Cristine Reyes closes communication with Rayver Cruz to stop talks about their rumored relationship

Glen P. Sibonga
Wednesday, August 11, 2010 @ 11:56AM  |  31929 views

 

"Lumalabas na sinungaling ako. Kasi patuloy pa rin kaming nag-uusap. Ngayon, para lang patunayan na wala talaga kaming relasyon, e, di wala na lang talaga. Pati komunikasyon wala na. Unfair din naman sa akin dahil ako yung nasasabihang sinungaling," says Cristine Reyes on the negative reaction she gets after her revelation about her and Rayver Cruz.

Photo By: Noel Orsal













Masayang-masaya si Cristine Reyes dahil balik-primetime na naman siya kasama sina Zanjoe Marudo, Rafael Rosell, at Denise Laurel sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN, ang Precious Hearts Romances Presents Martha Cecilia's Kristine, na mapapanood na simula sa Lunes ng gabi, August 16. Ito ang magiging kapalit ng Rubi, na magtatapos na sa Biyernes, August 13.

"Siyempre, masaya ako kasi after ng Eva Fonda, may bagong primetime series na naman ako. Happy ako kasi pinagkatiwalaan ako ulit ng ABS na gawin itong Kristine. Maganda ang story, magagaling ang cast at magaling ang director namin na si Direk Rory [Quintos]," pahayag ni Cristine nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa presscon ng Kristine kahapon, August 10, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Ang Kristine ay hango sa best-selling series sa pocketbook history, ang Martha Cecilia's Kristine, published by Precious Pages Corporation under its book imprint Precious Hearts Romances Presents. Ginagampanan ni Cristine ang role ni Jewel Fortalejo, na kapatid ni Emerald (Denise). Kapwa sila iibig sa mga lalakeng mula sa kalabang pamilya ng mga Fortalejo, ang mga De Silva (Rafael and Zanjoe).

"Yung Kristine kasi is about the story ng dalawang pamilya, De Silva at Fortalejo. At umiikot yung story niya sa pag-iibigan ng apat na characters. Hindi siya tungkol sa puro intimate scenes. Love story siya at labanan ng dalawang pamilya," sabi ni Cristine.

Gaano ito kaespesyal kumpara sa Eva Fonda niya noon?

"Magkaibang-magkaiba," sagot ng young sexy actress. "Siyempre, unang-una, sobrang special sa akin ng Eva Fonda dahil yun ang unang primetime series ko. 'Eto namang Martha Cecilia's Kristine, special din siya sa akin dahil, number one, napakalaking production, napakalaking serye, at maraming nag-aabang, lalo na iyong mga fans ng Martha Cecilia's Kristine. And dun ako natsa-challenge. So, special siya sa akin dahil natsa-challenge ako sa lahat ng mga tao na naghihintay at nag-aabang ng Kristine."

Ano ang pagkakapareho nila ng character niyang si Jewel?

"Ang pagkakapareho namin... 'ika nga sa tagline ng Kristine: 'Ano ba ang mas matimbang, ang lukso ng dugo o pintig ng puso?' Kasi sa totoong buhay naman, lahat tayo dumadaan sa ganun. Kapag dumating ang pag-ibig mo, hindi mo alam kung sasama ka na ba dun o hindi. Pipiliin mo ba yung responsibility mo sa family mo? So, feeling ko, ganun. Kasi one time, dumating na rin ako sa ganun, e. Pareho kami ni Jewel magmahal pagdating sa pamilya at pagdating sa pag-ibig."

Dahil kilala bilang isa sa sexy actresses ng industriya si Cristine, may mga sexy scenes rin daw siya sa serye, pero more implied, sabi nga ni Direk Rory Quintos.

RAYVER CRUZ. Siyempre, hindi rin pinaligtas ng mga press si Cristine para sagutin ang mga intrigang ipinupukol sa kanya. Gumawa kasi ng ingay ang revelation niya sa SNN (Showbiz News Ngayon) last week tungkol sa estado nila ni Rayver Cruz kung saan inamin niya na nanligaw sa kanya ang binatang aktor. Kumusta na ba sila ni Rayver ngayon? (CLICK HERE to read related story.)

"Magkaibigan na lang kami ngayon. Kasi yung tanong sa akin ni Tito Boy [Abunda], kung nanligaw. Sinabi ko, 'Oo, nanligaw noon, pero ngayon hindi na.'"

Lumalabas din sa SNN interview niya na tila nabasted si Rayver. Pero nakita pa sila na magkasama sa Cebu kung saan sinamahan pa ni Cristine si Rayver sa isang doktor. So, ano ang ibig sabihin nito?

"Magkaibigan po kami. Alam ko po mahirap intindihin yun," sabi ng dalaga. "Pero para sa akin, siyempre naging malapit na sa akin yung tao. And at the same time, meron naman kaming pinagsamahan. Kaya ganun siya kahalaga sa akin."

Ikinagulat daw ni Cristine ang iba't ibang reaksiyon ng mga tao sa kanyang revelations at ang pinakamatindi nga ay ang pagsasabing sinungaling siya. Dahil dito, nagdesisyon si Cristine na putulin na ang komunikasyon niya kay Rayver.

"Lumalabas na sinungaling ako. Kasi patuloy pa rin kaming nag-uusap. Ngayon, para lang patunayan na wala talaga kaming relasyon, e, di wala na lang talaga. Pati komunikasyon wala na. Unfair din naman sa akin dahil ako yung nasasabihang sinungaling," saad niya.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

40 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name