang paliwanag. Pinakamalaki na rito ang tungkol sa pakikipaghiwalay niya sa asawang si James Yap.

Tinutukan ng marami ang unang bahagi ng exclusive interview ni Boy Abunda kay Kris na ipinalabas sa SNN (Showbiz News Ngayon) noong Biyernes ng gabi. Dito ay sinagot ni Kris ang mga isyu tungkol sa kanyang umano'y pagbubuntis at ang pagkaka-link niya kina Coco Martin, Gerald Anderson, Gabby Concepcion, Robin Padilla, Senator Chiz Escudero, at Makati Mayor Junjun Binay. (Click HERE and HERE to read related stories.)

Pero ang pinakamatinding pasabog ni Kris tungkol sa estado ng relasyon nila ni James ay isiniwalat niya sa pangalawang bahagi ng interview ni Boy sa The Buzz kahapon, August 1. Dito ay inihayag na ni Kris ang kanyang saloobin tungkol sa desisyon niyang makipaghiwalay sa basketbolista.

MARRIAGE WITH JAMES WAS NULL AND VOID. Nagsimula ang interview sa paliwanag ni Kris tungkol sa isyung null and void ang kasal niya kay James.

BOY: Based on the interview, I think with the lawyers, na may na-mention na maaaring mayroong posibilidad na your marriage was null and void to begin with. Ano ang iyong take?

KRIS: Probably because the premise kung paano siya nagsimula, na hindi ko inamin sa pamilya ko right away, part of destiny 'yan. Kasi siguro kung kumpiyansa ako na it will really be okay and all, hindi na tayo nagtago sa bahay mo. [Laughs] Siguro regalo na 'yan ng tadhana sa aming dalawa. I don't know, Boy, I have to sit down with the lawyers. I have to see the papers. It has to go through the process in court. But kung totoo 'yan at mayroon kaming mga requirements na hindi na-fullfill, at yung technicality nandoon at maru-rule nga ng korte na null and void to begin with, then maybe it's really a lesson for me. That no matter how I tried to avoid it and no matter how much my family tried to accept James, if ever, Boy, in the future—and I'm saying malayong future ito, ha—sisiguraduhin kong I'll do it correctly this time. Wala nang mga patagu-tago pa.

"HUWAG MO NANG IDAMAY ANG MOM." Napasok din sa usapan nina Boy at Kris ang tungkol sa deklarasyon ni James sa mga maiikling interview sa kanya, kaugnay sa kagustuhan nitong buuin pa ang kanilang pamilya, dahil ito raw ang ipinangako niya sa mommy ni Kris, ang yumaong dating Pangulong Cory Aquino.

BOY: Two things Krissy, bago ka umalis, siyempre patuloy nang pinag-uusapan ang hiwalayan. Even before you left, he [James] made a declaration. Naaalala ko ito na, 'Ipaglalaban ko ang pagbuo ng aking pamilya. Napakahirap na desisyon ito, napakahirap ng aming kinalalagyan dahil nangako ako sa mommy, sa former President Cory, na gagawin ko ang lahat para mabuo ang aking pamilya...' At ito po ang tanong ng sambayanan na ikaw lamang ang makakasagot: Bakit kayo naghiwalay, or better yet, bakit ka nagdesisyong humiwalay sa iyong asawa na si James Yap?

KRIS: First of all, I would like to make a request kay James. Mom was so good to you. 'Wag mo nang idamay ang mom. Nakikiusap ako kasi nananahimik na ang Mom sa langit. And if you also love Mom, don't bring her into this. Pangalawa, I tried my best to not give the reasons and you know that, Boy. Kasi nakikiusap ang mga kapatid ko, 'Krissy, no washing of dirty linen in public.' At tinutupad ko yun. But I also told my sisters na ang hirap naman na magmukha akong wicked witch, na merong lalakeng sabi nang sabing gusto niyang makabuo ng pamilya, tapos 'eto ako, nagmamatigas na ayaw ko na.

So, sinabi ko sa mga kapatid ko na, 'Okay lang ba kung sabihin ko na three-and-a-half-years ko namang sinubukan?' Alam naman ng lahat, Boy, kung ano yung mga binato sa amin along the way. Alam din ni James kung ano yung mga kasalanan niya, in the same way na alam ko yung mga naging kasalanan ko. Pero siguro, I gave it my best. And I have no bitterness in my heart. Walang halong kaplastikan 'yan, hindi ko sinasabi 'yan para maging mabango ang tingin ng tao sa akin."

CO-EXISTING IN ONE HOUSE BUT HAVING NO COMMUNICATION. Sa pagpapatuloy ni Kris ay naglabas siya ng lyrics ng kantang "It Must Have Been Love," originally sung by Roxette at ni-revive ni KC Concepcion. Ang chorus ng naturang kanta ang nagpapahayag daw ng tunay niyang nararamdaman.

KRIS: Pero ang sasabihin ko kasi, may notes ako...okay lang? Kasi ayokong maging emotional. Pasensiya na ha, alam mo na I deal with feelings through songs, and it just so happens sa album ni KC, yung a.k.a. Cassandra, she had a beautiful version, for me the best. I have seven different versions of this song on my iPad, hers is the clearest. The song was "It Must Have Been Love." So, 'eto na, yung lyrics nito sums up exactly what I feel.

It must have been love but it's over now,

It must have been good but I lost it somehow,

It must have been love but it's over now,

From the moment we touch till time had run out...

Naubos... naubos yung kagustuhan ko to make it work. I was miserable. And I'm sure, 'eto, I'll address this to James, 'Wag kang mahiyang aminin na pati ikaw miserable.' Alam ko, siguro maraming nag-advise sa kanya kung ano yung mga dapat niyang sabihin and I respect that, kasi alam ko, 'eto yung trabaho ko, kaya I know how to deal with it.

Pero magpakatotoo na tayong dalawa. Ang tagal-tagal na nating hindi maligaya sa piling ng isa't isa. Ang tagal na nating co-existing in one house but having no communication. Matagal na kung nag-uusap man tayo, nagsisigawan lang tayo... At sana aminin mo rin naman sa mga tao na bago ako umalis, kaya nga hindi ako humarap sa kahit sinong camera, pinagbigyan ko siya, Boy, dalawang oras kaming nag-usap sa bahay. For me, that's my closure.

A DYING LOVE. Sumunod ay ang pagsisiwalat ni Kris na tuluyan nang nawala ang pagmamahal niya kay James.

BOY: Sandali lamang, before you left for this vacation?

KRIS: Yes, he was there, because he wanted to say goodbye to Bimby [Baby James], and then he said, 'Puwede ba tayong mag-usap?' Harapan, yes. At alam niya.

BOY: At ang inyong pinag-usapan?

KRIS: Sa amin nang dalawa yun. Ang pinakamahalaga, alam niya at alam ko why this marriage ended. Alam din niya kung saan siya nagkulang dahil may mga tinext siya sa akin while I was abroad, saying na he realizes where he went wrong. But I said it's really too late. And then, it ended because napagod na ako pretending that everything was okay. Mahirap pong gawin yun talaga in the midst of a campaign where my marital status could have been used against my brother. Mahirap yun kasi yung mga kapatid ko were really trying to help us save it. At mahirap dahil three years old lang ang anak ko.

But the truth is, and James knows this also, we stopped loving each other a long time ago. I'm honest enough to admit it, I wish he could be honest enough to also admit it. Masyado kaming maraming mga pagkakaiba sa personalidad na umabot na sa point na James wants to be James, I want to be Kris. So, yun lang.

BOY: Krissy, sana tanggapin ninyong dalawa na sabi mo nga na matagal nang you stopped loving each other. How long ago was this?

KRIS: Ako? [long pause] I acknowledge na naubos talaga yung love April 26 of this year. May nasabi siya sa anak ko which I will forever keep between the two of us. May nasabi siya sa galit namin sa isa't isa siguro nung panahon na yun, na nasaktan talaga ako. At yun ang nagpatunay sa akin na this is not the man for me and this is not the man I want to stay with, because dinadamay na niya ang three years old na bata na dapat protektahan naming dalawa.

BOY: That was the moment na sinabi mong 'It's over...'

KRIS: Di ba, may kasabihan tayong the straw that broke the camel's back? For me, that was it. The love was dying for a very long time, but siyempre, Boy, you'll try. Subukan mo talaga. Dyusko naman, yung babae pinatawad ko, pero 'eto talaga hindi ko kinaya!

UNRESOLVED ISSUE WITH HOPE CENTENO. Dahil sa sinabing babae ni Kris, naitanong tuloy ni Boy ang tungkol kay Hope Centeno, ang dating empleyada ng Belo Clinic at babaeng naugnay kay James noon.

1  2  3  Next »

Related Articles

738 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name