"Sabihin na lang natin na kung ikukumpara ko, para siyang yung espesyal na lechon sa Cebu! Ganung kasarap, ganung kasarap!" says Diether Ocampo after kissing comedienne Eugene Domingo (inset) at the presscon of their movie Mamarazzi earlier today, August 3.

Photo: Noel Orsal

Sa pelikulang Mamarazzi, ang 50th anniversary presentation ng Regal Films, gumaganap bilang isang sperm donor si Diether Ocampo sa bidang si Eugene Domingo.

Kaya sa presscon ng naturang pelikula kaninang tanghali, August 3, sa Imperial Palace Suites sa may Tomas Morato, Quezon City, ay naitanong kay Diether kung may posibilidad ba na ang isang tulad niya ay ma-in love sa isang babaeng tulad ni Uge (palayaw ni Eugene).

"Alam n'yo po, marami tayo minsan na hindi nakikitang mga katangian sa nakakasama natin," simula ng aktor. "Sa pagkakataong ito, sa pelikulang ito, dito ko lang nakilala nang husto si Uge, e. So, gaya ng sabi ko, marami akong nakitang katangian niya na talagang kahanga-hanga.

"So, kung matagal ko pa siyang makakasama, hindi ko naman alam siyempre kung ano ang [puwedeng mangyari]. Kumbaga, kung ano yung na-develop sa pagtatrabaho naming ito, sa working relationship namin, lalo na yung friendship namin... Kagaya nga ng sinabi ko, may mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari, e. Tulad ng pelikulang ito, hindi ko naman inaasahang makakasama ko siya. 

"So, sa personal na buhay, I guess maa-apply mo rin yun, na may mga bagay tayong hindi natin puwedeng pangunahan, e. Kumbaga sa akin, hindi mo naman masasabi ang puwedeng mangyari. Kaya lang siyempre, maganda na kung ano ang kakalabasan nito is... Kumbaga, siyempre bilang magkatrabaho, mga aktor, although hindi natin alam ang puwedeng mangyari, meron tayong mga bagay na akala natin na hindi natin magagawa, mga bagay na akala natin hindi natin maa-achieve. Pero sa pagkakataong ito, gusto ko lang ipahiwatig sa inyo, walang imposible sa mundong ito, parang ganun."

Sa pelikula, boyfriend ni John "Sweet" Lapus si Diether at ipinahiram para maging sperm donor kay Eugene na gumaganap bilang si Violy. Triplets ang naging bunga nito, na ginagampanan nina AJ Perez at Andi Eigenmann in a dual role.

Kaya ang sumunod na itinanong kay Diether ay kung willing ba siya na maging sperm donor kay Uge para magkaanak ito sa tunay na buhay? Na magtatalik sila ni Eugene para magkaanak si Uge kahit walang relasyon?

"Eto, prangkahan na tayo... bakit hindi? Hindi, sa totoo lang, prangkahan na ito. Ito ang sagot ko: dapat may feelings siyempre," sagot niya.

EUGENE'S LIPS. Birong-totoo ni Uge, "nananamantala" daw siya kapag guwapo ang leading man niya, tulad ni Dingdong Dantes sa Kimmy Dora, at ngayon nga si Diether sa Mamarazzi.

Naramdaman ba ni Dither na "sinamantala" siya ni Uge? Lalo pa nga't sa kissing scene nila, kahit wala sa script, ay sinibasib ng halik—na ang term nga nila ay "kisab" o kiss na may ngasab—ng komedyana si Diether.

"Hindi naman, hindi naman. Dahil nga si Eugene, napakapropesyunal katrabaho nito. So, yung experience na yun... Medyo nakakagulat, pero wala akong naramdaman na parang foul o hindi maganda kumbaga. Kaya nga ako nagpaubaya, e! Hindi nga kami nagbitaw, e. E, si Direk [Joel Lamangan], hindi rin nag-'cut,' so hindi kami nagbitaw. Kami pareho, nandun yung koneksiyon namin sa kuwento ng movie. So, siyempre, meron kaming naramdaman para sa isa't isa."

Kung ten ang ire-rate ni Diether sa halik ng girlfriend niyang si Rima Ostwani, ano ang rating niya sa halik ni Eugene?

"Nine!" sagot ng aktor.

Paano niya ikukumpara ang lasa ng mga labi ni Uge sa dati niyang karelasyon na si Kristine Hermosa at leading lady niya sa Rubi na si Angelica Panganiban?