Bukod kina Bayani at Eugene, kasama rin sa JejeMom sina Wendell Ramos, Ricky Davao, Gelli de Belen, Jennica Garcia, Carl Guevarra, Buboy Villar at Chariz Solomon. Directed by Dominic Zapata, ang JejeMom ay mapapanood sa GMA-7 tuwing Sabado pagkatapos ng Kaya ng Powers simula sa August 14.
OTHER PROJECTS. Bukod sa JejeMom, may iba pang pinagkakaabalahan ngayon si Bayani at ito ay ang paggawa ng bagong album niya under Sony Music. Nagbabalik-recording scene siya matapos ng matagal na panahon.
"Todo Bigay ang title ng album. Siguro by October na siya maire-release. Sa ngayon, nakakaapat na kanta na ako na nai-record. Siguro 10 to 12 tracks ang laman ng album. May duet kami dito ni Uge, yung 'Isang Mundo, Isang Awit' ni Leah Navarro. Hopefully, magkakaroon din kami ni Sharon [Cuneta], yung 'AM Ako, FM Siya' ni Rey Valera. May revivals, pero may original din."
Wish din ni Bayani na maipalabas na sa Pilipinas ang ginawa niyang international indie film na Pinoy Sunday, kung saan kasama niya sina Epi Quizon, Merryl Soriano, at Alessandra de Rossi.
"Pinoy Sunday ang title kasi di ba ang mga Pinoy sa abroad tuwing Sunday nagkikita-kita sila. It's about OFWs. Ipinalabas na siya sa Japan at naging blockbuster daw sa Taiwan. Ang direktor nito, si Wi Ding Ho, ay isang Malaysian-Chinese. Last year namin ito ginawa.
"Inikot na ito sa iba't ibang film festivals. Ngayon kasama siya sa festival sa Hong Kong, pupunta kami sa October 10. Sana maipalabas din dito sa Pilipinas. Hopefully, maipalabas siya this year dito sa Cinemanila [International Film Festival]."






Kahit laos ka na, ipagsisiksikan ka pa rin. Nakaka walang gana.