Ito ba ang pinag-uumpisahan ng napapabalitang gap nila nina Steven at Enzo?
"Hindi, hindi...I've never heard any," ang garantiya niya.
Hanggang ngayon, magkakaibigan pa rin daw sila.
Ang kuwento pa niya, "Nung Lovebug po nila, nag-stay ako sa dressing room para manood. 'Tapos katabi ko po si Enzo at si Sef [Cadayona, StarStruck batchmate], nanood kami. As a friend, sinasabi ko kay Enzo yung mga katulad ng paulit-ulit niyang ginagawa, sabi ko, 'Enzo, dapat iwasan mo 'yang ganyan,' ganun."
Paglilinaw niya, ang payong ibinibigay sa First Prince ay from his perspective "as a viewer." Ang sabi pa niya, "In that way nagtutulungan kami."
Si Enzo ba, binibigyan din siya ng advice?
Sagot niya: "Sabi ko sa kanya, 'Pag kami naman, magbigay siya ng opinyon niya."
Nang tanungin siya kung sino sa dalawang StarStruck V male winners ang ka-close niya, "both," ang una niyang sagot.
Pero "mas close" daw siya ngayon kay Enzo.
"May Kaya Ng Powers kami 'tapos lagi kaming magka-team pag sumasayaw kami sa Party Pilipinas, so very close kami ni Enzo ngayon," pagtatapos ni Rocco.






and one more thing, this guy has brains! may sense magsalita!